Kabanata 25

1.3K 21 5
                                    

Erin's POV

"Ayien!" Rinig kong tawag ni Aileen sa kapatid niya dahilan para matauhan ako at pati na rin si Ayien sa muntikan naming paghahalikan sa gitna ng mga tao sa mismong birthday party ni tita Arlene.

Ngayon ko lang din napansin na tapos na pala ang kanta. Napapahiya naman akong tumingin sa paligid at napansin na may ilang nanunuod sa amin ni Ayien kaya agad akong napabitaw sakanya. Goodness. Nakakahiya!

"Ayien ano bang ginagawa niyo? Kanina pa nakatingin sa inyo si Joanna." Mahinang singhal ni Aileen at tumingin saglit sakin. Napatingin ako kay Ayien at nakita ko na nakatingin siya sa gawi ng kinauupuan namin kanina. Napalingon tuloy ako don at naabutan ko pa ang masamang tingin na ipinupukol sa amin ni Joanna bago siya tumalikod at umalis.

"Wala naman kaming ginagawang masama ate. Tsaka break na kami ni Joanna nung isang linggo pa." Ani ni Ayien pagkatapos at iginiya na ako paalis doon.

"Kahit na! Nung isang linggo lang yun. Isipin niyo naman ang mararamdaman niya. Kakabreak niyo lang kaya masakit pa para sakanya na makita kayong ganyan. Tsaka hindi pa alam ng mga nakakakilala kay Joanna bilang girlfriend mo na break na kayo lalo na si Mama. Ano na lang ang iisipin nila kung makita nila kayong naghahalikan habang nakatingin ang girlfriend mo?! Duh!! Mag isip ka nga! Hindi ka na bata Ayien ha, maging responsable ka." Patuloy na sermon niya habang sinusundan kami.

"Okay okay. Gets ko na. Salamat sa paalala Ate. Diyan ka na. Bye!" Ani ni Ayien para patigilin ang kapatid niya sa mga sinasabi nito at natatawang hinila ako papasok ng bahay nila.

"San tayo pupunta?" Tanong ko ng dire-diretso kaming umakyat sa hagdan. Nakangiti naman siyang nilingon ako at kumindat.

"Sa kwarto. Itutuloy natin ang naudlot kanina. Haha. Istorbo si ate eh." Natatawang ani niya at inakbayan ako.

Nang makarating kami sa taas ay lumiko kami sa kaliwang pasilyo at huminto sa dulong kwarto. Pagkabukas niya sa pinto ay agad nilibot ng mata ko ang silid. Amoy Ayien ang kwarto at may ilang mga poster ng kotse na pang racing ang nakadikit sa dingding.

"Kwarto mo toh?" Tanong ko at dahan dahang pumasok. Maluwag ang kwarto niya at nang lumapit ako sa bintana ay agad bumulaga sa akin ang mga halaman at mga puno sa likod ng bahay nila. Mas kita din ang buwan at bituin dito kesa dun sa harapan ng bahay nila.

"Yup." Maiksing tugon niya sa likod ko at yumakap sa akin. Inihilig ko naman ang katawan ko sa dibdib niya habang magkasalikop ang mga kamay naming dalawa.

"After 5 years ganito pa rin kaya tayo?" Maya maya'y tanong niya. Natawa naman ako at nilingon siya.

"Masyado kang confident ah. Diba dapat ang tanong ay 'Next year ganito pa rin kaya tayo?' haha." Natatawang ani ko na ikinasimangot niya.

"Sabagay. Baka next year palitan mo na ko." Naaasar na ani niya na ikinailing ko.

"Depende naman sayo yun kung ayaw mo na sakin. Sanay naman akong laging iniiwan." Seryosong ani ko kuno na agad ikinakunot ng noo niya.

"Hindi ako magsasawa sayo babe. Forever kitang mamahalin basta ba ipangako mo sakin na ako lang.. hindi ako mawawala sayo." Nakangiting ani niya at hinalikan ang pisngi ko.

"Talaga? Yun lang pala eh. Madali lang yun." Ani ko at hinalikan ang tungki ng ilong niya.

"Babe next month birthday ko na din. Anong regalo mo sakin?" Nakangiting tanong niya.

"Kelan ba?" Ani ko.

"Sa october 5." Sagot niya at hinigpitan ang yakap sa akin. Napaisip naman ako kung ano bang magandang iregalo para sakanya.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon