MIKA POV
"Welcome to Manila! The city of pollution, traffic and excruciating heat. But wait, there's more!" masiglang saad ni Ara habang nagmamaneho. "Manila is also the land of--"
"Daks, hindi ka tourist guide." sabi ni Mika kaya napatingin ng saglit si Ara sa kanya bago sumimangot.
"Ang KJ mo, Daks. Sign of aging na ba yan?" ani ni Ara at parehas silang natawa ng tinaas ni Mika ang gitnang daliri nya kay Ara. "Pero lam mo Daks ang weird."
"Ang weird nang?"
"Ang weird nang feeling na a few years ago, umaasa ako na pupunta ka dito para bawiin ako. Yet here I am, driving for you para sa iba."
"Drama mo, Daks. Sign of aging na ba yan?"
"Gagaya ka pa ng linya. Isip ka ng sa'yo." saad ni Ara at napailing na lang si Mika at tumingin sa labas ng bintana. "Nga pala, hindi alam ni Ly na pumunta ka dito di ba?"
"Yup." simpleng sagot ni Mika ng nakangiti. "I-su-surprise ko sya sana."
"E baka ikaw yung ma-surprise." sambit ni Ara na nagpakunot ng noo ni Mika at tiningnan sya nito.
"Bakit naman?" tanong ni Mika habang nag-pa-park si Ara.
"Basta. Malalaman mo din mamaya." saad ni Ara ng may nakakalokong ngiti. "You should brace yourself."
~~~
"YE!" sigaw ni Alyssa pagkakita nya kay Mika at tumakbo papunta sa kanya. Tumigil si Alyssa sa harap ni Mika ng nakangiti. "Anong ginagawa mo dito? Kasama mo ba sila Tita?"
"Ah. Hindi. Ako lang." sagot ni Mika ng nakangiti kay Alyssa nang may mahagip ang kanyang mata na naglakad papalapit sa kanila
"Aly?" tawag ng lalaki kay Alyssa kaya napalingon silang dalawa dito.
Isa syang morenong lalaki na mas matangkad lang ng konti kay Mika at naka t-shirt sya ng Philippine National Men's Basketball Team.
"Ay, sorry." saad ni Alyssa sa lalaki at muling ibinaling ang tingin sa kanya. "Teka lang, Ye. Kakausapin ko lang muna sya. Upo ka muna dun usap tayo mamaya, okay?" batid nito at tinuro ang upuan kung saan andun nakaupo ang iba pang players na nakatingin sa kanya.
"Daks." rinig na tawag ni Ara kay Mika at napalingon sya dito. May kasama naman itong maputing babae na mas maliit sa kanya. "Daks, my wifey." nahihiyang saad ni Ara at napangiti naman agad si Mika.
"Hello, pleased to meet you. I'm Dennise Lazaro-Galang." saad ng asawa ni Ara, na si Dennise, at inabot ang kamay nya sa kanya.
"Same here. I'm Mika Reyes by the way." sagot ni Mika at nakipagkamay kay Dennise.
"Oh, I know you. Ara told me about you." sabi ni Dennise nang bawiin nya ang kamay nya. "Sa totoo ang tagal ko nang gusto kang makikilala. Daks ni Ara." dagdag ni Dennise na may diin sa 'Daks' kaya di sinasadyang napalunok si Mika. Narinig naman nyang tumawa si Dennise at Ara bago ngumiti si Dennise. "Relax ka lang binibiro lang kita. Sabi kasi ni Ara tawagin kitang Daks ni Ara." saad ni Dennise kaya pinanliitan ng mata ni Mika si Ara na kaagad nag 'peace sign' sa kanya.
Sila Ara at Dennise na ang nagpakilala sa kanya sa mga kasama nilang mga players na ang ilan ay namumukaan ni Mika bilang sila ang members ng Philippine National Team na madalas mapanood nya sa tv. Samantalang si Alyssa naman ay nasa di kalayuan at nakikipagkwentuhan sa lalaking tumawag sa kanya.
YOU ARE READING
18
Fanfiction"...and then she met her past along with her present." Book 2 of MikaSa fanfiction titled 17