Kabanata 18

1.4K 27 6
                                    

Erin's POV

"She reminds me of my mother." Mapaklang aniya na nagpatigil sakin sa pagsubo at laglag ang pangang tumingin sakanya. Ngumiti lamang siya pero hindi umabot sa mata at nagpatuloy na sa pagkain. Ano dawww?!

"Y-you mean.. magkapatid kayo?!" Nanlalaking matang tanong ko at naibagsak ang kutsara sa plato matapos maproseso ang sinabi niya.

"What?? Hahahahah! San mo naman napulot yang conclusion mo na yan? Siyempre hindi. Ano ka ba? Nakikita ko ang nanay ko sakanya ang ibig kong sabihin." Tumatawang aniya.

"Ah.. kamukha siya ng nanay mo. Kaano ano mo siya?" Kuryosong tanong ko at uminom ng tubig.

"Mas lalong hindi. Well, I courted her pero ng dumating si Amanda at nagpakita ng interes sakin ay kusa siyang lumayo.. iniwasan ako. Hindi ako pinaglaban. Naturn off ako sakanya.. kasi mahina siya, hindi niya ko nagawang ipaglaban. Ayoko ng ganon. Pano pa kaya kung kami na? Kaya habang hindi pa huli ang lahat.. huminto na ko." Kwento niya habang iniikot ikot ang baso sa mesa.

"So, ibig mong sabihin dahil lang sa lumayo siya at iniwasan ka ay naturn off ka na kaya huminto ka ng manligaw?!" Taas kilay na tanong ko na tinanguan lang niya. Parang sasabog naman ang ulo ko sa biglaang pag iinit nito.

"Ang babaw non Johnrey alam mo ba yon?! Pano kung nagtatampo lang o nagseselos kaya iniwasan ka? Sige nga. Balita ko eh mahal ka pa rin niya. Ang sakit ng ginawa mo! Pinaasa mo yung tao." Nanggagalaiting singhal ko at binato siya ng saging. Natatawa naman siyang pinulot iyon ng malaglag ito sa sahig at binalatan.

"Siguro nga mababaw pero ayoko ng ganong klaseng tao. Pano kung kami na? Kung naging asawa ko siya at malaman niya lang na may ibang babaeng dumidikit sakin. Anong gagawin niya? Magpaparaya siya? Lalayuan niya ko? No way! Hindi ko na hihintayin na umabot pa sa punto na mangyari yon." Sarkastikong sagot niya at kinagat ang saging. Napapailing naman akong sinuri siya ng tingin.

"Ang lalim mo naman ngayon. May pinaghuhugutan ka ba?" Ani ko habang seryosong nakatitig sakanya. Nag iwas naman siya ng tingin at napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya sa ibabaw ng mesa. Saglit siyang natahimik bago bumuntong hininga.

"That was my mom exactly did 20 years ago. Hinayaan niyang masira ang pamilya namin. Nagparaya siya para sa ikaliligaya ng iba kaya ang ending.. naging broken family kami habang ang daddy ko nagpapakasaya sa bago niyang pamilya at naging miserable naman ang buhay namin ng mommy ko." Tulalang pahayag niya habang nilalaro ang kutsara sa plato. Gulat naman akong napatingin sakanya. 20 years ago? Ibig sabihin 6 years old palang siya non?! Grabe ang bata niya pa. Ako nga 8 years old nung naghiwalay ang parents ko eh.

"Nasaan na ang daddy mo kung ganon??" Kuryosong tanong ko at umayos ng upo. Nag angat siya ng tingin sakin at ngumisi.

"Ayon.. buhay pa naman. Alam mo ba yung J.Ford Builders na construction company sa Makati?" Tanong niya. Saglit akong nag isip kung nakita o narinig ko na ba yon pero napailing lang ako dahil bago lang naman ako dito sa Manila.

"Pagmamay ari ng great grandfather ko yun hanggang sa naipasa sa lolo ko at naipasa naman sa tatay ko. Lahat sila engineer." Kwento niya na ikinalaki ng mata ko.

"Whoah! Sobrang yaman mo pala?! Edi engineer ka rin?" Manghang tanong ko na ikinatawa niya.

"Oo. Graduate din ako ng engineering pero hindi ako mayaman. Ang pamilya ng tatay ko ang mayaman. Simula ng iniwan niya kami ng mommy ko, kinalimutan ko na ring may tatay pa ako." Seryosong aniya. Mababakas sa expression niya na may sama ng loob pa rin siya sa daddy niya hanggang ngayon.

Parang bigla kong nakita ang sarili ko sakanya. Pareho kaming may hinanakit sa mga taong nang iwan sa amin at ipinagpalit sa iba. Hindi ko maiwasang malungkot para kay Johnrey. Alam ko kasi ang pakiramdam na magkaroon ng ibang pamilya ang isa sa magulang mo. Yung tipong inggit na inggit ka sa mga batang may buong pamilya samantalang ikaw ay wala.

The Sex Goddess SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon