Chapter 3

911 29 0
                                    

ARA POV

"Ly, anong oras pala yung flight mo?" tanong ni Cha kay Alyssa na hindi na hinayaan uminom ni Mika pagkatapos ng isang bote.

"2am pa po Ate Cha." saad ni Alyssa saka uminom ng juice na i-norder ni Mika para sa kanya.

 Natatawa na lang sa sarili si Ara sa napupunang mga kinikilos ni MIka kay Alyssa saka uminom ng alak na nasa boteng hawak nya.

"Wrong timing pala aya namin."  saad ni Carol "Eto kasing si Ara." dagdag nya at natigilan naman sa pag-inom si Ara

"Oh. Bakit ako?" tanong ni Ara.

"Bat kasi ngayon ka lang dumating?"

"Biglaan nga lang 'to saka—"

"Wala. We don't need your explanation like Piolo Pascual." pabirong saad ni Carol kaya kumuha ng mani si Ara mula sa lamesa at tinapon sa direksyon nito. "Aray! Wag kang mag-aksaya ng pagkain." dagdag ni Carol sabay bato pabalik ng mani na binato ni Ara.

"Hahatid mo ba sya airport, Ye?" tanong ni Cha kaya napatingin sila kay Mika na tumigil na din sa kakainom.

Tumango si Mika bago ito sumagot. "Yup. Malalagot ako kay Mama pag pinabayaan ko sya mag-isa."

"Kaya ko naman na. Sinundo ko nga si Ara kahapon e." saad ni Alyssa

"Kahit na. Delikado ng gan'tong oras." depensa ni Mika kaya hinayaan na lang sya ni Alyssa.

"E yung mga gamit mo?" singit na tanong ni Cienne na usapan. "Diretso airport ka ba?"

"Hindi. Kukunin namin mamaya sa inn nya yung mga gamit tas diretsyo na ng airport." sagot ni Mika sa tanong ni Cienne at bigla namang ngumiti ng nakakaloko ang kaibigan. "Bakit?"

"Taray. May spokesperson." saad ni Cienne at umiling na lang si Mika bago ininuman ang baso ni Alyssa. "Aww. Indirect kiss." kantyaw ni Cienne na nakapagpapula ng mukha ni MIka kaya lumakas ang kantyawan sa kanya.

"Tama na nga yan. Tara na, Ly." aya ni Mika at tumayo na sa kinauupuan nya at ganun din ang ginawa ni Alyssa. "Alis na kami."

"Huy, iwan nyo si Wafs dito?" tanong ni Kim na tila medyo wala na sa wisyo. "Sa inn ka nila Ly tutuloy di ba?" saad ni Kim habang nakaturo kay Ara. "Sumama ka na umalis. Mamaya kami pa mamoblema pag nalasing ka." dagdag ni Kim.

"Tara na, Ara." aya ni Alyssa kay Ara habang si Mika naman ay blankong ekspresyon lang ang nasa mukha.

Napabuntong hininga muna si Ara bago tuluyang inubos ang beer na hawak saka sya tumalon.

"Alis na kami." saad ni Ara at nagpaalam na din sa mga kasama.

Tulad ng kung pa'no sila sa taxi. Nakaupo sa harap si Mika habang nasa likod naman sila Ara at Alyssa.

"Anong oras flight mo, Ara?" tanong ni Alyssa sa katabi.

"8am pa." sagot ni Ara at tumango naman si Alyssa. "Kung magkikita kayo ni--."

"Don't worry." putol ni Alyssa sa sasabihin ni Ara. "Ako na muna bahala habang wala ka pa." dagdag ni Alyssa ng nakangiti at ngumiti din si Ara bilang tugon.

~~~

"Sigurado ka bang ayaw mo magpahatid? Kahit hanggang train station lang." narinig ni Ara na tanong ni Mika kaya napatingin si Ara sa direksyon nila.

"Oo nga. Kulit. Tinuruan mo naman na ako kung pa'no di ba?" saad ni Alyssa at pinisil ang magkabilang pisngi ni Mika ng nakangiti. "Saka nga pala. May ibibigay ako sa'yo." dagdag ni Mika at maya-maya pa'y may kinuha si Alyssa sa backpack nya. "Here." ani Alyssa at nagulat sila Ara at Mika sa nakita.

Mula sa kinatatayuan ni Ara, sa gate ng inn, ay nakita nyang iniaabot ni Alyssa ang isang kahon na may letrang A kay Mika.

"Ly." ani ni Mika at napatingin ng saglit sa kay Ara bago ibinaling ang tingin kay Alyssa. "Ba't mo binibigay sa'kin 'to? Sa'yo kaya 'to." saad ni Mika at pilit na binabalik ang kahon kay Alyssa na tiniklop ang mga braso senyales na wala syang kunin pabalik ang kahon.

"Hindi ah. Sa'yo naman talaga 'yan ah." sabi ni Alyssa ng nakangiti. "I'm returning it to you na."

"Hindi ko kailangan 'to." saad ni Mika at ngumiti lang ulit si Alyssa.

"I know. Pero you should keep it until you could give it to her." ani ni Alyssa at ngumiti ng ubod ng tamis kay Mika. "Make sure na matatanggap nya na this time pagbinigay mo. Okay?" dagdag ni Alyssa pero bago pa makahirit si Mika ay saka kinuha ang bag na dala mula sa hawak ni Mika para ilagay sa likod ng taxi na kanina pa naghihintay sa kanila

Papasok na sana sa taxi si Alyssa ng pigilan sya ni Mika na hinawakan ang kamay ni Alyssa

"Babalik ka naman dito di ba?" tanong ni Mika na hawak ang kamay ni Alyssa, na bahagyang nakapagpapatawa dito.

"Yes. I have a lot of reasons na di ba?" sagot ni Alyssa habang hawak ang kamay ni Mika. "Ara, alis na ako ah. Kita na lang tayo sa Pinas." paalam ni Alyssa kay Ara na nakatanaw lang sa kanya at tumango lang si Ara bilang tugon bago ito tuluyang sumakay ng taxi.

Pumasok sa loob ng inn ni Ara pagkaalis na pagkaalis ng taxi na sinasakyan ni Alyssa. Pinili ni Ara na manatiling nakaupo sa sofa ng di kalaunan ay narinig nyang tumunong ang doorbell ng inn.

"We need 'to talk." bungad ni Mika sa kanya pagkabukas nya ng pinto.

Hawak-hawak ni Mika ang kahon na iniabot ni Alyssa sa kanya kanina.

"Good." ani ni Ara. "I'm expecting it as well."

171025-11010911

18Where stories live. Discover now