Chapter 13

954 25 0
                                    

ALYSSA POV

"So kayo na pala talaga no?" bungad ni Ara sa kanila pagpasok nila ng gym.

Kasalukuyang nakaupo sa bleachers si Ara at Dennise kasama ng iilang mga kasama sa team at tinitingnan ang naglalakad na sila Mika at Alyssa.

"Pero kailangan talaga na holding hands while walking? Masyado kang clingy, Daks." tanong ni Ara nang mapansin na magkahawak kamay ang kanyang kaibigan. Uupo sana si Mika sa tabi ni Dennise nang magsalita si Ara. "Ly, dyan ka upo sa tabi ni Den." ani nito at ginawa naman ito ni Alyssa.

"Sabihin mo yan kung hindi ka nakayakap sa asawa mo at pag pwede mo ako palapitin sa asawa mo. Parang uupo lang sa tabi. Tsk."ani ni Mika at umupo sa tabi ni Alyssa na umupo sa tabi ni Dennise.

"Ha. Kasalanan kaya mo yan." sagot ni Ara ng nakakunot.

"Ano. Ako na naman?" angal ni Mika

"Bakit naman hindi? Papaalala ko lang, nung isang araw bago mag 6am nang umaga--"

"Oo na. Gets ko na." ani ni Mika at biglang tumunog ang cellphone nya. Kaagad naman nya itong pinatay ngunit muli 'tong tumawag

"Hindi mo sasagutin?" tanong ni Alyssa kay Mika na muling pinatay ang tawag.

"Number lang e." sagot ni Mika saka nilagay ang cellphone sa bulsa.

"Baka naman importante." sabi ni Alyssa

"Mas importante ka dun sigurado." sagot ni Mika sabay kindat kay Alyssa.

"Ang harot. Putek." saad ni Ara na kinatawa ni Alyssa.

"I'm back mga pashneya!"

At napatingin naman silang lahat sa nagsabi nun.

"KIM!!!"

Sigaw ng mga kasama at sinalubong ng yakap si Kim. Samantalang si Mika, Alyssa, Ara at Dennise naman ay tumayo sa kinauupuan nila.

"Medyo pamilyar yung gan'tong eksena." narinig ni Alyssa na saad ni Ara at napatingin sya dito.

"Parang nung nakita ka nila Ate Cha sa Korea." sagot ni Alyssa at binalik ang tingin kay Kim na ngayon ay kausap si Dennise.

"Ahh. Right." saad ni Ara. "Then bad premonition 'to." dagdag ni Ara

"Bakit naman?" tanong ni Alyssa pero hindi na nakasagot si Ara nang akbayan sya ni Kim.

"Wafs, lalo ka ata umitim? Nagmumuka ka nang kape katabi ng asawa mo." nakangising saad ni Kim kay Ara.

"Wag kang mag-alala walang mas iitim sa'yo, Wafs. Minsan lagay ka ng bike light sa damit mo baka hindi ka nila mapansin pag madilim." sambit ni Ara at tumawa lang silang dalawa bago mapadpad ang paningin ni Kim kay Mika na nakatayo sa kaliwa ni Alyssa.

"Hoy! Ye! Hindi mo sinasagot yung phone mo." saad ni Kim habang tinuturo si Mika.

"Ah. Tumatawag ka ba?" sabi ni Mika saka kinuha ang phone nya. "Ah. Ikaw pala yung tumatawag. Hindi kasi naka-save."

"Grabe ka. Pagkatapos mong kunin yung number ni--" hindi na natuloy ni Kim ang sasabihin ng takpan ni Mika ang bibig nito.

"Oo na. I-sa-save ko na. With heart emoji pa. Okay na?"  saad ni Mika at nakakalokong nginitian lang sya ni Kim.

"Ly, pwedeng pahiram muna dito?" tanong ni Kim sabay turo kay Mika

"Kim, hindi tayo talo." ani ni Mika kaya binatukan sya ni Kim.

"Tara may pag-u-usapan tayo." ani ni Kim.

~~~

"So, anong pinag-usapan nyo ni Kimmy?" tanong ni Alyssa pagkakita nya kay Mika pero hindi sumagot si Mika at niyakap lang sya nito mula sa likod. "Teka, hindi pa ako nag-sha-shower." ani ni Alyssa dahil kakatapos lang nang practice nila pero nanatili lang na nakayakap si Mika sa kanya.

"Ang harot! Nako po!" rinig ni Alyssa na kantyaw ni Ara at nadagdagan pa ng hiyawan ng iba nilang kasama sa team habang naglalakad papalayo sa kanila papunta sa shower.

"Babe, stop na."  sabi ni Alysa pero hindi natinag si Mika. "Babe, you okay?" tanong ni Alyssa na nag-aalala.

"I want to play din." saad ni Mika at hinarap naman sya ni Alyssa.

"Then play." sagot ni Alyssa ng nakangiti sa kanya at hinawakan nya ang pisngi nito. "I heard nga na ang galing mo daw nung college eh."

"You...you really want me to?"

"Kung gusto mo, bakit naman hindi?"

"Ikaw...you love playing volleyball, right?" tanong ni Mika at tumango naman si Alyssa.

"Yes. Bata pa lang ako eto na talaga sport ko e. Bakit? Tungkol ba sa volleyball yung pinag-usapan nyo ni Kimmy?" tanong ni Alyssa at tumango naman si Mika. "And?"

"May sasabihin ako sa'yo." seryosong ani ni Mika.

"Ang dami mo naman atang sasabihin sa'kin kahapon ka pa ganyan." sabi ni Alyssa ng natatawa pero walang reaksyon si Mika at tumigin lang sa mga paa nya. "Babe? Go sabihin mo na." tawag nya dito at napatingin ito sa kanya.

Ilang segundo silang dalawa na magkatitigan nang magsalita si Mika.

"I'm leaving." ani ni Mika at napahinto si Alyssa sa ginagawa. "I'm leaving tomorrow with Kim."



171101-11010799

18Where stories live. Discover now