Kabanata 4

3.9K 44 0
                                    

Erin's POV

"Nagyoyosi ka?" Tanong ni Michael sa tabi ko kaya nilingon ko ito at ibinuga ang usok sa mukha niya. Natatawa niya naman itong hinawi at umubo ubo kunwari.

"Oo. Bakit?" Tanong ko.

"Ang panget kaya tignan sa babae ang nagyoyosi. Turn off yun." Ani niya habang umiiling. Napangisi naman ako sa sinabi niya dahil maraming beses ko ng narinig yun tuwing may nakakakita saking naninigarilyo. Hindi naman ako malakas magyosi, dalawang stick nga lang sa isang araw. Marami na ang tatlo sakin.

"Do I have to turn you on?" Tanong ko na tinawanan ng mga kasama namin. Tinapik ni Emy ang binti ko kaya napatingin ako sakanya.

"Ano bang feeling pag nakaganyan? Lasang usok lang naman yan diba? Kuryosong tanong niya. Nasa akin ang atensyon nilang lahat pati na rin si Johnrey na may yosing hawak.

"Masarap. Nakakawala ng pagod. Narerelax yung utak ko." Simpleng sagot ko at ipinitik ang upos nito sa ashtray bago humithit at nagbuga ng tatlong bilog na usok.

"Wow ang galing. Patry nga! Baka sakaling marelax din ang brain cells ko." Akmang kukuha na rin si Jemelyn at Ruby ng kunin ko ang kaha ng sigarilyo at ibato kay Henry na nasalo naman niya, sakanya kasi yon.

"Tsk. Wag niyo ng pangaraping matutunan, once na maadik kayo hindi niyo na matitigilan. Pinagsisihan ko ngang natutunan ko toh eh." Saway ko sakanila. Aware naman akong masama sa kalusugan toh pero mahirap alisin sa sistema. Hahanap hanapin mo. Parang droga. Masarap sa pakiramdam pero nakakasira ng buhay.

"Ilang taon ka nung matuto kang magyosi?" Tanong ni Amanda matapos niyang ubusin ang laman ng baso niyang may tequila at ipasa kay Johnrey. Si Jem at Bea lang ata ang umiinom ng cocktail drinks.

"Disi otso." Kibit balikat na sagot ko. Nagtanong pa sila ng ilang bagay tungkol sakin habang umiikot ang baso. Nang makaapat na shot ako ng tequila ay nag aya na silang sumayaw. Nag uumpisa na ring maging wild ang mga tao sa dance floor. Tinungga ko ang isang shot ng vodka tsaka ko hinubad ang jacket ko at tinanggal ang pagkakapusod ng buhok ko bago sumunod sa kanila.

Pumikit ako at dinama ang indak ng tugtog habang malayang gumagalaw ang aking kamay at baywang sa saliw ng tugtugin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko at minulat ang mata ng maramdaman ko ang lalaking nangahas sumayaw sa likod ko. Nginisian ko lamang ito ng makitang si Johnrey ito. Hinapit niya ako sa baywang ng masagi ako ni Emy at Ruby na naghaharutan sa gilid ko.

"Ang bango mo.." bulong niya sa tenga ko, bahagya akong napakislot sa kiliting hatid ng mainit na hininga niyang dumampi sa leeg ko. Narinig ko ang paghalakhak niya sa naging reaction ko kaya nilingon ko siya.

"Tsk. Bitaw!" Pagtataray ko dito tsaka lumipat ng pwesto at ipinagpatuloy ang pagsasayaw. Sa kalagitnaan ng pagsasayaw ay may bumunggo sa likod ko.

"Ouch. What the hell!" Huminto ako sa pagsayaw at asar na bumaling sa tatlong magbabarkada na nakabunggo sakin.

"Ay sorry po miss.. sorry." Hinging paumanhin ng isa na nakabangga sakin. Halatang medyo bata pa tong mga ito dahil sa mga pormahan nila. Magtataray pa sana ako ng makilala ko ang isa.

"Uy! Ayos ah. Akalain mo dito lang pala kita matatagpuan?" Natatawang bati ni Ayien sakin. Lumapit siya sa harapan ko at sumayaw. Natatawa naman akong sinabayan ang indak niya. Pinakilala niya ko sa dalawang tropa niya at nagpatuloy sa pagsasayaw.

"Sinong kasama mo?" Tanong ni Ayien habang sinisipat ang kabuuan ko. Alam kong pinupuri niya ang kagandahan ko sa isip niya.

"Workmates ko. Ikaw?" Balik tanong ko at medyo inilapit ang bibig ko sa tenga niya upang marinig niya.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon