BooOogsh!....
Isa na namang malakas na suntok ang ginawa ng isang lalake sa pader upang maglabas ng sama ng loob. Duguan na ang kaniyang kamay, pero hindi pa rin sya tumitigil sa ginagawa.
“I’m such a coward! Wala akong kwenta!” anas niya matapos tumigil sa pagsuntok dahil napansin niyang nagkalat na ang kanyang dugo sa sahig.
“I’m sorry my princess ... my superwoman”
Sa pagkakasambit niya ng mga katagang iyon, ay muling nanariwa sa kanyang balintataw ang isang bahagi ng nakaraan na matagal nang nagkukubli sa kanyang kamalayan.
“Batchoy! Gusto mo darak ito oh!” pambubuska ng isang batang lalaki.
“Wag na, bibigyan na yan ng nanay nyang baboy!”
“Ai! Oo ngapla iniwan na sya ng nanay nya, sumama sa iba. Kaya naman yung alaga nilang baboy ang nagpapasuso sa kanya”
“Wawa naman si Batchoy Baboy wala ng nanay..huhuhu...”
Nabalot ng tawanan ang parke, tawanang pinasimulan ng apat na batang lalaki. Ngunit hindi pa nagkasya ang mga ito sa pangaalaska at sinimulan na nilang suntukin ang bilugan nyang katawan dahilan para tumumba siya sa putikan.
Ganito ang araw- araw na pangyayari sa buhay ng batang binansagang “batchoy” ng kanyang mga kalaro. Lahat ng masasakit na salita patungkol sa kanyang katabaan ay narinig na nya. Masakit marinig ang lahat ng iyon, pero ang pinakamasakit ay masabihang iniwan siya ng ina. Lumaki syang hindi nasilayan ang ina, ang kwento ng kanyang abuelo ay binawian ito ng buhay matapos siya iluwal.
Gusto niyang lumaban. Kaya lang paano? Sa bigat ng kanyang braso ay ni hindi man lang nya ito maitaas upang ipansuntok. Marahil ito na nga ang kapalaran nya. Ang habambuhay na malublob sa putik tulad ng isang baboy.
Habang bumabalahaw siya sa pag-iyak ay dumating ang isang batang babae. May mahabang twalya ito sa likod na animo isang kapa ng superhero. Mahaba ang nakatirintas niyang buhok na nakasampay sa gilid ng hugis puso nitong muka. Tunay na nabighani siya sa kagandahan ng batang babae.
Alam niya na sa murang gulang hindi niya tanto kung ano ang pag-ibig, ngunit hindi na sa mga oras na iyon. Pagkat palagay niya sa kauna-unahang pagkakataon ay pinana siya ni Kupido.
“Tumigil kayo! Mga bakla! Di kayo marunong lumaban ng patas! Ito ang bagay sa inyo!”
Sumambulat mula sa plastic ang mabaho at itim na bagay na syang ibinato ng batang babae sa apat na batang bully.
“Ang baho!,,,Yuck! Ano ba ‘to?”
“Tae ng kalabaw! Kung gusto nyo pa nyan marae pa ko rito!” sabay turo sa plastic bag na dala.
Sabay- sabay na nagsitakbuhan ang apat na bata habang diring-diri sa sarili nilang amoy.
“Salamat sa pagtulong mo! Ano nga pala ang pangalan mo” tanong ni Batchoy.
“Ako si....... Supeeeeeerrr woman!” itinaas pa nya ang isang kamay para imuwestra ang gagawing paglipad. Atsaka umikot ng dalawang beses sa kinatatayuan ni Batchoy.
“Super woman, pwede ba tayong maging friends para laging may magtatanggol sakin”
“Ayoko nga! Matuto ka munang ipaglaban at mahalin ang sarili mo. Kapag malakas at magaling ka na tulad ko saka palang tayo pwedeng maging friends”
Isang halik sa pisngi, at bracelet na pink ang iniwan nya sa akin bago siya tuluyang naglakad palayo. Kaalinsabay ng pag-agos ng uhog ko, ay nanatili rin akong nakatitig sa direksyon kung saan ang kanyang imahe ay unti-unting naglalaho.
Kung hindi pa kumirot ang sugat sa kamay ko, ay hindi pa ako magigising mula saking pagbabalik-tanaw.
Ang batang babaeng iyon ang dahilan kung baket natuto akong mangarap at lumaban. Siya ang nagturo sa akin na hindi lang ako dapat humangga bilang isang baboy sa putikan.
Gusto ko nang magpakilala sa kanya.
Kaso natatakot ako na baka hindi pa ako kasing lakas at galing niya. Natatakot ako na baka tulad noon hindi pa rin siya pumayag sa hiling kong maging bahagi ng buhay niya.
Pero mas higit akong takot na mawala siya.
Kaya ipapaalam ko na sa batang babaeng iyon na ako si “Batchoy” ay matagal ng umiibig sa kanya mula pa noong pagkabata.
Dahil noon hanggang ngayon, dito sa isip at puso ko ay siya lang ang.....
Aking prinsesa...
Aking superwoman....
Aking Mara!..... @____@
BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
Storie d'amoreSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...