Chapter 1

1.2K 32 1
                                    

ARA POV

"Good Morning. How do you like your coffee, Ma'm?" tanong ni Alyssa na nasa kusina at natatawa namang umupo si Ara sa upuan sa dulong bahagi ng dinning table.

"Hindi ba dapat nagtatanong ka in Hangul?" ani ni Ara at napabuntong hininga naman si Alyssa.

"Ara, wag ka ng magreklamo limited nga lang Hangul ko. Dali na." saad ni Alyssa at tumawa muli si Ara. "How do you like your coffee, Ma'm?" tanong ulit ni Alyssa habang tinitingnan sya nito ng nakangiti.

"Black." tugon ni Ara. "No sugar."

"Wow. Ang tapang ng trip mo." sabi ni Alyssa kaya muling natawa si Ara.

"Biglang nag-Tagalog." natatawang sabi ni Ara ngunit nginitian lang sya ni Alyssa

Agad naman itinimpla ni Alyssa ang kape ni Ara. Habang si Ara naman ay nakatanaw lang sa kanya habang nagtitimpla ng kape sa counter top ng kusina.

", 드세요. (Here's your order)." saad ni Alyssa na animo'y waitress sa isang coffee shop habnag dahan-dahan nitong nilapag ang kapeng itinimpla nya sa tapat ni Ara. "Oo hanggang dun lang kaya kong Hangul kaya wag ka ng humirit." natatawang saad ni Alyssa at di kalaunan silang dalawa na ang tumatawa.

"Ikaw ba, Ly? How do you like your coffee?" tanong ni Ara at hinalo ang kape na inabot ni Alyssa sa kanya.

"Mahilig ako sa matamis e. Madalas two sugars and two creams." sagot ni Alyssa saka kuma muling bumalik sa may kusina at nagtimpla ng kape. "Pero to be honest, I specifically prefer Caramel Macchiato." dagdag nito at napansin ni Ara na ganun nga ang nilalagay nitong timpla sa kapeng ginagawa nito ngayon.

"Is that even coffee? Hindi ba considered frappe na yun?" tanong ni Ara at pinanliitan sya ng tingin ni Alyssa.

"Wag mo ngang kino-kontra ng kinokontra sinasabi ko. Sisipain kita palabas dito e." banta ni Alyssa kaya tinaas ni Ara ang parehas na kamay at muli silang natawa.

"Nga pala, ang cute nung unicorn na stuff toy na yakap mo kagabi." puna ni Ara at nakita naman nyang namumula si Alyssa habang pinipigilan ngumiti. "Bigay ng manliligaw mo?" mapanuksong tanong ni Ara at umiiling lang si Alyssa ngunit lalong mas kapansinpansin ang ngiti nito.

Pinagpatuloy na lamang ni Ara ang pag-inom ng kape nya ng nakangiti dahil sa kaibigat. Habang nag-ka-kape, tinitingnan lang muli si Alyssa na nagtitimpla ng pangalawang baso na ngayo'y hindi nya nilagyan ng asukal.

Mamaya-maya pa'y bigla namang tumunong ang doorbell ng inn at pumunta si Alyssa para pagbuksan kung sino man ang nandun.

"Good Morning. On time as always." masiglang bati ni Alyssa sa kung sino man ang nasa pinto. "Ara, andito na si Mika." pagpapaalam ni Alyssa kay Ara at ngumiti sa kanya.

Umupo si Mika sa gawing kanan nya. Isang upuan ang pagitan nila at maya-maya naman kinuha ang tinimpla nyang kape sa countertop at iniabot yun kay Mika.

", 드세요. (Here's your order)." muling saad ni Alyssa pagkalapag nya ng kape sa tapat ni Mika bago ito tumabi sa bakanteng upuan sa kanan ni Ara.

Tahimik na iniinom ni Ara ang kape nya ng maalala nya ang timpla ng kapeng iniabot ni Alyssa kay Ara.

"Its black coffee." ani ni Ara at napatingin sa kanya ang dalawa. Si Alyssa ay nagtatakang tiningnan sya samantalang blankong expresyon lang ang nasa mukha ni Mika.

"Yup. Mahilig si Ye sa black coffee." sabi ni Alyssa at uminom ng kape nya. "Ang galing nga e, parehas kayong mahilig sa black coffee."

"Mahilig si Mika sa black coffee? Sa pagkakaalala ko you hate black coffee." sambit ni Ara ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ni Mika.

"People change, Ara." sagot ni Mika at napatawa ng mahina si Ara saka muling uminom ng kanyang kape.

"I bet they do." saad ni Ara. "Pero sana hindi lahat."

~~~

"Yehey! Andito ulit ako!" masiglang bati ni Alyssa na nasa unahan nila.

Tinanaw naman ni Ara ang katabi na si Mika, na ngayo'y nakatitig lang kay Alyssa.

"Ara." tawag ni Alyssa kay Ara na syang dahilan para mapalingon sya dito. "Game ka ba sa mga rides?" tanong ni Alyssa kay Ara at tumango ito.

"Sa'n mo gusto mauna? Rollercoaster?" tanong ni Ara at nasasabik na tumango si Alyssa. "Let's go!" sigaw ni Ara sabay hila kay Alyssa sa roller coaster.

Pagkatapos ng hindi mabilang na rides, hunted house at kung ano ano pang pwedeng puntahan sa amusement park ang pinuntahan nilang tatlo. Madalas hindi sumasama si Mika sa kanila kaya silang dalawa lang ni Ara ang tumutuloy.

Nang malapit ng lumubog ang araw, ay saka naman biglang nag-ayaa si Alyssa sa rifle shooting booth sa di kalayuan.

"Marunong ka nyan?" tanong ni Ara at umiling naman si Alyssa.

"Gusto ko lang ma-try ulit." ani ni Alyssa at saka kinausap ang crew. "삼촌, 총알주세요 (Uncle, please hand me the bullets)." sabi ni Alyssa at binigyan sya ng mga bala para sa baril.

Pumesto na si Alyssa at saka naglaro pero di kalaunan ay isa lamang ang tinamaan nya.

"Sayang." sambit ni Alyssa. "Ikaw naman." saad ni Alyssa at inabot kay Ara ang baril kasama ng bala para dito.

Pagkatapos ng ilang subok, mananalo na dapat si Ara ngunit di tumama ang huling bala. Ganun pa man ay kaagad namang pumalakpak si Alyssa ng matapos ito sa paglalaro.

"Wow! Ang galing mo pala." namamanghang saad ni Alyssa at natawa naman si Ara. "Ye, ikaw?" tanong ni Alyssa kay Mika pero umiling lang 'to.

"Okay lang ako. Go, laro ka pa." saad ni Mika at hindi naman sumang-ayon si Alyssa.

"Hindi na. Okay na yun. Malulungkot lang ako kung matatalo lang ako ulit." sabi ni Alyssa at tumango ng bahagya si Mika. Ibinaling naman ni Alyssa ang atensyon kay Ara. "Naks talaga, Ara. Ang galing mo."

"Well, that's expected din naman since I used to play here." paliwanag ni Ara at nagsimulang maglakad kasabay si Alyssa habang si Mika ay naglalakad kasunod nila.

"Talaga? Tuwing weekdays din?" tanong ni Alyssa at tumango si Ara bilang sang-ayon

"Kaso hindi pa ako nanalo. Tulad nung kanina. Isa na lang pero natalo pa din ako." ani ni Ara

"Still, ang galing mo. Ako nga isa lang tumama." ani ni Alyssa at tinaas ang dalang hinlalaki. "Yoda best!" pabirong sabi ni Alyssa at ngumiti lang si Ara bilang tugon. "Lam mo dito nanggaling yung unicorn na stuff toy. Napanalunan ni Mika." dagdag ni Alyssa.

"Nanalo si Mika sa rifle booth?" tanong ni Ara at tumango naman si Alyssa.

"Bakit dati ba hindi?" tanong ni Alyssa. "Lagi din daw sya dito e." dagdag pa nito.

"Oo parehas kaming di nanalo dun." saad ni Ara na natatawa.

Bigla namang tumigil si Ara paglalakad, at ganun din si Alyssa, saka sya umikot para harapin si Mika na nakasunod sa kanila.

"So people do change. At mukhang kasama kasama ka din dun, Daks." saad ni Ara at nakipagtitigan kay Mika. Naputol lang 'to ng tumunog ang cellphone ni Mika.

"Hello?" ani ni Mika pagkasagot nya ng tawag. "Oo kasama namin ni Ly." sabi nito at tumingin sa direksyon nila Ara. "Sige pupunta kami dyan."

"Sino yun?" tanong ni Alyssa at napabuntong hininga si Mika bagot sumagot

"Sila Cienne. Nabalitaan nilang bumalik na si Ara kaya nag-a-aya ulit sa club."

171017-11011210

18Where stories live. Discover now