Kabanata 22

1.3K 24 1
                                    

Erin's POV

Lunes.

Pagkababa ko mula sa motor ko ay agad kong napansin ang isang pares ng matang nakatitig sakin matapos kong matanggal ang helmet ko. Nakasandal siya sa bumper ng kanyang kotse na nakaparada sa tapat ng pinagparkingan ko ng motor. Si Radleigh.

"Good morning.." Malamig na boses na bati niya bago lumapit sa akin. Nang maisabit ko ang helmet sa manibela ay tsaka lang ako humarap sakanya.

"Good morning." Ganting bati ko at kinuha na ang bag ko.

"Ej.. let's talk please. Dalawang linggo kitang hinintay. Sabi mo mag uusap tayo nung nakaraang linggo." Ani niya at hinawakan ang braso ko. Napangisi naman akong tumingin sakanya at sinalubong ang mata niya.

"Pasensiya ka na ha. Wala pala akong time makipag usap sayo nung nakaraan. Busy ako eh." Sarkastikong sagot ko at hinaltak ang braso ko sa pagkakahawak niya. Nag igting ang panga niyang tumingin sa braso kong bahagyang namula sa mahigpit na pagkakahawak niya tsaka galit na tumingin sa akin.

"I waited for you long enough Erin but you just keep on ignoring me! What happened to you? You're not like that years ago. Dati isang text ko lang sayo, andiyan ka na agad! Isang tawag ko lang, sasagot ka kaagad. Ang laki na ng pinagbago mo Ej? Ang tigas mo na ngayon! Hindi ka naman dating ganyan!" Nangagalaiting singhal niya ng maubos ang pasensiya sa pagmamatigas ko. Hah. Taste your own medicine Rad! I will never forgive you. Never.

"Oh sorry? Kasalanan ko pa pala kung nagbago ako. Hah! You made me like this Rad! What do you expect after you cheated on me?! You chosed that bitch over me! At talagang binuntis mo pa ha?!What do you expect me to do then? To accept you with wide open arms?! Hell no Rad! I don't fucking need you! So back off! Hinding hindi mo na ko maloloko!" Inis na ring sigaw ko habang matapang na nakatitig sakanya. Agad namang lumambot ang expression niya at akala mo ay maamong tupang tumitig sa akin.

"Hindi ko naman alam na hindi pala sakin yon. Hindi si Lyka ang pinili ko noon kundi ang bata! Nagkamali ako, oo alam ko yon. Pero hindi ko na ba pwedeng itama yun ngayon? Nandito na ko sa harap mo. Handa akong pagbayaran lahat ng kasalanan ko mapatawad mo lang ako.." Kalmado na ngayong ani niya. Sarkastiko naman akong natawa habang umiiling.

"Kahit pagbayaran mo yon.. kulang pa. Kahit buhay mo ang maging kapalit, kulang pa. Hindi mo na maibabalik ang nakaraan kaya huwag ka ng sumubok pa. Kalimutan mo na ang lahat ng nangyari sa atin Rad. Magmove on ka na dahil hindi ko kailangan ng kahit ano mula sayo." Malamig na ani ko at tinalikuran siya. Bakit ba tuwing masaya na lang ako bigla na lang may taong sisirain ang mood ko? Kung hindi lang masamang magsako ng tao, isinako ko na yang si Rad eh! Badtrip.

"Oh sweetie. Ba't ang aga mong nakasimangot? Pumapangit ka tuloy." Nang aasar na ani ni Johnrey ng makasalubong ako sa lobby. Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa vendo machine. Kailangan kong kumalma.

Breathe in.. breathe out.. breathe in.. breathe out..

Paulit ulit na hinga ko upang kalmahin ang sistema ko at binitbit na ang kapeng binili ko. Nang makasakay sa elevator ay pinindot ko ang 39th floor at sumandal sa gilid habang nakapikit.

Bakit ba ang hirap para sakin na kausapin si Radleigh? Dahil ba niloko niya ko at ipinagpalit sa iba? O dahil iniwan niya kami ng anak ko at mas pinili ang anak niya daw kuno sa babaeng iyon? O dahil sa nangyari sa anak namin kaya hirap akong harapin siya?

Kung hindi niya sana ginawa yun noon.. kung hindi niya ko niloko baka buhay pa ang anak namin ngayon. Dahil sa ginawa niyang pang iiwan sakin nung buntis ako ay naging desperada akong habulin siya. Ilang beses ko siyang tinangkang kausapin. Kahit nasa trabaho siya hinihintay kong makalabas siya makausap lamang siya pero pinagtatabuyan niya lang ako. Sa bahay nila, ilang beses ko siyang hinintay pero lagi nilang sinasabi na hindi na daw siya umuuwi don. Makausap ko man siya ay agad niyang pinuputol ang sasabihin ko at sasabihing buo na daw ang desisyon niya.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon