Kabanata 13

2.6K 34 1
                                    

Erin's POV

Lunes. Lunchbreak.

Nagpunta ako sa cr ng makaramdam ng pagkasuka. Kanina pang umaga masama ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa ring makapasok. Nagtaxi na nga lang ako papunta dito dahil baka kung mapano pa ako sa motor.

Pagkapasok ko sa isang cubicle ay agad akong napakapit sa bowl para ilabas ang lahat ng kinain ko kaninang umaga. Maluha luha akong dumuwal kahit wala na akong mailabas.

Nanghihina akong napasandal sa pinto at pinunasan ng tissue ang labi ko. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko ng umikot ang paningin ko.

Napasama pa yata ang pagpupuyat ko kahapon. Buong magdamag akong nasa art room ng walang kainan at beer lamang ang laman ng sikmura. Cup noodles lang ang kinain ko ng makaramdam ako ng gutom kinagabihan. Past ten pm na ako nakakain at bumalik muli sa art room para ipagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog basta nagising na lang ako kaninang alas singko na namamaluktot sa sofa dahil sa ginaw.

Pinunasan ko gamit ang likod ng palad ko ang luhang pumatak sa gilid ng aking mata. Ayokong nagkakasakit dahil ramdam ko ang pagiging mag isa ko. Doon ko nararamdaman na may kulang sa buhay ko.

Pamilya. Wala akong pamilya. Kung meron man ay hindi ko rin matawag na pamilya. Tss. Meron na rin sana ako ngayon pero.. ipinagkait sakin iyon.

Palabas na ako ng may mga maiingay na kapwa ko empleyadong pumasok sa cr dahilan para mapatigil ako.

"Girl nakita mo ba yung mga lalaking may bitbit na attache case kanina? Ang gagwapo shet! Mukhang artista lalo na yung mestiso." Napapatiling kwento ng isang babae.

"Gaga! Mga abogado yon! Dumaan sila kanina sa office namin. Kinausap yata si Boss." Ani ng isa. Abogado? Napakunot ang noo ko at napailing. Hindi naman siguro.

"Hmp. Aanhin mo naman ang gwapo kung babaero naman." Sabat ng isa pa. Natawa naman ang dalawa sa sinabi niya.

"Ang bitter mo girl! Bakit mo naman nasabi ha?" Ani ng babaeng unang nagsalita kanina.

"Based on experience! Halerr? San ka nakakita ng lalaking gwapo na nagstick to one?? Duh! Tsaka lahat ng madaanan nilang sexy at maganda kanina eh nginingitian at kinikindatan nila!" Napangisi ako sa narinig. Wala pa nga akong nakitang lalaking nagstick to one.

Dinig ko ang mga tawanan at asaran nila habang palabas ng cr. Lumabas na rin ako sa kinapupwestuhan ko para maghugas ng kamay at magmumog. Naglagay ako ng cheektint at liptint sa mukha ko para hindi masyadong halata ang aking pamumutla.

"Oh! Sorry." Hinging paumanhin ko ng may mabangga ako habang isinisilid ang aking cellphone sa bag nang makalabas ako ng cr. Napatingin ako sa taong nasa harap ko ng hindi ito nagsalita.

"Ej?" Napakunot ang noo ko ng makita ang mukha ni Radleigh sa harap ko kasama ang tatlong makikisig na lalaki. Dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang braso na nakapalibot sa beywang ko bilang suporta kanina para hindi ako maout balance.

"Rad." Ani ko at tipid siyang nginitian. Ngingiti na sana siya ng tumalikod ako at naglakad patungo sa elevator.

"Ej saglit!" Habol niya at inaya ang mga kasama niya. Bumaling ako sakanya ng tumabi siya sakin habang hinihintay na bumukas ang pinto ng elevator habang ang ibang kasama niya ay nasa likod.

"Kamusta? Dito ka pala nagtatrabaho?" Ani niya at nagpamulsa habang sinusuri ang kabuuan ko. Tumango lang ako at pinagmasdan ang numero sa gilid ng pinto.

"You look pale. Are you okay?" Nag aalalang ani niya at akmang sasapuhin ang noo ko ng inilayo ko ito. Bumukas ang elevator at pumasok ako. Ganun din sila. Pinindot ko ang number two button at sumandal sa gilid.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon