Kabanata 1

8.9K 68 3
                                    

Erin's POV

"Hooooh.. kapagod!" hawak ko ang aking baywang na nilibot ng tingin ang buong kwarto upang tignang maigi kung maayos na ba ang lahat. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig habang tinitignan kung wala na ba akong nakaligtaan na ayusin at linisin. Kalilipat ko lang ng apartment dito sa isang subdivision sa Taguig. Sa totoo lang taga Zambales ako at nais makipagsapalaran dito sa Manila.

*Tok tok tok*

Napalingon ako sa pinto sa sala ng maulinigan ko ang mga katok.

"Sandali!" Agad akong nagtungo sa pinto upang pagbuksan ang land lady ng aking inuukupuhang apartment.

"Eto nga pala ang susi ng mga pinto at gate. Lagi mong siguraduhin na nakalock lagi ang gate at pinto mo. Babae ka pa naman at iisa mo lang. Ano nga ulit ang pangalan mo?" Mabait na pahayag ni Aling Silvia.

"Erin po." Ani ko sabay tanggap ng susi na sa tantiya ko ay nasa pitong susi.

"Ah.. Oo, Erin nga pala. Basta tuwing a-dos ng buwan gusto ko kumpleto lagi ang bayad ng bahay. 3,500 a month iba pa ang tubig at kuryente. Oh siya sige maiwan na kita at may gagawin pa ko. Nasa pangatlong bahay lang ako nakatira. Yung kulay green na gate. Kung may kailangan ka puntahan mo lang ako don ha." Ani aling Silvia.

"Sige po. Salamat po!" Nakangiting paalam ko. Pagkatapos niyang umalis ay isinara at nilock ko na ang pinto.

Nagbigay ako ng one month deposit at one month advance nung nakaraang araw bago ako naglipat ng mga gamit ko dito sa apartment kaninang umaga. May kamag anak ako dito sa subdivision na siyang nagrekomenda sakin ng apartment na to. Dalawang kanto mula dito sa apartment ko ang bahay ng aking tiyahin na pinsan ni papa.

Mag aalas kuwatro na ng hapon nang makaramdaman ako ng gutom. Hindi pa nga pala ako nakapananghalian. Dumiretso ako sa kusina upang magluto ng instant noodle soup. Pwede na siguro ito, sasamahan ko na lang ng pandelimon. Mamaya ko pa balak maggrocery ng stock ko para sa buong linggo.

Habang kumakain ay binuksan ko ang laptop ko para iproof read ang ginawa kong kwento nang halos isang taon bago isubmit sa publishing company na papasukan ko sa lunes. Ang kikitain ko sa mapagbebentahan ng librong ito ay ibibili ko ng mga gamit sa apartment ko. Wala pa kasing laman ito. Tanging isang queen size bed, electric fan, isang six layered na drawer, seven cubic feet na refrigerator, apat na monobloc chair, isang monobloc table at mini table sa sala at isang mahabang blue na sofa at pulang single sofa pa lamang ang laman ng apartment ko at ilang kagamitan sa kusina.

Pumunta ako rito sa Maynila upang makalimot at makatakas sa nakaraan ko. Masyado kasing magulo ang buhay ko at ang pamilya ko. Isa pa gusto kong tumayo sa sarili kong paa at hindi umaasa kanino man. Simula ng maghiwalay ang magulang ko at magkaron ng sariling pamilya si Mama ay naiwan kaming tatlo ng mga kapatid ko sa poder ni Papa noong walong taon ako ay nasanay na akong buhayin ang sarili ko. Maaga akong natutong maglaba, magluto, maghugas ng plato at maglinis ng bahay. Tatlo kaming magkakapatid at pangalawa ako. Dahil nga nasa gitna ako, ako madalas ang mapag utusan sa gawaing bahay kaya maaga akong namulat sa buhay na ipinagpapasalamat ko naman dahil marami akong natutunan.

Nang matapos akong kumain ay isinara ko na ang laptop ko at hinugasan ang pinagkainan. Matutulog muna ako.

Nagising ako nang 5:30 ng hapon. Pupungas pungas pa akong tumayo tsaka naalalang maggogrocery at mamamalengke pa nga pala ako. Naligo lang ako saglit bago nagbihis ng puting tshirt at maong short na umabot sa mid thigh ko. Nagpahid na rin ako ng polbo sa mukha at liptint na siyang nagpapula sa labi ko.  Matapos magsuklay ng buhok ay agad ko ng dinampot ang wallet at cellphone ko sa ibabaw ng durabox ko at lumabas na ng bahay. Pinadlock ko ang pinto tsaka lumabas ng tarangkahan.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon