Chapter 4

983 26 1
                                    

ARA POV

"Nung nakaraan pa dapat ako andito e. But then nag settle na lang kami sa Japan." saad ni Ara at nanatiling nakatingin lang sa kanya si Mika. "Nag-club kayo ng team, I think two weeks ago? Dun ka sinukahan ni Ly di ba?" tanong ni Ara na natatawa ngunit di umiimik si Mika nakaupo sa tabi ng sofa na inuupaan nya.

"What are you doing here?" tanong ni Mika at sa tono pa lang nito ay alam na ni Ara na hindi na dapat sya magbiro.

"Like I said I needed to talk to you."

"I mean, bakit? After all these years na hindi ka nagparamdam—"

"That's the answer." ani ni Ara at napakunot ng noo si Mika. "After all these years I never said I was sorry to you. Sa nangyari between us."

"Yun lang? Sorry?" saad ni Mika at napasuklay sa buhok. "Ganun lang ba yun, Ara? Iniwan mo ako dito and cut every communication you have with me."

"No. I know sobrang galit ka sa'kin with what I did specially when I decided to leave. Actually even before I left you didn't like the idea of me leaving at alam kong magagalit ka."

"Then why did you? Kung alam mo naman magagalit ako--."

"Dahil ang akala ko susunod ka sa'kin. That you will want to win me back. Na this time ikaw naman yung lalaban para sa'tin." sagot ni Ara at tininingnan si Mika na napatingin sa paa nya. "I waited for you pero walang dumating na ikaw."

Ilang minuto silang tahimik ng basagin yun ni Mika ng magsalita sya.

"Here." saad ni Mika at inabot ang kahon na hawak-hawak nya kanina pa. "Para sa'yo 'to." dagdag ni Mika at nag-aalangan namang kinuha yun ni Ara.

"Di ko binasa 'tong mga sulat mo. Alam mo ba yun?" ani ni Ara at tumingin kay Mika na bakas sa mukha ang magkahalong galit at lungkot. "Kung galit ka sa'kin galit din ako sa'yo. When everyone started taking about us. You were silent with the whole thing. You didn't even try to deny it." dagdag ni Ara.

"Alam mong bawal magkaroon ng relasyon ang mag-teammates. That's the rule. Kaya tayo..."

"Kaya tayo malabo. We both love each other but we can't put a label to it." saad ni Ara. "Alam mo yung feeling na kahit ako hindi ko alam kung totoo nga ba tayo o tulad nila kathang-isip ko lang din ba kung ano mang meron tayo. Walang may alam kung tayo nga ba o hindi. Kahit tayong dalawa hindi natin alam kung ano ba talaga tayo."

18Where stories live. Discover now