Kabanata 35

177 6 0
                                    

Erin's POV

Ipinaghila ako ni Johnrey ng upuan ng makapasok kami sa kusina. Nagpasalamat ako at umupo. Tinignan ko ang mga nakahaing pagkain sa mesa at ngayon ko lang napansin ang kumakalam kong sikmura ng makita ang pritong daing na bangus at daing na pusit. May ensaladang inihaw na talong na may kasamang kamatis, lasuna, tinadtad na manggang hilaw at bagoong.

"Salamat." Simpleng ani ko ng ipinagsalin ako ni Johnrey ng orange juice sa baso matapos lagyan ng sinangag na kanin ang plato ko na parang walang awkward na nangyari kanina.

"Oh heto pa ang tortang talong na paborito ng alaga ko. Kumain ka ng kumain hija. Pinaluto ni Johnrey lahat yan dahil laking probinsiya ka daw katulad ko kaya alam kong magugustuhan mo ang mga ito." Nakangiting ani sakin nito matapos ilapag ang plato na may lamang tortang talong.

"Maraming salamat po Nay.. Ano hong pangalan niyo?" Pagtatanong ko dahil hindi ko alam ang itatawag ko sa kanya.

"Salve hija. Salve." Napapatangong ani niya.

"Ah.. Maraming salamat po Nay Salve sa masarap na almusal." Magalang na ani ko na ikinangiti niya at tumango.

"Oh sige na maiwan ko na kayo dito ha at ako ay may tinatapos pang banlawang mga kumot. Kung gusto mong kumuha ng mga gulay sa munting bukirin ko. Huwag kang mahiyang mamitas hija. Kami lang ni Johnrey ang umuubos non. Napupurga na ang alaga ko kakakain ng gulay. Hahahaha." Tawang ani niya at tinapik tapik ako sa balikat. Muli akong nagpasalamat at nagsimula ng kumain. Inuna kong papakin ang daing na pusit dahil madalang lang akong makakain nito. May sawsawan din ditong suka na may bawang at siling labuyo. Heaven!

"Kung ganito kasarap lagi ang ulam parang gusto ko ng dito tumira." Wala sa loob na ani ko habang kumakain. Nom nom nom. Hahaha. Parang bata eh.

"You can live here with me anytime you want." Kibit balikat na ani niya at kumuha ng tortang talong tsaka iniligay sa plato ko. Kumuha rin siya ng para sakanya at diretsong isinawsaw ito sa bagoong. Nakakamay lang kaming kumain at kung iisipin. Ang sarap ng ganitong buhay. Yung nakakain mo lahat ng gusto mong kainin at walang bumabawal.

"Siya nga pala. Nasan ang mommy mo?" Maya maya'y tanong ko. Nilingon niya ako matapos sumubo ng kanin. Nilipat ko naman ang tingin ko sa daing na bangus at kumuha. Habang hinihimay ko ito ay siya namang pagsasalita niya matapos lunukin ang laman ng bibig.

"Nasa Australia. Taga doon kasi ang parents niya. Pure Australian si Lolo habang half Filipina and half Australian si Lola." Sagot niya at uminom ng juice sa baso.

"Kelan kayo huling nagkita ng mommy mo?" Tanong ko ulit habang napapakunot ang noo. Kaya pala ang ganda ng kutis ng lalaking toh. Pati kulay ng buhok niya ay natural ang pagkabrown.

"2011 pa. Doon ako tumira pagkagraduate ko ng college dito. 3years lang ako doon. Mas sanay ako dito sa Pinas." Kibit balikat na ani niya at sumandok muli ng kanin.  Inialok niya sakin ang bandehado ng kanin at tumango ako. Pinanood ko siyang maglagay sa plato ko at inilapit pa sakin ang plato ng pusit.

"5years old ako nung una akong dalhin ni Mommy sa Australia. Namatay kasi si Lolo kaya kinailangan namin magstay don para may kasama din si Lola. 9years old ako nung bumalik kami dito pero may iba ng pamilya ang Daddy ko. Pumupunta punta siya sa bahay namin ni Mommy non para papirmahin si Mommy sa anullment papers pero ayaw ni Mommy. 10th birthday ko nung isinama niya yung anak niya sa ibang babae para siguro ipahiya si Mommy sa harap ng maraming tao at para din mapilitan si Mommy na pumerma na." Pagkukwento niya habang hinihimay ng maliliit ang pritong daing na pusit. Nakikinig lamang ako sa kwento niya habang inuubos ang laman ng plato ko.

"Napaperma niya ba ang Mommy mo?" Kuryosong tanong ko na ikinailing niya.

"Hindi. Umalis ulit kami ng bansa para hindi kami magulo ni daddy. Pero after a month nabalitaan naming namatay ang babae at anak niya sa car accident kasama ang driver nila." Natutulalang kwento niya tsaka uminom ng tubig at tinignan ang buong mesa. Napatingin din ako sa mesa at nakitang nasimot na namin ang mga nakahain. Hehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon