ALYSSA POV
"So I guess this is goodbye?" sabi ni Alyssa. Sinubukan ni Mika na tumingin kay Alyssa pero kaagad nya din itong binawi
"Yeah." saad ni Mika, na tila pabulong, habang ang mga mata ay nakatingin sa sariling paa. "I'm sorry."
Umiling si Alyssa saka tinaas ang ulo ni Mika para tingnan sya as huling pagkakataon.
"Don't ever apologize for being true to yourself." ani ni Alyssa ng nakangiti. "For following your heart."
"I want to play again pero I want to be with you too." sabi ni Mika at ngumiti lang si Alyssa bilang tugon.
"Ang drama nyo. Maglalaro lang naman si Daks sa Korea. Magkakasama pa din naman kayo after ng conference." ani ni Ara na nakakunot ang noo.
"Oo nga pero tatlong araw pa lang kami tas nasa Taipei sya hanggang December. Ako sa Korea." ani ni Mika na hawak-hawak ang kamay ni Alyssa.
"Oh tapos?" tanong ni Kim ng nakataas ang isang kilay.
"LDR kami." malungkot na sagot ni Mika habang pinaglalaruan ang kamay ni Alyssa. "Di ko sya makakausap ng ganto ka-close." ani ni Mika said at niyakap si Alyssa mula sa likod at pinag-sway nya sila.
"Sa panahon ngayon kahit LDR di mo ramdam. May phone. May instagram. May skype. Sus sobrang daming app na pwede kayong updated sa isa't-isa." sabi n Kim na naiirita na sa inaasal ng kaibigan.
"Kahit na." nagtatampong sabi ni Mika. "I'll miss you." saad ni Mika kay Alyssa ng naka-pout.
"Aww. I'll miss you too." ani ni Alyssa at hinigpitan ni Mika ang yakap kay Alyssa saka nilagay ang ulo sa leeg nito.
"Ngayon pa nga lang miss na kita eh." ani ni Mika at bahagyang natawa si Alyssa. "Wag na lang kaya ako sumama?" ani ni Mika na kinagulat ng lahat.
"Hoy! Gago 'to! Tara na nga! Maiwan pa tayo ng eroplano!" ani ni Kim at kinuha ang isang braso ni Mika habang ang isang braso ni Mika ay nakayakap pa din kay Alyssa
"No! I want to stay here with my babe!" ani ni Mika na parang bata na ayaw bitiwan si Alyssa kaya galit namang binitawan ni Kim ang braso ni Mika.
"Eto! Wala namang pumilit sa'yo! Ikaw mismo ang pumayag maglaro dun!" galit na sabi ni Kim at sumenyas si Alyssa na kakausapin nya muna si Mika. "Hay nako! Nakakabwisit yang pagiging clingy nyo."
"Inggit ka lang! Kasi nasa Korea yung iyo." sabi ni Mika saka dumila kay Kim na lalong kinainis nito at gumanti ng mabilis na pagtaas ng gitnang daliri sa direksyon ni Mika.
"Babe," tawag ni Alyssa. "Napag-usapan na natin 'to di ba?"
"Oo pero—."
"I'll try to watch your game. Sa bakasyon ko. You could do the same with me." ani ni Alyssa at lalong napa-pout si Mika. "I love you." saad ni Alyssa sabay mabilis na halik sa labi ni Mika. "Wag mo ng pasakitin ulo ni Kimmy, okay?"
"Okay." matamlay na saad ni Mika "Pero isa pa ulit." ani ni Mika na may nakakalokong ngiti sa labi.
"Nakatingin sila Kim." bulong ni Alyssa at tumingin sa direksyon kung saan nakikitang nag-uusap si Kim at Ara na kinatawa ni Mika.
"Kiniss mo nga ako kanina nung—" hindi na natapos ang sinasabi ni Mika ng bigla syang hinalikan ulit ng mabilis ni Alyssa. "Isa pa di ako ready." nakangiting sabi ni Mika.
"Naknang teteng." sambit ni Kim na ngayon pala'y na sa tabi na nila. "Tara na." dagdag ni Kim at kinuha na ang maleta ni Mika saka nagsimulang maglakad papalayo sa kanila.
"Sige na, Babe. Maiwan pa kayo ng eroplano." saad ni Alyssa at tipid na ngiti lang ang ginanti ni Mika.
"Text mo ako ah." sabi ni Mika at tumango si Alyssa. "Tapos face time din tayo ah." saad ni Mika at muling tumango si Alyssa. "Tapos update mo ako lagi ah. Pagkakain ka na. Pagmaliligo. Pagmatutulog." dagdag ni Mika na kinatawa ni Alyssa.
"Yes po. I-te-text kita as frequent as possible." ani ni Alyssa at tumango si Mika. "At ikaw, magbehave ka dun ah."
"Naman. Sa'yo lang naman ako hindi mag-be-behave 'cause you know..." saad ni Mika at tinaas baba ang kilay na parang may pinapahiwatig na agad napagtanto ni Alyssa kaya pinalo sya nito. "Ano? Syempre di ako magbe-behave kasi we should be clingy with each other."
"Should?" natatawang ulit ni Alyssa at tumango si Mika ng paulit-ulit.
"Should. Like at all cost we should be clingy, and cheesy, and make love."
"Huy!" saway ni Alyssa at bakas sa mukha nito na sya'y nahihiya sa sinabi ni Mika.
"What?" tanong ni Mika na pinipilit gawing seryoso ang itsura. "Di ba may kasabihan na. Make peace not war. But we're both not behaving since we should be clingy, so we don't make peace. So, we should make love." pagpapaliwanang ni Mika na tinawanan ni Alyssa. "Aray!" sigaw ni Mika ng maramdaman na may pumipihit sa tenga nya.
"Kanina pa ako nakaalis. Nakapag-check in na din ako at lahat-lahat di ka pa din umaalis dito. Pag tayo talaga naiwan ng eroplano." saad ni Kim at lalong pinihit ang tenga ni Mika at hinila ito sa tenga papalayo kay Alyssa.
"Oo na. Teka bitawan mo tenga ko, Kim." pakiusap ni Mika ngunit lalo lang pinihit ito ni Kim.
"No. Mag-mo-moment nanan kayo at baka maiwan talaga tayo ng eroplano." saad ni Kim at tumingin kay Alyssa na nakangiwi ang itsura. "Ako bahala dito, Ly. Wag kang mag-alala. Alis na kami ah." paalam ni Kim at hindi na sya hinintay makasagot bago tuluyang hinila si Mika papalayo.
"I love you, babe! I will return!" sigaw ni Mika na kinatingin ng mga tao sa kanila ni Kim.
Agad binitiwan ni Kim ang tenga ni Mika at binatukan ito dahil sa pagiging skandalosa. Agad namang hinimas ni Mika ang bahaging tinamaan ni Kim at tumingin sa direksyon ni Alyssa at Ara. Bigla naman itong mabilis na kumaway at ganoon din si Alyssa bago ito tuluyang maglakad ng maayos papunta sa carrier.
"Sorry, ang weird ni Daks." ani ni Ara
"Nah. The weirdness is a plus in her charm." nakangising sagot ni Alyssa.
"Wow. Love is blind talaga." saad ni Ara
"Kaya nga love ka ni Besh e." sagot ni Alyssa at lumingon kay Ara na naka-awang ang bibig.
Ilang segundo lang ang lumpas ay parehas silang dalawa natawa.
171030-11011069
YOU ARE READING
18
Fanfiction"...and then she met her past along with her present." Book 2 of MikaSa fanfiction titled 17