Kabanata 6

3.6K 35 0
                                    

Erin's POV

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto habang nag iinat. Nakaarrange na ng maayos ang mga maliliit hanggang sa medyo may kalakihan na painting na nakasabit sa kaliwang bahagi ng kwarto.

Sa sulok ay isang single na sofa, mesa na pinangpapatungan ng mga painting tools and materials at folding chair sa harap ng canvass stand na may mga blankong canvass malapit sa bintana. Naglalakihang painting naman sa kanan. Ang iba ay itinayo ko ng maayos sa gilid.

Nagmukhang maliit na museum ang kwartong ito sa dami ng paintings na nakadisplay. Sa tantiya ko ay nasa thirty four na itong lahat.

Tinitigan ko ang mga painting hanggang sa dumako ang paningin ko sa medyo may kalakihang painting na siyang pinakasentro. Pinagmasdan ko itong mabuti ng maramdaman ko ang pag iinit ng sulok ng aking mga mata. Pinunasan ko ito bago pa man makatakas at mapait na ngumiti.

Larawan ito ng isang kulay pula at namumukadkad na rosas sa kalagitnaan ng mapayapang gabi. Hinaplos ko ang gitna nito kung saan ko ibinaon ang masakit na alaala ng aking nakaraan.

'Epiphany'
by: E.J Villamor
01.06.2011

Lumabas ako sa silid na yon at kumuha ng kaha ng sigarilyo at apat na beer in can sa ref saka bumalik sa kwarto at iginugol ang buong magdamag doon upang magpinta habang nakasalpak ang headset sa aking tenga.

Alingawngaw ng cellphone ang bumulabog sa nahihimbing kong diwa. Idinilat ko ng bahagya ang aking mata at kinapa ang cellphone sa sahig. Nang makita ang pangalan ng aking ina ay nakasimangot ko itong pinatay at bumalik sa pagpikit. Wala pang isang minuto ay tumunog uli ito kaya napipilitan akong pinindot ang answer button.

"Oh." Tamad na ani ko ng mailapat ang cellphone sa aking tenga.

"Hello? Anak asan ka ba? Alalang alala ako sayo. Hindi naman sinasabi ng mga kapatid mo kung nasaan ka. Malapit na ang debu ng kapatid mo, makakapunta ka ba?" Tanong niya. Napairap ako sa kawalan ng pumasok sa isip ko ang mukha ng anak niya.

"Hindi. May trabaho ako, yun lang ba ang itinawag mo?" Tanong ko habang iniinat ang leeg ko sa pagkakangalay.

Tumayo ako sa sofa kung saan ko ipinagkasya ang sarili ko nang matapos ako sa pagpipinta kaninang alas singko ng madaling araw. Saglit kong sinuri ang natapos kong abstract painting na pinamagatan kong 'The Lost Soul in the City' na sumasalamin sa emosyon ko ng nakaraang gabi. Ang isang gabing pagpapakawala ko.

"Gusto kasi ng kapatid mong si Anica na kumpleto kayong magkakapatid sa debu niya. Please anak baka sakaling magawan mo ng paraa--"

"Pwede ba?! Pakisabi diyan sa maarte mong anak na wala siyang kapatid dahil kahit kelan ay hindi namin siya itinuring na kapatid! Kung yan lang ang itinawag mo wag ka ng tatawag uli." Dirediretsong sabi ko tsaka pinutol ang tawag.

Nag iinit ang ulong lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa banyo para maligo at magpalamig ng ulo. Matapos maligo ay binitbit ko ang lahat ng labahin ko para dalhin sa laundry shop sa labas ng subdivision malapit dito. Gagahulin ako sa oras pag nilabahan ko pa ang mga ito dahil marami pa akong gagawin sa apartment ko.

Nang mailagay ko lahat sa malaking plastic bag kasama ang mga comforter, bedsheet at ilang tuwalya maliban sa mga undies ay lumabas ako sa apartment at itinali sa likod ng motor at pinasibad ng masigurong wala na akong nakalimutan.

Itinigil ko ang motor sa tabi ng laundry shop at binigay ang mga palalabhan ko at sinabing pipick upin ko ito sa martes ng hapon pagkagaling ko sa trabaho. Matapos kong makuha ang sukli sa isang libong ibinayad ko ay umalis na ako at dumiretso sa isang mamihan para kumain.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon