Kulang na lang ay maghubad ako ng bonggang bongga para hintuan ako ng mga nagdadaang taxi. Kung hindi nga lang ako makakasuhan ng illegal possession of gorgeous body malamang kanina ko pa ito ginawa. hihihii
Pero matyaga pa rin akong naghintay, at ilang sandali pa gamit ang pangartista kong charm sa wakas ay isang taxi ang huminto sa harapan ko.
Nagmamadali kong hinawakan ang pintuan ng taxi. Ngunit kasabay ng paghawak ko rito isang kamay ren ang nakita kong humawak.
Naglaban ang tingin namin ng matronang daig pa si Madam Auring dahil sa dami ng kolorete sa mukha.
“Iha, mawalang galang na at tumabi ka dyan kasi ako ang nauna sa taxi na ‘to. Hindi uubra sa akin ang pagmamaganda mo dahil mas may asim ako sayo” asik sa akin ng matandang babae.
Naginit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Pero hindi ngayon ang oras para makipagtalo, konti na lang ang panahon ko para maabutan si Lee sa airport. Kaya naman sa halip na makipag-away gumamit ako ng ibang istratehiya.
“Miss?!” nakita kong nagliwanag ang mukha ng matrona dahil sa tinawag ko sa kanya.
“Napansin nyo po ba na kanina pa tingin nang tingin yung mestisong lalaki na nakatayo dun malapit sa poste. Feeling ko type po kayo nun. Well, di naman nakakapagtaka sa itsura nyong yan di malabong makakuha kayo ng teenager na boylet.” halos magkandasuka ako sa sinabi kong iyon.
Sa totoo lang ay sa akin naman talaga at hindi sa matronang iyon nakatingin ang lalaking tinuro ko. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan kaya naman pati ang walang muwang na lalaking iyon ay naipain sa kalokohan ko.
“Ganun ba iha, sabi ko na nga ba at ibang klase talaga ang alinDOG ko.” buong pagmamalaking sinabi ng matrona.
“Don’t worry baby, mama is coming. Grrrrrrr!”
Ito ang huling nasambit ng matrona bago niya dali-daling pinuntahan ang kaawa-awang lalaki. Hindi ko maiwasan ang hindi maumay at maawa sa lalaki na ngayon ay pilit pinupugpog ng halik ng matandang hukluban.
Kahit nakokonsensya ako sa nakapanghihilakbot na kinasapitan ng binata mula sa alembong na matrona, wala akong ibang magawa kundi ang pumasok sa loob ng taxi bago pa ako may muling makasagupa sa pagsakay.
“Manong sa NAIA po! Pwede po ba pakibilisan may dapat po kasi akong abutan.” Pagmamakaawa ko sa driver ng taxi.
Nagsimula nang umandar ang sinasakyan ko. Sa loob ng sasakyan, para akong pumapak ng isang galong kape dahil sa tensyong tila nakapagpapadyebs sa akin.
“Paano kung hindi ko maabutan si Lee? Paano na lang ang pag-ibig ko sa kanya? Arghh!!! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang mapakawalan sya sa ikalawang pagkakataon.” Mga pangambang naglalaro saking isipan.
======000=====000======000========
Sampung minuto ng hindi umuusad ang taxi na sinasakyan ni Mara dahil sa mabagal na daloy ng trapiko.
Kaya naman bumaba na siya matapos magbayad sa driver at sa kahabaan ng Laguna Bay ay nakipagpatintero siya sa mga sasakyang minsanan lang kung gumalaw dahil sa matinding traffic.
Para siyang baliw na palakad takbo ang ginagawa sa gitna ng lansangan. Wala syang pakielam magmuka man syang tanga sa harap ng marami, ang mahalaga ay mapigilan nya si Lee na lisanin sya.
Tumatagaktak ang pawis mula sa kanyang hapung- hapo na katawan. Pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo nang bigla siyang matalisod matapos mapatid ang suot niyang sandals.
BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
RomanceSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...