Chapter 11

1K 25 0
                                    

ALYSSA POV

"Ms. Mika Reyes, welcome to the Philippines!" masiglang saad ni Alyssa.

Ang braso ni Alyssa nasa magkabilang panig habang nakaharap sya sa nakangiting si Mika. Pagkababa ni Alyssa ng mga braso ay nagsalita syang muli pero pinutol iyon ni Mika.

"At dahil ikaw ang nagsilbing tour guide ko sa Korea--"

"Tour guide?" makabuluhang ulit ni Mika na bahagyang natawa kay Alyssa.

"Okay, naging automatic tour guide." saad ni Alyssa kaya muling napatawa si Mika na napalitan na ang ngit nya mula sa pagkasabik sa pagkahiya. "Ako naman mag-to-tour sa'yo dito sa lugar namin."

"Lugar namin?" ulit ni Mika na nagpipigil ng tawa.

"Bakit mo ba inuulit?" ani ni Alyssa na ngayon ay magkasalubong na ang kilay.

"Wala lang. Yung pagkakasabi mo kasi ang cute." saad ni Mika na ngayo'y nakangisi na samantalang si Alyssa'y pinipigilan ang kilig. "Go na. Tour mo na ako sa 'lugar namin' na sinasabi mo." dagdag nito bago nya hinawakan ang magkabilang balikat nito at itinalikod sa kanya.

"Taho~!" narinig nilang sigaw mula sa malayo at tumingin sa direksyon na pinangagalinga  nito.

"Taho. Na-try mo na ba yun?" tanong ni Alyssa kay Mika at humarap dito. Mabilis namang umiling si Mika bilang tugon sa tanong ni Alyssa.

"Kuya! Taho!" tawag ni Alyssa sa nagtitinda ng taho at napansin naman sya nito't naglakad papunta sa kanya. "Pabili po ng dalawa. Padamihan po ng arbinal ah."

"Ma'm kayo po si Alyssa Valdez di ba?" tanong ng nagtitinda ng taho kay Alyssa pagkaabot nito nang taho.

"Ah. Opo. Hello, Kuya." bati ni Alyssa na nakangiti. Saka nya inabot kay Mika ang isang taho.

"Pwede po pa-picture?" tanong ng nagtitinda ng taho.

"Ako na lang po kukuha." saad ni Mika at kinuha ang cellphone ng nagtitinda. "Okay. One. Two. Three." bilang ni Mika bago nya pinindot ang button para makuhaan sila ng litrato. "Eto na po, Kuya." ani ni Mika at binalik ang cellphone.

"Kuya eto po yung bayad." ani ni Alyssa saka inabot sa nagtitinda ang bayad.

"Ay, Ma'm 'wag na po libre ko na ho yan." tanggi ng nagtitinda.

"Hala ka, Kuya. Wag na negosyo mo yan." saad ni Alyssa at lumapit dito para ibigay ang bayad pero muli itong tumanggi.

"Hindi ho. Sige na ho. Sigurado ho akong matutuwa yung anak ko pag nalaman nyang nakita kita dito. Idol ka ho nun e." sabi ng nagtitinda ng taho ng nakangiti sa kanya. "Mauna na ho ako." saad nito saka muling binuhat ang dalawang malaking lalagyanan ng taho.

Pinagmasdan nila Alyssa at Mika ang natitinda ng taho hanggang sa mawala 'to sa paningin nila.

"Sarap pala maging sikat may libreng taho." saad ni Mika saka uminom sa baso ng taho na nasa kamay nya at pinangliitan naman sya ng mata ni Alyssa.

"Heh!" saad ni Alyssa saka sinimulang inumin ang taho. "Masarap?" tanong ni Alyssa ng pagkatapos matikman ni Mika ang taho.

Tumango naman si Mika biglang sagot. "So sa'n na tayo sunod?" tanong nito.

18Where stories live. Discover now