ALYSSA POV
After three years...
"Excuse me." sabi ni Alyssa habang nakatayo sya sa likod ng babaeng nakita nya. Humarap naman ito sa kanya. "Ikaw nga!" sabi ni Alyssa ng buong galak.
"I'm sorry, do I know you?" tanong ng babae sa kanya na nakakunot ang noo pero halatang nagpipigil ng ngiti.
"No but," sabi ni Alyssa at nilabas mula sa kanyan bulsa ang cellphone. "This is you, right?" sabi ni Alyssa at pinakita ang litrato sa babae na hawig ng babaeng nasa harapan nya ngayon.
"Where did you get that?" tanong ng babae na ngayo'y mas nakakunot ang noo.
"So this really is you?" tanong ni Alyssa ng naka-ngiti kahit alam nya naman ang sagot.
"No. I think you're mistaken. Sorry." sabi ng babae at tumalikod dito at naglakad.
Ngunit nakadalawang lakad pa lang ang babae at humarap na ulit ito sa kanya.
"Babe, di ba dapat picture natin ang papakita mo? E bakit yung picture pa din namin ni Daks?" tanong ni Mika ng nakapout.
"Re-enactment nga, babe. Dapat ganun din yung picture." sagot ni Alyssa.
"Hay nako! Bakit nyo ba laging ni-re-re-enact kung pa'no nagkita pag nakikita kayo?"
Narinig ni Alyssa na sabi ng kung sino man kaya napatingin sya dito at nakitang ito'y si Kim. Maya-maya pa'y naramdaman nyang may yumakap sa kanya mula sa likod at nilagay ang baba nito sa kanang balikat nya.
"Tsk. Selos ka na naman sa ka-sweetan namin, Kimmy." ani ng yumakap sa kanya. "Di ba, Babe?" dagdag nito kaya napangiti si Alyssa.
"Ugh. For the nth time, walang sweet sa ginagawa nyo." sabi ni Kim napasuklay sa buhok. "Okay sana kung isang beses lang. E halos pag tuwing nagkikita kayo may re-enactment mukha kayong sirang plaka."
Nilagay naman ni Alyssa ang mga kamay nya sa magkabilang tenga ni Mika para takpan ito.
"Don't listen to her, Babe. It's the jealousy talking." sabi ni Alyssa ng nakangisi at tumango naman si Mika na nakangiti sa kanya.
"Mga pashneya kayo." saad ni Kim at sumandal sa kinauupuan nya at tiniklop ang mga braso.
Tinanggal naman ni Alyssa ang pagkakatakip nya sa tenga ni Mika.
"Ano problema ni Kimmy? Ba't ang init ng ulo?" bulong ni Alyssa kay Mika at napangisi ito.
"Wedding jitters." pabulong na sagot ni Mika kay Alyssa. "Ayiee. Tensed na tensed na sa kasal nila bukas." tukso ni Mika kay Kim.
"Leche. Wag mo akong simulan." ani ni Kim na nakakunot na ang noo at tinawanan lang sya ni Mika.
"Sure ka bang papakasalan mo yang si Kimmy, Ate Didit?" tanong ni Mika habang dahan-dahan na pinag-sway nya silang dalawa ni Alyssa. "Pwede namang ngayon pa lang sabihin mo na hindi na tuloy ang kasal. Wedding rehearsal pa lang naman." dagdag ni Mika kaya tiningnan sya ng masama ni Kim
"Hoy, ginaganyan ba kita Ye?" ani ni Kim at akmang tatayo sa kinauupuan nang inabot ni Cyd ang kamay nito para pigilan.
"Kaya lalo kang inaasar ni Ye, eh." sabi naman ni Cyd. "Relax ka lang kasi."
"Oo nga, Kim. Ngayon ka pa nagkaganyan e bukas na yun." saad ni Alyssa at tumango naman si Mika na nakayakap pa din sa kanya.
"Ay, alam ko na kung bakit nagkakaganyan." sagot ni Ara na nakayakap kay Dennise na nakangiting nakatingin lang sa kanila.
YOU ARE READING
18
Fanfiction"...and then she met her past along with her present." Book 2 of MikaSa fanfiction titled 17