Chapter 10

1K 27 1
                                    

MIKA POV

"Is this the real life?" ani ni Mika habang nakatingin sa kawalan sa labas ng bintana habang nakaupo sya sa solo couch.

"Is it just fantasy?" dugtong ni Ara, na nasa sofa sa kaliwa ni Mika, habang nakatitig sya kay Mika na nakatingin sa malayo.

"Caught in the landslide." saad ni Mika at tumingin kay Ara.

"No escape from reality." ani ni Ara na akmang naghahantay sa susunod na linya ni Mika.

"So, ba't kayo nakanta ng Bohemian Rhapsody?" tanong ni Dennise saka nilapag ang kape na tinimpla nya bago umupo sa tabi ni Arasa kanang bahagi ni Ara sa sofa. "Mika, eto yung kape oh." ani ni Dennise sabay turo sa kape na nasa harapan ni Mika.

Ngayon ay nasa sala si Mika sa bahay nila Ara at Dennise at nakatingin ito sa labas ng binta nila sa likod ng sofa na kinauupuan ng mag-asawa bago nito ibinaling naman ni Mika kay Dennise ang tingin.

"Den." tawag ni Mika kay Dennise at napatingin naman ito sa kanya. "I love you." sabi ni Mika na kinabigla ni Dennise.

Agad namang tumayo si Ara sa kinauupuan nya't pumunta sa likod ng upuan ni Mika bago nya inipit ang leeg nito gamit ang kanyang kanang braso.

"Arck!" sigaw ni MIka sabay pilit tanggal ng braso ni Ara sa leeg nya.

"Mamatay ka ngayon din mismo!" ani ni Ara saka lalong hinigpitan ang kapit nya sa leeg ni Mika. "Sisiguraduhin ko yun!"

"D-den, t-tulong." hirap na sabi ni Mika saka pilit pa ding tinatanggal ang braso ni Ara.

Napabuntong hininga muna si Dennise saka kinuha ang sugar cube na nasa lalagayan at binato sa ulo ng asawa na agad namang binitawan si Mika na animo'y hinihika sa paraan nya ng paghinga matapos binatawan ni Ara ang leeg nya.

"Ang sakit nun, Galang." ani ni Mika na may kasamang ubo saka hinimas ang leeg nyang sinakal ni Ara gamit ang braso.

"Lazaro-Galang na ako, Reyes." sagot ni Ara na matalim ang tingin sa kaibigan at saka umupo muli sa sofa. 

"Ano bang ginagawa nyong dalawa?" tanong ni Dennise sa magkaibigan na masama na ang tingin sa isa't-isa. 

"Sya kasi!" sabay na sabi ni Mika at Ara kasama ng turo sa kaibigan.

"Ba't ka ba kasi nandito? Tama bang sabihan ng I love you ang asawa ko?" inis na saad ni Ara at agad namang pinaglakip ni Dennise  ang kanilang kamay.

"Hon, kumalma ka muna. Ang aga-aga ang init ng ulo mo." ani ni Dennise kay Ara at humarap naman 'to sa kanya.

"Yun nga ang aga pa tas andito sya sa bahay natin tas yan ang bungad? May pa-i love you pa sa'yo?" ani ni Ara na nangingit-ngit sa inis. 

"Di mo man lang nga ako pina-explain kung bakit ko ginawa yun." depensa ni Mika sa sarili. "Tinitingnan ko lang kung ano reaksyon ni Den." ani ni Mika saka muling hinimas ang leeg. "Papatayin mo ata talaga ako e. Ang sakit ng leeg ko."

"Hoy, Mika Reyes magsalita ka na. Ang aga pa para sa pambubulabog mo. Imbes na nasa kama pa--." hindi na natuloy ang sasabihin ni Ara nang pinalo sya ng mahina ng asawa sa kanyang hita. "Aray. Ano? Totoo naman yun. Dapat nasa--." muli si Ara na pinutol ng asawa ng takpan nito ang bibig.

"Tama na." ani ni Dennise na may halong banta kaya napasandal na lang si Ara sa sofa.

"Mag-salita ka na o papalayasin kita." saad ni Ara kaya muli syang pinalo ni Dennise. "Dalian mo na. Nabubugbog ako ng asawa ko sa'yo. Para sa'n ba yan? Mag-co-confess ka na ba kay Aly?" tanong ni Ara na kahit papano'y nahimasmasan dahil sa ginagawa ng asawa.

18Where stories live. Discover now