Kabanata 15

2.6K 27 1
                                    

Ayien's POV

"San?" Tanong ko ng may inguso si Erin sa bandang kanan sa harapan namin. Kunot noo kong sinuyod saglit ng tingin ang mga tao doon bago magkasabay na humakbang kami pasakay sa escalator pababa sa ground floor.

"Ayun oh. Yung kasama nung binatilyo. Yung babaeng nakalaglag ng paper bag." Turo niya sa tapat ng bilihan ng perfume.

Nakita ko ang isang lalaki na tinatawag ang babaeng mabilis na naglalakad habang pinupulot niya ang paper bag na nabitawan ng kasama niya tsaka humabol dito. Nilingon ko si Erin at inilingan.

"Hindi ko nakita. Kilala mo?" Tanong ko at nagkibit balikat lamang siya bago humakbang paalis sa escalator na sinundan ko rin nang nasa ground floor na kami.

"Parang pamilyar kasi eh. Hayaan mo na nga." Frustrated na ani niya at hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa side ng mga fast food chain. Natatawa naman akong sumunod sa kanya at huminto kami sa harap ng Jollibee.

"Kaen tayo babe. Gutom na ko." Todo ngiting ani niya ng lingunin ako at di ko naman maiwasang mapangiti sa kacutean niya kapag ganiyan siya ngumiti. Pati mata nakangiti eh. Haha.

"Ako na oorder. Hanap ka ng upuan natin." Ani ko at hinalikan siya sa pisngi tsaka inabot sakanya ang hawak kong dalawang paper bag ng sapatos na binili namin bago pumunta sa counter.

Nang makaorder ay isa isa kong inilapag ang mga inorder kong pagkain sa mesang napili ni Erin bago umupo sa tabi niya. Kaagad niya namang kinuha ang isang coke float sa mesa at ininuman ito.

"Uhmm.. Heaven! Sarap talaga nito." Nakangiting ani niya bago inilapag ang baso. Napangisi naman ako sa naisip.

"Hindi pa yan heaven babe. Dahil ang tunay na heaven, sakin mo lang malalasap. Yung tipong para kang nasa cloud 9. Mapapapikit ka pa habang dinadama mo ang sarap habang umuungol. Hehehe." Nakangising ani ko sabay kindat.

"Aww!" Daing ko ng sipain niya ang paa ko sa ilalim ng mesa. Inirapan niya lang ako at kinuha ang kutsara't tinidor upang masimulan ng kumain.

"Kumain ka na nga lang. Baka hindi ako makapagtimpi. Matsupa kita sa ilalim ng mesa." Ani niya sa mahinang boses ngunit may diin at gigil na kinagat ang fried chicken na hawak niya.

"Hahahaha! Yan ang gusto ko sayo babe eh.. Yung tipong pinagsasamantalahan mo ang pagkalalaki ko. Hahaha." Tawa ko pa at inakbayan siya.

"Mamaya ka talaga sakin." Banta niya habang napapalingon sa harap at gilid namin.

"Sure babe." Nakangiting ani ko at nagsimula ng kumain. Paminsan minsan pa ay sinusubuan ko siya ng fries at pinupunasan ang gilid ng kaniyang labi.

Hay. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Yung kasama mo yung taong importante sayo at napapasaya mo siya. Yung tipong kaya mong ipangalandakan sa buong mundo na iyo siya..

Pero...

Hindi ko alam kung kami na ba. Natatakot akong magtanong kung ano ba talaga ako sakanya.

Bigla akong nanlumo sa naisip at napatulala sa magandang mukha niya na maganang kumakain.

Di bale. Pag naayos ko na yung samin ni Joanna. Liligawan ko na si Erin para maging official na kaming dalawa.

Kailangang mapagplanuhan kong mabuti ang gagawin ko. Alam kong may masasaktan ako pero ayokong umabot sa punto na mawala rin sakin si Erin. Hindi ko kaya. Sakanya ko lang naranasan na maging ganito kasaya. Sakanya ko naranasan ang mangarap ng mga bagay na gusto kong sabay naming tutuparin. Nakikita ko ang future ko sakanya.

Tama! Napapatangong ani ko sa isip ko at napangiti.

Hindi ko pa man siya lubos na kilala pero nahuhulog na ang loob ko. Sa tingin ko nga ay hulog na hulog na. Haha. Ang cheesy ko.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon