Kabanata 21

1.3K 26 1
                                    

Erin's POV

Matapos makapagbayad sa driver ay agad na itong umalis. Kukunin ko na sana ang mga pinamili ko ng may kamay na kumuha nito mula sa gilid ko. Dahan dahan akong nag angat ng tingin ng sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Ayien. De javu.

Sa kabila ng pagod na mga mata niya ay kita ko pa rin dito na masaya siya.

"Anong nangyari?" Kunot noong tanong ko ng tumayo ako ng tuwid. Kinuha niya lahat ng pinamili ko at nagkibit balikat.

"Okay na." Nakangiting ani niya at sinenyasan akong buksan ang gate.

Nagmamadali naman akong sumunod at binuksan ang gate. Nang makapasok kami sa loob ay tinulungan niya pa akong ayusin sa lagayan ang mga pinamili ko at ang iba naman ay inilagay sa refrigerator.

"Anong okay na? Nagkausap na kayo?" Tanong ko pa habang pinapanood siya sa pagsasalin naman ng bigas sa bigasan.

"Okay na.. tapos na kami. Sinabi ko na sakanya na may nagbago na. Hindi na namin pwedeng ipagpatuloy pa kasi may iba ng laman yung puso ko." Aniya at ngumiti ng pilit bago nag iwas ng tingin. Napakunot naman ang noo kong sinuri siya.

Mukha siyang matamlay. Nahirapan din siguro siyang makipaghiwalay kanina. Wala namang madaling break up lalo na kapag minahal mo talaga ang isang tao. Mahirap din para sayo yun kasi alam mong nakasakit ka.

"May pinagsisisihan ka ba?" Maingat na tanong ko na nagpaangat ng tingin niya patungo sa akin. Nag aalala naman siyang lumapit sa pwesto ko habang nakasandal ako sa pasimano ng lababo.

"Babe naman.. syempre hindi. Pero kasi hindi ko maiwasang malungkot sa nangyari samin ni Joanna. Nasaktan ko siya.. kung tutuusin nga ay niloko ko siya ng hindi niya deserve. Nakokonsensiya ako pero hindi ko pinagsisisihan na ikaw na ngayon ang mahal ko.." Mahabang ani niya habang may nangungusap na mata.

Nakakaunawa naman akong tumango at hinaplos ang pisngi niya habang pinag aaralan ang mukha niya.

"Mabuti kang tao Ayien.. hindi lahat ng taong nakasakit ay alam nila na nagkamali sila. Madalas ay nagbubulag bulagan sila at dahil don ay bilib ako sayo." Nakangiting ani ko at bahagyang inayos ang buhok niya. Napatingin naman ako sa kamay ni Ayien ng humawak ito sa beywang ko at maya maya pa ay yumakap.

"Nakakaubos pala ng lakas makipagbreak. Ayoko ng ulitin.. huwag tayong magbibreak ah.." Malambing na ani niya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Natatawa naman akong tinapik tapik ang likod niya.

"Huwag kang mag alala. Hinding hindi mangyayari yun." Natatawang ani ko na ikinamulat ng mata niya.

"Talaga?" Tanong niya pa at tumitig sakin ng diretso. Malawak ang ngiting tumango ako bago nagsalita.

"Hindi tayo magbibreak kasi hindi naman kita sasagutin!" Ani ko na ikinaayos niya ng tayo.

"Ano?! Bakit hindi mo ko sasagutin? Babe naman. Ang laki ng isinugal ko sayo tapos masasayang lang??" Naaasar na singhal niya na ikinatawa ko pa lalo.

"Bakit kita sasagutin eh hindi ka naman nanliligaw? Tsaka isa pa, hindi ko alam na nasa tong-itan pala tayo! Anong sugal sugal ka diyan?! Kadyutin kita diyan eh." Balik singhal ko at binulong ang huling salita tsaka natatawang umalis sa harap niya.

"A-anong k-kadyut babe?" Laglag ang pangang ani niya habang nakasunod ng tingin sa akin. Shit. Narinig pala niya. Haha. Bakit ba bigla kong nasabi yun.

"Wala yon. Guniguni mo lang yon." Ani ko at naglakad papuntang banyo.

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Ayien na naghuhugas ng bigas sa kaserola ng rice cooker. Naglakad ako palapit sakanya at niyakap siya sa likuran. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at hinalikan ang pisngi niya.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon