Kabanata 7

3.4K 36 0
                                    

Ayien's POV

Napangiti ako ng magthumbs up si Erin matapos tikman ang niluto ko.

"Ang sarap mo pala magluto eh.. parang ikaw." Nakangiting ani niya at sumubo ng kanin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Talaga? Anong mas masarap. Ako o yung luto ko?" Nakangiting ani ko habang sinasalinan ng ulam ang plato ko.

"Uhmm.. syempre yung ulam! Haha. Hindi ka naman nakakabusog eh." Ani niya na may halong pang aasar.

"Sige, magpakabusog ka ngayon at mamaya iba ang bubusugin ko sayo." Nakangising ani ko na inismidan lang niya. Masaya kaming nagkikwentuhan habang kumakain. Nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa mga kompanyang inapplyan at aapplyan ko para makaipon ng pangtuition sa susunod na sem. Nagsuggest naman siya na mag apply ako sa kompanya nila na sinang ayunan ko naman.

Nang matapos naming maggabihan ay siya na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Naisipan kong pumunta sa art room niya habang hinihintay siyang matapos sa kusina.

Umupo ako sa single sofa nang makapasok sa silid. Mangha kong inilibot ang aking paningin at inisa isang pagmasdan ang bawat painting na nakasabit ng maayos sa dingding ng buong kwarto.

Maganda lahat ng painting pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang painting sa gitna. Isang kulay pulang rosas ito na may madilim na background.

Napakunot ang noo ko ng makita ang pinakagitna nito. Tumayo ako at nilapitan ito upang mas makita ng mabuti.

"Baby?" Nagtatakang bulalas ko at binasa ang nakasulat sa ibaba ng painting.

"Epiphany by E.J Villamor. January 6, 2011.. May dalawang taon na. Bakit ang liit ng baby? Mas malaki pa ang bulaklak?" Ani ko sa isip ko habang nakahalukipkip at nakapangalumbabang nag iisip.

"Ibang klase talaga mag isip ang artist. Sasakit ang utak mo kapag iniisip mo ang ibig sabihin. Tsk." Napapakamot na bulalas ko at lumipat sa ibang painting.

Napapangiti kong hinahaplos ang mga gamit niya sa pagpinta sa ibabaw ng lamesa. Pakiramdam ko ay nakapasok ako sa mundo niya. Hehe.

Napapahum pa ako sa tuwa ng madaanan ng mata ko ang isang abstract painting na nasa canvass stand pa. Bago lang ito base sa petsang nakasulat sa ibaba.

'The Lost Soul in the City'
by: E.J Villamor
06.07.2013

Sa unang tingin ay isang simpleng larawan lamang ito ng isang babae pero habang tinititigan mo ay maraming bagay ka pang mapapansin na mahirap intindihin kung ano ang kahulugan. May kwento ang bawat painting pero dahil ngayon palang ako nakasalamuha ng artist na kagaya niya ay nahihirapan pa kong intindihin ang bawat kahulugan.

"Yien?" Rinig ko ang pagtawag ni Erin sa akin sa salas kaya lumabas na ako ng silid na iyon.

"Yes babe?" Nakangiting ani ko at inakbayan siya. Bahagya siyang lumingon sa pinanggalingan ko tsaka ako tinampal sa pwet. Natawa naman ako sa tinuran niya.

Umupo kami sa salas at kinuha niya ang sketch pad at lapis na nakapatong sa center table kasama ang mga colored pencil niya.

"Bakit nga pala wala kang tv dito?" Tanong ko. Tumingin siya sakin bago ngumisi.

"Hindi ko pa afford bumili tsaka wala naman akong time manood. Pag may free time ako kadalasan ginugugol ko yun sa pagpipinta." Kibit balikat na ani niya at nagsimulang magdrawing.

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ng khaki short ko nang maramdamang nagvibrate ito.

Bhebyq: bhe musta? I miss u.😘

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon