“Ano kaya ang lasa ng kulangot? Teka ang uhog kaya ang original form nito? Eh baket kaya hindi gamiting alternative spices ang kulangot tutal naman meron din itong salt content?”
Nasa malalim na pag-iisip si Mara tungkol sa mga walang kakwenta-kwentang bagay nang bigla siyang tawagin ng kanilang professor sa economics.
“Ms. Maravilla Veneranda, mukang nasa malayo na naman ang isip mo! Bueno kung talagang nakikinig ka, sabihin mo nga sa klase kung ano ang palatandaan na ang isang isda ay sariwa?” aniya ng kanilang professor na daig pa ang cancer patient dahil sa tatatlong piraso nitong buhok.
Sa totoo lang hindi naman talaga nya ugaling magday dream sa klase, yun nga lang sadyang mas kawili-wili pa ang kanyang iniisip kesa sa mga itinuro ng kaniyang professor na tila isang araw na lamang ay makakadaupang palad na si San Pedro. Ngunit sa puntong ito, mukang sya ang mauunang humarap kay San Pedro. Paano ba naman ay tiyak na byaheng langit ang kahahantungan niya kung hindi niya masasagot ng tama ang tanong ni Lolo Notpa (bansag niya sa matandang panot na professor.)
“Uhm....Sir,..Uhm!??”
“Yes, Ms Veneranda did you miss your childhood? Is that the reason why you’re asking me to give you an am?” pagak na halakhakan ang narinig niya mula sa mga kaklase.
“Patay!Yarog! Dedbol! hindi pa naman ako sanay mamalengke”, nasambit niya sa sarili.
Kahit nagsisimula na siyang pagpawisan ng malagkit dahil sa pressure na nararamdaman ay buong tapang nyang ibinulalas ang kaniyang kasagutan.
“Sir, sariwa po ang isda kapag mapula ang mata” pikit- mata nyang sagot while matching cross fingers ang drama.
Sa pabukas ng kanyang mga mata, isang nagpupunyaging ngiti ang sumibol sa kanyang labi ng napagtanto niyang wala ni isa man sa klase ang nagbigay ng reaksiyon. Ngunit ang katahimikan na akala niyang dulot ng paghanga sa kanyang henyong sagot ay unti- unting napalitan ng nakabibinging tawanan.
“Wow! Lupet nung isda sabog pa ata!” sambit ng isa sa mga kaklase niyang lalake.
“Ui! grabe ka naman makapanglait baka naman kasi may sore eyes lang” singit pa ng isa sa mga kaklase niyang walang ibang libangan kundi ang mamintas at mangasar ng kapwa.
“Sori ha, marami kasi kaming muchacha sa bahay kaya hindi ako sanay mamalengke!” sabay wasiwas ng buhok ko na animo nageendorse ng isang brand ng shampoo.
Ganito naman talaga ako palaban, medyo weirdo, pero ayon sa iba mas nakakahigit ang pagiging engot. Ewan ko ba, hindi naman ako bobo sadya lang talagang ipinanganak akong engot para makapagbigay ng kasiyahan sa sangkatauhan.
Marami ang nagtataka dahil nagtapos ako bilang isang valedictorian sa elementary maging sa high school at ngayong college ay consistent dean’s lister ako. Pero kahit ata malagpasan ko pa ang IQ ni Eistein ay hindi ko matatakasan ang tadhana ko na maging engot pagdating sa mga simpleng bagay. Malungkot pero natutuhan ko na ring yakapin at tanggapin ang kahinaan kong ito.
Nasa ganito akong pagmumuni-muni ng biglang magsalita si Elivier.
“Sir, I think we should get over this silly stuff because we should deal with more valuable matters.”
Kung kanina ay halos lamunin ako ng lupa sa kahihiyang tinamo ko, ngayon pakiramdam ko muli akong iniluwa upang ipaghele ng libo-libong anghel sa langit. Ang sarap isipin na ipinagtanggol ako ni labiduds Elivier kahit ang totoo ay hindi.
Si Elivier Villaruz ang ultimate crush ko simula noong highschool. Kaya nga kahit ngayong kolehiyo pinilit kong magkapareho kami ng unibersidad na papasukan para patuloy ko pa rin siyang makasama kahit na nga nonexistent homo sapiens ako para sakanya. T.T
“You have a point Mr. Villaruz, instead of wasting our time to Ms. Veneranda’s foolishness we should go on with our discussion” sarkastikong pahayag ni Professor Notpa (bansag ko sa panot naming professor).
Ayun! sa isang maiksing suhestyon lang ni Elivier ang lahat ay agad-agad bumalik sa normal na tila ba walang kaadikang naganap. Salamat na lang sa kanyang labiduds prince charming dahil nailigtas siya nito mula sa isang nakahihiyang pangayayari.
(pagtyagaan nyo na lang po....^____^)
BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
RomanceSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...