Chapter 9

985 30 0
                                    

MIKA POV

"Bakit ba naglalabasan yang mga ex na yan? Kahapon yung Kiefer tas ngayon yang Jovee." tanong ni Mika ng malakas pagkatapos nya ubusin ang tubig sa baso nya.

Nakaupo sila sa isang lamesa malapit sa bintana. Magkatabi si Ara at Dennise sa isang side samantalang si Mika naman ay nakaupo sa tapat ni Ara at katabi transparent na glass window ng restaurant.

"Nag-uusap lang naman sila, Mika." saad ni Dennise at lalong kumunot ang noo ni Mika.

"Kayo na nagsabi di ba? He's the guy who cheated on Ly. Wala na dapat silang pag-usapan." paalala ni Mika nang matapos nyang tanungin ito kung tama nga ang narinig nya bago nya iwan si Alyssa kasama si Jovee. "Yang mga ex dapat binabaon na sa lupa e para wala ng usap-usap." dagdag ni Mika habang masamang tinitingnan sila Jovee na tanaw nila mula sa kinauupuan.

"So ibabaon na ba kita sa lupa, Daks?" pabirong tanong ni Ara at akmang babatuhin naman sya ni Mika ng kutsara kaya napaangat si Ara ng kamay pang depensa. "Hon, oh. Niaaway ako." sumbong ni Ara parang bang ata na nagsusumbong kay Den ngunit pinitik lang sya nito sa noo. "Aray. Bat mo ko pinitik?" tanong ni Ara habang hawak ang noo.

"Ikaw puro ka kalokohan. Di naman nakakatulong." ani ni Dennise pero imbes na tumigil ay lalo pang nangulit si Ara at ngumisi sa asawa.

"Yieee. Selos ka pa din sa'min ni Daks." tukso ni Ara kay Dennise na ngayo'y namumula sa sinabi ng asawa. "Hon, ikaw nga lang. Okay? Remember that." saad ni Ara saka niyakap si Dennise at inilagay nito ang mukha sa leeg ni Dennise na lalong kinainis ni Mika kaya sinipa sya nito sa ilalim ng mesa. "Aray! Inaano ba kita dyan!? Kunin mo dun si Ly kung naiinggit ka sa'min." reklamo ni Ara kay Mika at akamang babatuhin na talaga sya ni Mika ng inuhahan ito ni Dennise ng isa na namang pitik. "Aray! Pinitik mo na naman ako." saad ni Ara at hinimas-himas ang noo.

"Umayos ka na nga Ara. Nakakahiya kay Mika at kanina ka pa nangungulit." saway ni Dennise. "Kumain ka na nga lang." dagdag ni Dennise saka naman umusog si Ara papalayo na animo'y nagtatampo. 

Kinuha naman ni Dennise ang chopsticks nya at kumuha ng karne at kumuha ng iba't-iba pang sangkap saka nya nilagay nya sa lettuce na nasa plato nya at binalot ito.

"Oh. Ahh. Dali." saad ni Dennise saka inalok yung ginawa nyang samgyupsal kay Ara. "Dali na. Ahhh." ani ni Dennise at kahit nakasimangot ay tinanggap pa din ni Ara ang samgyupsal bago ito umusog pabalik sa pwesto nya kanina. "Masarap?" tanong ni Dennise at tumango lang si Ara habang nginunguya ang pagkain nya.

Napangiti na lang si Mika sa kaibigan na tinitingnan sya ng masama bago si Mika kumuha ng kanya at nagsimulang kumain. Pag-angat nya ng tingin ay nakita nya si Ara na ngumiti ng nakakaloko.

"Alam mo Daks sabi ni Ly kanina, nakikipagbalikan daw si Kief." saad ni Ara kaya napatingin si Mika at Dennise kay Ara.

"Oh? Anong sabi ni Ly?" tanong ni Dennise habang si Mika naman nagpapatay malisyang bumalik sa pagkain.

"Pinag-iisipan nya pa daw. Alam mo na. Ilang araw na din kasi syang sinusuyo ni Kief." sagot ni Ara at biglang malakas na binaba ni Mika ang chopsticks na hawak sa la mesa na kinagulat ng mag-asawa.

"Hindi pwede." galit na sambit ni Mika

Ilang segundong nakakunot noong nakatingin si Mika kay Ara bago sya natauhan sa ginawa nya ng lumapit si Alyssa at nagsalita.

"Oh, anong nangyari sa inyo?" tanong ni Alyssa paglapit nya sa kanila na nakapagpatauhan sa kanila mula sa pagkakagulat sa ginawa ni Mika.

"Yang kasi si Daks—" magsusumbong dapat si Ara ngunit mabilis namang kinuha  ni Mika ang ginawang samgyupsal at nilagay sa bibig ni Ara.

18Where stories live. Discover now