Kabanata 9

3.1K 34 0
                                    

Erin's POV

Alas singko y media ng hapon ng makarating kami sa executive village sa Olongapo kung saan nakatira ang aking ina kasama ang kanyang 'oh-so-perfect-family'.

Magkakasama kami nila ate Ellen, si Allen na kapatid kong lalaki, ang bayaw kong si kuya Harold at ang pamangkin kong si Aeroll sa loob ng kotse. Nang makapagpark si kuya sa tapat ng bahay nila mama ay bumaba na kami.

Suot ang aking maroon long sleeve dress na umabot sa midthigh at black wedge shoes ay confident akong naglakad patungo sa malawak na garden sa harap ng bahay nila kung saan gaganapin ang debut ni Anica.

Pagkapasok sa loob ng bakuran ay kaagad umagaw sa atensiyon ko ang malaking swimming pool na nilagyan ng ilaw sa ilalim ng tubig at mga maliliit na lobo naman sa ibabaw. Mayaman kasi ang napangasawa ni Mama kaya bongga ang party ng unica hija nila.

Inilibot ko ang aking paningin at nakitang marami ng tao. Nakasunod lang ako kila Ate papunta sa harap ng stage. Maya maya ay nakita ko ang malawak na ngiti ni Mama ng makita niya kami.

"Ellen! Buti nakarating kayo at napilit mong makasama itong si Ej!" Masayang salubong ni Mama at bumeso kay ate bago sakin. Nagmano si Aeroll at bumati naman si kuya Harold sakanya.

"Allen baby! Kamusta na? Lalo kang gumagwapo ah. May girlfriend ka na ba?" Tanong niya sa kapatid ko na tinanguan lang niya. Masungit kasi ang kapatid ko at gaya ko ay malayo din ang loob sakanya.

Nagkwentuhan pa saglit sila Ate at Mama habang iginigiya kami sa mesang inireserve para sa family ng celebrant. Tss.

Nang magsimula ang party ni Anica ay wala akong ibang ginawa kundi ang makipagtextan, magselfie, magsurf sa internet at uminom ng wine para mabawasan ang pagkainip.

Nang magserve ng pagkain ang mga waiter sa table namin ay pagkain naman ang pinagdiskitahan ko. Masasarap naman ang mga pagkain, lalo na itong wine na hindi ko mabilang kung nakailang salin na ako sa aking baso.

Napaangat ang ulo ko ng marinig ang pamilyar na pangalan na tinawag ng host na siyang escort ni Anica. Napakunot ang noo kong tumingin sa stage. Umakyat doon si Randell at nakangiting humalik sa pisngi ni Anica ng maiabot ang bouquet ng bulaklak na hawak nito.

Awtomatikong lumibot ang paningin ko sa mga taong nandito sa party at hindi nagtagal ay nakita ko ang taong kinaayawan kong makita. Nakaupo siya sa kabilang side ng stage kung saan kasama niyang nakaupo ang mga magulang niya.

Napahigpit ang hawak ko sa wine glass ng magtama ang aming paningin. Anong ginagawa niya rito?

Lumingon ako sa stage at agad nasagot ang tanong ko ng makitang halikan ni Randell si Anica sa labi habang nagsasayaw. Boyfriend ni Anica ang kapatid ng ex boyfriend ko.

Nagsimula akong mataranta ng makita siyang ngumiti at naglakad papunta sa kinauupuan ko dahilan para mapatayo ako. Napalingon si ate ng mapansin ang biglaan kong pagtayo.

"May pupuntahan lang ako. Pahiram ng susi ng kotse, babalikan ko kayo mamaya." Paalam ko at hindi ko na siya hinayaan pang makapagtanong. Agad kong kinuha ang susi sa ibabaw ng mesa at naglakad palabas ng venue bitbit ang cellphone at pouch ko.

"EJ! EJ wait!" Hindi ako lumingon at dumiretso lang sa paglalakad. Malapit na ako sa gate nang harangan niya ako at humihingal na nakatingin sa akin.

"EJ.. mag usap tayo.." ani niya kaya napahinto ako sa paglalakad. Peke akong ngumiti at nag isip kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon sa pakikipagusap niya sakin.

"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko at huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili tsaka ngumiti. Gusto kong ipakita sakanya na nakamove on na ako. May halong pagtataka ang kanyang mga matang tumingin sa akin.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon