Medyo masakit pa rin ang kamay nya dahil sa sugat na natamo nang mapagdiskitahan niyang suntukin ang pader sa luma nilang canteen. Subalit mas malalim ang sugat na nararamdaman ng kanyang puso. Higit na mas mahapdi kung ikukumpara sa sakit ng sugatan nyang kamay.
“Hindi ko na kaya to! Kahit noon pa man mahirap ng pigilin ang damdamin ko para sayo Mara lalo na ngayong abot kamay ko na ang pagmamahal mo. Kaya mamaya sa party ipapaalam ko na kung sino ako at doon ko rin ipagtatapat ang matagal ko ng lihim na pagmamahal sayo” usal niya sa sarili.
“Uy! Anong ginagawa mo dito sa tambayan namin nila Mara” tanong ng isang babae na ikinagulat naman niya.
“Uhm..wala..ang.. ang ganda kasi ng ambiance dito eh, anyway I apologize for being an intruder. Uhm...Rachen, can you please do me a favor? No matter what happens just make sure that Mara will make it up to the party. Thanks.”
Isang tapik sa balikat ng kausap ang ginawa ng lalaki bago ito parang bulang nawala.
“Bruha! Nandito ka lang pala alam mo bang kanina pa kita hinahanap. Teka sino ba yung kausap mo kanina hindi ko kasi masyadong makilala sa malayo eh?” tanong ng kaibigang si Mara na kadarating lang.
“”Ah, yun ba! Kausap ko kanina si.....................................................”
“Rachen!”
Agad silang napalingon sa pinagmulan ng tinig.
“Mara! Sori nandyan na pala si Adot my labs maya na lang tayo magchikahan sa party. Promise me that you will come or else it will mean end of our friendship” pananakot nito.
“Luka-luka ka talaga. Ok sige na, I promise” sabay taas ng kanyang kaliwang kamay.
“Yehey! Mission accomplished! Bye, see you later bru! MWAHHH”
Kahit nalilito sa tinuran ng kaibigan ay masaya pa rin si Mara na sa wakas ay nahanap na nito ang kanyang prince charming, di tulad nya na hanggang ngayon ay matyagang naghihintay sa isang Happily Ever After..........
======000======000========000======
“Nakakalerkey! Kanina pa ako kinakabahan at hindi ko alam kung bakit. Dahil kaya sa kamote na tinira ko kanina kaya kinakabahan ako na maulit ang pag-alingawngaw ng isakandaloso kong utot o baka naman ang kabang ito ay dulot ng takot kong muling makaharap si Elivier.” pagtatalo sa isipan ni Mara.
Humigit-kumulang labing limang minuto na syang nakatayo sa labas ng malaking auditorium sa kanilang campus kung saan ginaganap ang acquaintance party. Suot niya ang isang elegant black dress na hapit sa magandang hubog ng kanyang katawan. Simple lang ang make-up niya, ngunit nagawa pa rin nitong palutangin ang natural nyang ganda.
Nahihiya siyang pumasok sa loob dahil natatakot siya sa maaaring mangyari roon. Ang posibilidad ng muling pagkrus ng landas nila ni Elivier.
Ngunit nagulat siya nang may biglang humapit sa kanyang baywang at ginawaran siya ng isang mabilis na halik sa pisngi.
“You’re the most beautiful woman I’ve ever seen tonight”
“Lee?”
“Yes I am, sweetie.J Baket may iba ka pa bang ineexpect na gagawa non?
Hindi ako kumibo. (0---------0)
“Let’s go inside, we should better not waste are time here ‘coz the real enjoyment is in there. And I think this night would be the most wonderful day of our lives” pinilit niyang ngumiti pagkatapos ay inialok na niya ang kanyang braso sa akin bilang pag-anyaya.

BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
RomansaSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...