Kabanata 31

154 7 0
                                    

Erin's POV

Lunes ng umaga.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humalik sa noo ko. Bigla akong napabangon sa takot at kaba kung nasan ako at sinong kasama ko.

"Ouch babe." Inda ni Ayien ng mauntog ko ang labi niya. Si Ayien lang pala. Akala ko kung sino na.

"Babe, bat andito ka? Sorry nagulat kasi ako. Kagigising ko lang." Nag aalala at naguguluhang ani ko. I remembered Johnrey putting me on bed and waited until I fall asleep last night. I didn't expect Ayien here early in the morning.

"Namiss kita babe. Hindi mo kasi ako tinext kagabi kung nakarating ka na ba. Sabagay maaga rin ako nakatulog. Naglaro kasi kami ng basketball kahapon. Di ko rin alam kung andito ka ba kaya pumasok na ko." Ani niya at hinaplos ang buhok ko. May duplicate key nga pala ang mokong na toh.

"Sorry babe. Nawala sa isip ko. Galit ka?" Malambing na ani ko at dinampian siya ng halik sa labi. Ngumiti siya at umiling.

"Di ako galit. Naiintindihan kong pagod ka sa biyahe at ang importante nakapag liwaliw ka ng dalawang araw." Ani niya at inalalayan akong bumangon sa kama. Iginiya niya ako patungo sa mesa sa kusina at nakita kong may supot ng pandesal doon. Wow. May peanut butter at sopas din na nakalagay sa dalawang styro bowls.

"Ang sweet naman ng babe ko. Hindi nagtampo tapos nag abala pang pakainin ako ng almusal." Nakangiting ani ko ng makaupo. Isa isa niyang inihain sa mesa ang sopas na isinalin niya sa mangkok na babasagin at umuusok na kape. Nagpalaman din siya ng ilang pandesal at inilagay sa plato.

"Matured na ko mag isip babe. Alam mo naman kung paano babawe. Hehehe." Pilyong ani niya at kumindat. Tinignan ko ang maliit na orasang nakapatong sa pasimano ng bintana sa harapan ng lababo. Ala sais pa lamang. So may isang oras pa kami ni Ayien.

"Siya nga pala. Saan galing tong aso. Nagulat ako kanina pagpasok ko sa kwarto mo at katabi mo pang natutulog." Ani niya ng lumundag at tumahol si Pottie sa binti ko. Nakangiti akong hinaplos siya at niyakap saglit bago ibinaba.

"Bigay ng bestfriend ko. His name is Pottie. Because he's puti and cutie. Hehehe." Tawa ko ng maalala ang pagsasabi ni Johnrey sa pangalan ni Pottie.

Pagkatapos kumain ay sabay kaming naligo sa banyo. Nagdala na si Ayien ng damit niyang susuotin para sa trabaho. Mukhang planado niya na toh. Hahaha. Magaling na bata.

"Babe..." Ungol ni Ayien ng himasin ko ang sandata niyang nakatutok sa puson ko. Hinalikan ko ang nakaawang niyang labi na agad naman niyang tinugunan. Maingay ang paghinga naming dalawa habang palipat lipat ang kamay niya sa parte ng katawan ko.

"Ughh.. shit." Daing ko ng sipsipin niya ang leeg ko. Agad ko siyang naitulak dahil alam ko ang binabalak niya at ayoko non.

"Sorry babe. Nanggigil ako." Hinging paumanhin niya ng mabasa sa mata ko ang pagtutol. Ayoko kasi ng nilalagyan ako ng hickeys lalo na sa expose na balat. Pangit tignan at agaw pansin yon. Ayoko namang maging center of attention sa trabaho mamaya.

Ipinagpatuloy namin ang ginagawa hanggang sa makaraos. Bahagya pang nanginginig ang tuhod ko sa pagkakangalay dahil sa mga ginawa sakin ni Ayien.

Tatawa tawa siyang hinampas ang pwet ko ng makitang dahan dahan akong naglalakad palabas ng banyo.

"My god Ayien. Grabe pagkatigang mo. Di ko alam kung makakapasok pa ko sa trabaho neto. Nanghihina ako." Nanghihinang ani ko habang natatawa.

"Konting tiis na lang babe. Pag natapos ako sa college at may maayos ng trabaho. Mas lalo ka nang hindi makakalakad kaya di mo na kailangan magtrabaho." Parang timang na ani niya at binuhat ako papasok sa kwarto. Hinampas ko ang balikat niya sa pangit na pangarap niya na ikinatawa niya.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon