Akala ni Lee yun ang magiging pinakamasayang gabi niya, pero tama sila marami ang namamatay sa maling akala.
Nung gabing iyon nakatakda sana siyang magtapat kay Mara ngunit tila bumaligtad ang lahat ng si Elivier ang gumawa nun para sa kanya.
“Ganito pala kasakit mabroken hearted! Yun tipong maga na ang mata ko sa kakaiyak pero kahit konti di nababawasan yung sakit dito sa puso ko. Ang sakit pala magmahal ng taong hindi ikaw ang dahilan ng pagngiti nya. Pero lalong mas masakit mahalin yung taong ikaw nga ang dahilan ng pagngiti nya, pero sa huli mas pinili nya yung naging dahilan ng pagluha nya” sentimyento ni Lee sa sarili.
Masasabi nga niya na ang buhay ay parang life. Pareho nang tinutukoy pero may magkaibang tadhana. At sa kaso niya, pagkabigo marahil ang buhay na nakatadhana sa kanya. “Hindi dapat dito tumigil ang mundo ko, dapat ko na nga siguro syang kalimutan kahit maging katumbas pa ito ng paglimot ko sa sarili kong kaligayahan.” Ito ang huli niyang naisatinig bago muling lagukin ang alak na iniinom.
======000=====000=====000======
Dalawang lingo na rin ang nakakalipas buhat ng magtapat si Elivier bilang si Batchoy--- ang secret admirer ni Mara sa loob ng labing-apat na taon.
“Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na ang taong akalang kong hindi pumapansin sa existence ko simula pa nung high school ay mas matagal na palang may lihim na pagtingin saken. Naman! Hiyang hiya siguro si Rapunzel sa napakahaba kong buhok...hihihi” pagkausap ni Mara sa sarili habang inaayos ang mga gamit sa kanilang marriage booth bilang paghahanda sa intrams.
Masaya naman ako sa piling ni Elivier pero baket parang may kulang sa happily ever after ng love story ko.
“Parang may gusto ako na hindi ko malaman at parang may hinahanap-hanap ako na hindi ko matagpuan. Andameng “parang”, mga hindi siguradong damdamin na kahit ako hindi ko magawang bigyan ng sagot sa sarili ko. Ewan! Siguro nga sadya lang talagang naninibago ako dahil sa napakabilis na mga pangyayari sa buhay ko” patuloy na pagmomonologue niya.
“Hoy! Mara! Tigilan mo nga yang pagsasalita ng mag-isa baka mapagkamalan na psychiatric booth itong marriage booth naten. Mamaya ikaw pa maging dahilan para madisqualify tayo sa booth competition” untag ni Valeng sa pagsasa-inutil ng kaibigang si Mara.
“Eh baka naman kasi iniisip nya yung yummylicious na si Papa Elivier! Kung ako sa iyo ngayon pa lang bibilhan ko na ng helmet si Elivier mahirap na baka biglang mauntog at matauhan” pagbibiro ni Marina.
“Speaking of Elivier, baket hindi mo sya kasama ngayon?” tanong ni Ysel kay Mara na nagtulak naman sa dalaga para mahulog sa malalim na pagiisip.
BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
RomanceSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...