Kabanata 24

1.3K 29 4
                                    

Erin's POV

"Okay.. Let's eat! Let's eat!" Masayang ani ni tita habang pumapalakpak pa ng matapos niyang iblow ang candle sa ibabaw ng cake.

"Kumain lang kayo ng kumain ha. Marami pang niluluto sa kusina." Nakangiting ani ni tita habang inaasikaso ang mga bisita.

"Babe san mo gustong maupo?" Bulong ni Ayien ng matapos naming kumuha ng pagkain. Tinignan ko naman ang mga mesa at kila Aileen na lang ang may bakanteng upuan.

"Dito na lang kila ate mo." Ani ko at hinila siya palapit don. Mahaba kasi ang mesa dito at pito lang silang nakaupo kaya kasya pa kami ni Ayien.

Napansin ko naman ang pagtaas ng kilay ni Aileen habang paupo kami ni Ayien sa mesa nila. Nasa kabisera ng mesa sa kanan nakaupo si Arianne at katabi nito sa kabilang side si Aileen at dalawa pa nitong kaibigan na babae habang bakante naman ang katabi nitong upuan. Si Joanna ay nakaupo sa kabilang kabisera ng mesa at katabi nito sa kanan ang dalawa pang batang babae na pinagigitnaan nila ni Pipoy. Katabi ko naman si Pipoy habang nasa kanan ko at katapat ni Aileen si Ayien na katabi rin si Arianne.

"Hi couz! Kamusta na? Ang laki mo na ah!" Bati ng babaeng katabi ni Aileen. Ah.. so pinsan nila.

"Okay lang teh Grace! Ikaw lang naman ang hindi lumalaki eh. Haha!" Asar ni Ayien sa pinsan niya.

"Oy foul yun ah!" Irap nung Grace at nagtawanan sila. Mukha namang harmless ang dalawang pinsan nila dahil palabiro ang mga ito kahit mukhang maaarte.

Nag umpisa na akong kumain habang tinitignan ang iba pa nilang bisita. Wala man lang pumasa sa standard kong lalaki dito. Puro bagets at lolo lang ang nakikita ko eh. Merong mga mas ahead ng edad sakin konti pero puro may anak at asawa na.

"Sino naman yang kasama mo?" Usisa ni Grace at nginitian ako. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti pabalik.

"Ah.. si Erin. K-kai..bigan ko." Nag aalangang sagot ni Ayien at tumingin sa banda nila Joanna. Spell awkward.

Napapangiti naman akong tumingin kay Ayien ng hawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa at bahagyang pisilin. Naiintindihan ko ang gusto niyang iparating. Gusto niyang ipangalandakan kung sino ako sa buhay niya sa mga kamag anak niya pero hindi pa pwede dahil alam naming pareho na may masasaktan.

"By the way Ai, where's your fiancee? Sabi mo ipapakilala mo siya samin?" Tanong nung katabi ni Grace kay Aileen na si Cathy.

"He's on his way here. Medyo malilate lang dahil galing pa siyang Q.C. Kinasal kasi ang kapatid niyang babae." Rinig kong sagot ni Aileen at tinignan ang phone. Nagpatuloy pa sila sa pag uusap hanggang sa mangailangan akong magbanyo.

"C.R lang ako." Paalam ko kay Ayien bago tumayo.

"Samahan na kita." Prisinta niya ngunit agad kong tinaggihan.

"Hindi na. Saglit lang ako." Ani ko at iniwan na siya roon. Dumiretso ako sa kusina at hinanap ang banyo ngunit nadismaya ng may mga nakapila pala doon sa labas ng banyo.

Aish. Ano ba yan. Kung kelan naman ihing ihi na ko tsaka pa mahaba ang pila? Kala ko sa bilihan lang ng NFA na bigas ang may pila. Yan pala pati kubeta pinipilahan na rin. Tsk tsk tsk.

"Tita, excuse po. May iba pa po bang c.r dito? Traffic po kasi dun sa c.r sa kusina eh." Ani ko kay Tita Arlene ng makita ko siyang paakyat ng hagdan.

"Meron pa dito sa taas hija. Halika sumabay ka na sakin, magpapalit na kasi ako ng damit." Nakangiting ani niya at iginiya ako paakyat.

"Bakit po kayo magbibihis? Tapos na po ba ang party niyo?" Nagtatakang tanong ko.

"Ah hindi hija. Magchechange outfit lang ako para sa night party." Masayang ani niya at itinuro ang dulong pinto sa kaliwa.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon