Kabanata 10

3.1K 33 0
                                    

Erin's POV

Mariin kong pinunasan ang aking basang pisngi dahil sa pagluha ng maalala ko ang nakaraang pilit kong kinakalimutan. Tinungga ko ang beer na hawak ko hanggang sa maubos ito at ibinato ng ubod ng lakas. Umaasa na maisama ko lahat ng hinanakit ko sa pagbatong iyon.

Hindi ko na dapat pa pinag aaksayahan ng luha ang taong wumasak sa pagkatao ko. Wala siyang kwenta. Niloko niya ko at hindi magbabago ang katotohanang iyon. Pinagmukha niya kong tanga habang kami pa. Nakipagbalikan siya sa ex niya nang hindi muna nakipaghiwalay sakin. Nakiusap ako na kailangan ko siya. Kailangang kailangan ko siya pero mas pinili niya ang babaeng iyon at tinalikuran ako. Ngayon babalik siya kung kelan hindi ko na siya kailangan? Sino siya para humingi ng chance na ipinagkait niya sa akin noon? Nakakatawa. King ina niya.

Alas diyes y media ng makabalik ako sa bahay nila Mama at sinundo sila Ate. Tulog na si Aeroll ng makapasok sila sa kotse. Lumipat ako sa passenger seat at si Allen ang nagdrive ng kotse dahil naparami ang inom ni kuya Harold.

"What happened sis?" Ani Ate Ellen. Nagkibit balikat lamang ako habang nakasandal ang aking ulo sa bintana.

"Kinausap ako ni Radleigh kanina gusto niyang makipag ayos sakin." Maikling kwento ko at ipinikit ang aking mata. Medyo nahihilo ako dahil sa wine at beer na ininom ko pero kaya ko pa naman kaya nakapagdrive pa ko pabalik.

"Ano namang sabi mo sakanya?" Singit ni Allen. Ngumisi ako at inalala ang pag uusap namin kanina.

"Sinabi kong magmove on na siya dahil hindi ko siya kailangan. Kapal ng mukha niyang hayop siya." Inis na ani ko at hindi na sila nag usisa pa pagkatapos non dahil alam nila ang pinagdaanan ko ng dahil kay Rad. Nang makarating kami sa bahay ni Ate ay agad kong isinalampak ang katawan ko sa kama at pinilit na makatulog. Ayoko ng mag isip pa ng kung ano.

"Mommy!" Nilingon ko ang isang batang lalaki sa gilid ng aking art room habang nakaupo ako sa sofa at nagbabasa ng libro. Puro mantsa ng pintura ang kanyang mukha at damit. Tinignan ko ang kanyang ginagawa at napangiti. Sa edad niyang dalawang taon ay namana niya sakin ang talento niya sa pagpipinta.

"Hi baby! Ano yan?" Tanong ko ng lapitan ko siya at pisilin ang kanyang pisngi.

"Penching mommy!" Natawa ako sa bulol na pananalita niya at maya maya'y napaluha habang nakangiting nakatitig sa mukha niya. Kamukhang kamukha niya ang lalaking minahal ko tatlong taon na ang nakalipas.

Kumunot ang noo niya ng makita ang pagluha ko. Hinaplos niya ang pisngi kong may luha tsaka niya ako binigyan ng maaliwalas na ngiti. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at dinama ang init ng kanyang haplos doon.

"I love you anak. Mahal na mahal ka ni Mommy. Mahal na mahal kita. Patawarin mo si Mommy ha. Hindi ko sinasadya.." Bulong ko sakanya habang yakap siya ng mahigpit.

Idinilat ko ang mga mata ko at nasilaw sa liwanag na tumatagos mula sa bintana. Malungkot akong ngumiti at pinunasan ang aking basang pisngi dahil sa luha.

Ram...

***

Hapon na ng makabalik ako sa Taguig. Buong araw akong walang kibo at tulala. Nauunawaan naman ni Ate yon. Hinatid niya pa ko sa terminal ng Victory sa Olongapo papuntang Pasay nung umaga. Pagkarating sa apartment ko ay natulog lamang ako. Hindi na ako nag abalang kumain at magbukas ng ilaw. Nagpalit lamang ako ng damit at natulog.

Alas kuwatro ng madaling araw ng magising ako at naligo. Balak kong magjogging ngayon dahil maaga akong nagising. Nagsuot lamang ako ng white racer back, hoody at black leggings. Isang mansanas lamang ang kinain ko at nagbitbit ng bottled water bago lumabas sa apartment ko. Inayos ko ang pagkakasintas ng running shoes ko bago nagstretching. Sinalpak ko ang headset sa tenga ko at namili ng kanta sa playlist.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon