Chapter 16

623 8 4
                                    

Napamaang si Mara sa kanyang nakita. Parang syang pinagsakluban ng langit at lupa. At sa maluwang na pagkakabukas ng kanyang mata bunga ng matinding gulat ay mabilis na bumalong ang isang masaganang luha. Luha na dulot ng pinakamapait at pinakamasakit na nangyari sa kanyang buhay.

Kahit na nanghihina ay pinilit nyang mapuntahan ang lugar kung saan napahiga si Lee, at doon nga ay nakita niyang nakapalibot ang maraming miron na nakikiusyoso.

             Napalilibutan ng maraming tao ang nakahandusay at duguang katawan ni Lee. Wala itong malay.

            Walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman ni Mara ng mga oras na iyon. Kung alam lang nya na sa muli nilang pagkikita ay ganito ang mangyayari sa binata mas nanaisin na lamang nya sana na hindi na ito masilayan pa. Ngunit huli na ang lahat dahil ang panandaliang kaligayahan na naramdaman nya sa muli nilang pagtatagpo ay humantong sa isang mapait na pangyayari.

Sa gitna ng kanyang paghihinagpis ay napaupo siya sa tabi ni Lee. Maingat nyang iniangat ang ulo nito at inihiga sa kanyang kandungan.

Lalong sumidhi ang sakit na kanyang nararamdaman ng mapagmasdan niya ng husto ang mukha ni Lee na naliligo sa sarili nitong dugo.

Gusto niyang sumigaw para ilabas ang paghihirap ng kalooban habang minamasdan ang minamahal sa ganoong kalunos-lunos na kalagayan pero mas pinili na lamang nyang namnamin ang huling sandali na mayapos ito ng kanyang bisig.

“Ang daya mo Lee lagi mo na lang ako iniiwan. Ang sama sama mo! Bakit hindi mo ko hinintay noon sa airport? Dumating ako Lee pero wala ka na!” may pait sa tinig ni Mara.  “Ngayong nagkita tayo bakit iiwan mo ‘ko uli?” pahikbing tanong niya.

Hinimas niya ang pisngi ng binata.

“Alam mo ba noong una palang kitang nakita humanga na ko sayo pero pinilit kong kalimutan ang paghangang iyon dahil akala ko si Elivier ang mahal ko. Huli na ng marealize ko na ang isip ko lang ang nagmahal sa kanya dahil dito sa puso ko pangalan mo lang ang isinisigaw. From since then I loved you from the bottom of my heart and hypothalamus.  How silly it is that now I’m confessing to you everything” sarkastiko syang napatawa.

“Now that you’re gone” at muli ay nabasa ng luha ang kanyang mukha.

Bunsod ng pagmamahal at maagang pangungulila ay ginawaran niya ng halik si Lee. Mula sa noo, sa ilong at patungo sa labi.

Punong-puno ng pagmamahal ang ginawa niyang paghalik kay Lee. Pero teka bakit para atang gumaganti rin ito ng halik? 0________0

“Is he kissing me back or am I just too insane to hallucinate for it?” sa kabila ng pagtataka ay pikit matang ipinagpapatuloy ni Mara ang malalim na halik kay Lee.

“Oh shit! Even he’s dead he’s really a good kisser! Nakakaadik talaga ang marshmallow nyang labi! Hehe” pilyang sigaw ng kanyang utak.

Ang inaakalang maalab na halikan sa imagination ni Mara ay lalong naging mapangahas ngunit isang sigaw ang nakapagpabalik sa kanya sa katinuan.

“CUuuuutttttttTTTT!!!!!!!!!!!!!!”

Bulyaw ng isang matabang lalaki na nakasuot ng white shirt na pinatungan ng brown chaleco.

Biglang napamulat si Mara mula sa pagkakapikit. Namilog ang kanyang mata nang makita ang patuloy na paggalaw ng labi Lee.

Gulat na kumalas siya sa pagkakahinang ng labi nila ni Lee. Isang pilyo at mapanudyong ngiti ang nakita niya sa duguang labi ni Lee ngunit bigla rin itong naparam at nang pagmasdan nya uli ang binata ay hindi uli ito gumagalaw at nanatili sa pagkakapikit. Nagtaka siya. Naalarma rin sya sa dugo sa labi ni Lee, but this time alam niyang hindi siya ang nakapagpadugo nito kundi ang aksidenteng kanina lang ay kanyang nasaksihan.

“Tama! May aksidenteng naganap! Marami pa ngang miron!” usal niya sa sarili sabay tingin sa mga taong kanina lang ay nakikisimpatya habang nakapaligid sa kanila.

Pero lahat sila ay masayang nakangiti.

“Bakit sila nakangiti hindi ba sila nababagabag sa nakahandusay at duguang  katawan ni Lee!”

Nang binalingan nya si Lee ay nakahiga pa rin ito sa kanyang kandungan at nananatili pa rin itong walang malay.

Teka may nangyari nga bang aksidente” ngayon ay naliliton na rin nyang tanong sa sarili.

“Alam ko kanina nandun ako sa kabilang kalsada tapos nakita ko si Lee tapos nasagasaan sya ng kotse, tapos......”

“Hoy!” Nagulat si Mara sa sigaw na iyon.

 Hindi na natapos ni Mara ang parang batang pagmumuwestra nya kung ano ang naganap kanina dahil sa bulyaw ng isang nanggagalaiting lalaki.

“Sino ba ‘tong babae na ito!?” Sabay duro ng matabang lalaki kay Mara.

“Abat nukunukan ng engot! Miss kung magpapadiscover ka wag dito, wag mong sirain ang shooting ng pelikula ko! Hay naku maha-highblood talaga ako sa bobitang to!” galit na pasaring ng lalaki.

“Direk ito po ang tubig uminom muna kayo!” isang lalaki ang nag-abot ng mineral water sa highblood na balyena.

“Shooting? Direk? Oh no!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” bulong ni Mara sa sarili.

Saka lamang nya napansin ang mga camera na nakapalibot sa paligid.

“Wait! So ang ibig sabihin..........” muli nyang sinulyapan ang ngayon ay nakangiting si Lee na nakahiga sa kanyang kandungan.

“Minsan may good points rin pala ang kaengotan mo” sabay kindat ni Lee.

“Uhm so matagal ka na palang may pagnanasa sakin. Sabi ko na nga ba deds na deds si Ms. Engot saken” mayabang na pahayag ni Lee.

Hinampas ni Mara ang dibdib ng binata.

“Ang kapal mo talaga! If I know naglalaway ka sa halik ng engot na tulad ko.” Napayuko siya ng mapagtanto ang mga salitang binitiwan.

Pinamulahan si Mara sa kahihiyang nagawa na sya namang lalong nakapagpaligaya kay Lee.

“Don’t be blush sweetie! Coz you’re my dearly loved engot in the world, my one true love perhaps.”

Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay biglang kinabig ni Lee ang batok ni Mara. At minsan pa ay pinagsaluhan nila ang isang matamis na halik.

Habang ang mga tao sa kanilang paligid ay walang tigil ang pagkantyaw at pagpalakpak sa kanila. Lahat ay tila masaya maliban sa director na hanggang ngayon ay putak ng putak dahil sa nasasaksihan.

Wala ring tigil ang pagrolyo ng camera na tila ba isang eksena talaga sa pelikula ang kinukuhanan.

“Naku po bahala na nga kung mapanuod to nila daddy tutal sa kasalan din naman ang tuloy nito. Heheheh. Grabeh! Ito nga talaga ang pinakmasarap na marshmallow na natikman ko! Delicioso! hihihi” sa gitna ng mainit na halikan ay hiyaw ng isipan ni Mara.

At ngayon sa wakas natitiyak na ng engot na si Mara ang isang happily ever after sa magulong love story ng buhay nya.

“Oh ano inggit kayo noh!? Kayo gusto nyo rin bang maging engot??” ^__-

---------------THE END-----------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang True Love Kong EngotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon