Chapter 6

957 27 1
                                    

MIKA POV

Kanina pa paikot-ikot sa kama si Mika. Hindi nya nagawang matulog gawa ng alas quatro na sya nakauwi sa bahay nila. Nadagdagan pa na hindi nya maalis sa isip ang nangyari kanina.

"So kaya ka nandito to confirm kung may feelings ka pa din sa'kin?" tanong ni Mika at tumango si Ara. "And? Are you?"

"I think parehas naman nating alam ang sagot." ani ni Ara kaya napakunot ng noo si Mika. "Come on. Do I really have to say na wala na? And ikaw naman sobrang obvious mo kaya." 

"Obvious na?" ulit ni MIka

"Na gusto mo si Ly. Ayieee" saad ni Ara na may halong pang-aasar kaya tinulak sya ni MIka ng mahina. "See? Ganyan ka naman lagi pag ayaw sagutin yung tanong. Tatahimik o kaya manunulak."

"Ikaw kaya yung tinatanong ko. Wag mong ibahin yung topic." sabi ni Mika na namumula ang pisngi.

"Sinagot ko na kaya. Sabi ko wala na." saad ni Ara at tumango si Mika ng biglang tumawa si Ara. "Sorry, akala ko kasi may drama pang magaganap sa'ting dalawa. Yet here we are, nag-aasaran lang." dagdag ni Ara na pilit pinapakalma ang sarili.

"Baliw ka kasi. Iniwan mo ako." pabirong sambit ni MIka na kinatawa ni Ara.

"Hindi naman kita iiwan kung sinabi mong wag ako umalis di ako aalis 'no."  sagot ni Ara na kinatahimik nilang dalawa ngunit napangiti agad silang parehas.

"Pero I'm glad you did." saad ni Mika at tumango si Ara.

"Yeah. Me too." saad ni Ara. "Sigurado ako. We won't probably meet them if were still together." dagdag ni Ara

"Together? Ang tanong naging tayo ba?"  ani ni MIka na may halong pang-aasar kaya di napigilan ni Ara na mapangisi.

"Oo nga pala. Hindi nga pala tayo." kanta ni Ara na agad pinutol ni Mika

"Mali ka naman e." saad ni Mika na kinakunot ng noo ni Ara. "Torete kaya kanta natin." dagdag ni Mika na kinatawa nilang dalawa.

At buong umaga sila nagkwentuhan ng mga bagay-bagay na nangyari sa tatlong taong hindi nila pagkikita.

Pagkatapos ng di mabilang na pwesto napaupo si MIka sa kama at tinanaw ang litrato ni Alyssa sa maliit na tokador sa tabi ng kama nya.

"Hay nako, Ly." sambit ni Mika na may kasamang buntong hininga. "Ngayong alam mo ng ako si Miss A, pa'no ko ba sasabihin sa'yo na si Ara yung sinusulatan ni Miss A? Will this be like a huge thing?" tanong ni Mika sa litrato ni Mika.

Ilang segundo pang tinitigan ni Mika ang picture ni Alyssa bago ito binalik sa maliit na tokador sa tabi ng kama at ginulo ang sariling buhok sa pagka-inis sa sarili.

Nagdesisyon ni Mika na bumaba na mula sa kwarto nya papunta sa kusina na sigurado syang andun ang buong pamilya nya.

"Oh, 'nak sakto pagkababa mo. Mag-a-agagan na din tayo." saad ni Bhaby at napahinto ito ng makita ang itsura ng anak. "Hindi ka ba nakatulog ng maayos, 'nak?" tanong ni Bhaby at tumango naman si Mika bilang tugon. "Bakit? May problema ba?"

"Wala po, Ma. Nag-usap na po kasi kami ni Ara kaya late na din ako nakauwi." sagot ni Mika sa tanong ni Bhaby at umupo sa lamesa.

"Teka. Andito na ulit si Ara?" tanong ni Bhaby habang nasa kusina pa din ito at sumaglit ng tingin sa kanya. Agad namang tumango si Mika bilang tugon sa tanong ng Mama nya. "Dapat inimbitahan mo dito kumain. I-text mo na."

"Ma, saglit lang sya dito at umalis na din po agad e. Yung flight nun kaninang 8am." sagot ni Mika at tiningnan ang lamesa na wala pa ding laman maliban sa isang bowl ng rice. "Ano po pa lang ulam natin?" tanong ni Mika habang papalapit si Bhaby na may dalang isang bowl.

"Adobo." sagot ni Bhaby at tila nabingi si Mika sa narinig.

"Po?" tanong ni Mika.

"Adobo kako." sagot ulit ni Bhaby at inilapag ang adobo sa lamesa.

"Pero...bakit adobo?" tanong ni Mika habang ang mga kapatid nya ay nag-si-simula ng kumuha ng ulam.

Napakunot naman ng noo si Bhaby. "Ayaw mo ba ng adobo?"

"H-hindi kaso...hindi naman tayo madalas kumain ng Filipino food." ani ni Mika habang nanatiling papalit-palit ang tingin sa adobo, sa mga kapatid, at nanay.

"Gusto mo bang araw-araw tayong mag Filipino cuisine?" tanong ni Bhaby at agad natumanggi si Mika.

"Hindi na, Ma. Hindi na. Kahit puro Korean or Japanese foods na. Wag tayong mag-Filipino cuisine. Hindi na talaga." ani ni Mika kaya napatingin ang kanyang mga kapatid at mama sa kanya ng may pagtataka.

"Ate ang weird mo." saad ni Nikole kaya napatingin sila Mika sa kanya. "Paulit-ulit. Pwede namang isang beses lang lang na sabihing ayaw mo."

"Ganyan talaga pag di natutulog ng maayos parang bangag." ani ni Mikko saka pinagpatuloy ang pagkain. "Kung ayaw mo ng Filipino cuisine. Wag mo kaming idamay, Ate." dagdag ng kapatid na sinangayunan ni Mikole.

"Ang sinasabi ko lang--" naputol ang sasabihin ni Mika ng magsalita muli si Mikko.

"Daming sinasabi. Kumain ka na lang kaya Ate." saad ni Mikko at pinanliitan nya ng mata ang kapatid.

Sa di malamang dahilan biglang naalala ni Mika ang adobo na gawa ni Alyssa pagkakain nya ng adobo.

Yung saktong lasa ng alat at asim ng adodo.

Yung nanunoot ang lasa ng malambot na karne ng manok.

Yung malambot na patatas at itlog na tamang-tama ang pagkakaluto.

Yung amoy pa lang natatakam ka na. Sulit na ulam na.

Samahan pa ng mainit na kanin na pinagsasaluhan nila kasama ng mga tawanan.

"Huy, Ate! Tulala?" saway ng kapatid nyang si Mikko at napagtanto nyang nakatingin ang kanyang Mama at mga kapatid sa kanya.

"Ang weird mo ngayon, Ate." sabi ni Mikole sa kanya na nakakunot ang noo.

"Gusto mo bang matulog muna, 'nak? Nakangiti ka kasi habang kumakain e." saad ni Bhaby at mabilis na umiling si Mika.

"Ah. Hindi, Ma. May naalala lang ako." sagot ni Mika at pinagpatuloy ang pagkain.

Ramdam ni Mika na tinitingnan sya ng kanyang pamilya pero patay malisya lang syang kumain ng kumain.

I need to do something about this. saad ni Mika sa sarili


171025-11011036

18Where stories live. Discover now