Chapter 12

971 25 0
                                    

ALYSSA POV

"Ha?" gulat na saad ni Mika kaya napatawa si Alyssa sa reaksyon nito.

Nagpigil muna nang tawa si Alyssa bago inulit ang sinabi nya, "Sabi ko I know."

"N-narinig ko pero like...how?" tanong ni Mika na naguguluhan sa nangyayari.

"I told you di ba? I'm psych major. I'm used to reading between the lines." sagot ni Alyssa kay Mika na halata pa din ang pagkabigla sa sinabi nya.

"Wow. You're good at this." ani ni Mika kaya muling napatawa si Alyssa.

"Actually, kahit hindi psych major madaling masasabi na sya yun because of how you're so hostile with her. When you don't seem to have any more reason why you should."

"Meron kaya. Lagi nya akong binu-bully."

"Yang tangkad mong yan? Nabu-bully ka nya?"

"Ha! Wala yan sa tangkad." depensa ni Mika sa sarili. "Sinakal nya nga ako kaninang umaga e. I tell you, I almost died. D.I.E.D. Died!" dagdag nito na i-ne-emphasize ang bawat salita.

"At talagang inispell mo pa." natatawang saad ni Alyssa at napakunot ng noo si Mika bago ito tumingin sa malayo at sumandal sa upuan.

"Hindi mo tatanungin kung nagkausap kami ng maayos?" tanong ni Mika habang palihim na tinitingnan si Alyssa sa gilid ng mata nito

"Nope." mabilis na sagot ni Alyssa saka din sya sumandal sa upuan. "Ay, teka." ani ni Alyssa saka umalis sa pagkakasandal at pinalo sa hita si Mika.

"Aray! Para sa'n yun?" nagtatakang saad ni Mika habang hinihimas ang hita nyang pinalo ni Alyssa.

"Yun ay para sa pagiging rude mo kay Ara nung nasa Korea tayo." sagot ni Alyssa saka muling pinalo si Mika pero ngayon ay sa braso naman.

"Aray! Para sa'n naman yun?" tanong ni Mika na ngayon ay hinihimas ang bagong parte ng katawan nyang pinalo ni Alyssa.

"Yan yung para sa pag-abala mo sa kanila kaninang umaga." sagot ni Alyssa saka pinanliitan ng mata si Mika. "Grabe wala pang 6am nandun ka na?" dagdag nito habang ang isang kamay nya'y nakalagay sa bewang nya.

"Grabe talaga sinumbong ako." bulong ni Mika sa sarili, habang nakaharap sa ibang direksyon, ngutnit narinig din naman ito ni Alyssa kaya napatawa sya. "Ano? Nababaliw ka na ba?" tanong ni Mika nang muli syang humarap kay Alyssa na ngayo'y natawa na.

Maya-maya nama'y lumapit ito sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

"P-Para sa'n naman yun?" nauutal na tanong ni Mika.

"Wala. Ang cute mo lang kasi." sagot ni Alyssa saka muling sumandal sa kinauupuan nila. "Kanina pa pala tayo magka-holding hands 'no?" ani ni Alyssa saka tinaas ang kamay nilang magkahawak pa din hanggang ngayon.

"Walang makakapansin kung di mo sinabi." ani ni Mika na parang istatwa sa kinauupuan nya ngayon kaya napatawa naman ng bahagya si Alyssa.

"Tayo lang naman nandito." saad ni Alyssa ng pabulong para asarin si Mika na taninging mga mata lang ang nagagalaw nya.

"K-kahit na." nauutal na sabi ni Mika kaya muling napatawa si Alyssa.

"Babe." tawag ni Alyssa kay Mika at napalingon naman ito ng mabilis sa kanya. 

"Ha?" ani ni Mika.

"Wala lang. Gusto lang kita tawagin." saad ni Alyssa na nakangiti at tumingin ulit sa malayo.

18Where stories live. Discover now