Chapter 13

501 2 0
                                    

Sa loob ng ospital ay mahimbing na nakatulog si Mara sa gilid ng kama kung saan nakahiga ang pagal na katawan ni Elivier. Hawak ang sulat na ibinigay ni Lee sa kanya ay hindi niya napigilan ang pagbaba ng mga talukap ng kanyang mga mata, at sa isang iglap ay nakatulog siya.

       

     Napangiti ang binata nang sa pagbukas ng mga mata ay ang maamong mukha ni Mara habang natutulog ang kanyang nasisilayan.

            Malambing niyang hinaplos ang mukha ng dalaga. Gusto niyang halikan ang manipis nitong labi ngunit hindi niya maigalaw ang katawan dahil sa bugbog na natamo. Kaya’t sinubukan na lamang nyang gagapin ang kamay nito.

            Ngunit agad niyang napansin ang sulat na hawak ni Mara. Kinuha nya ito mula sa kamay ng pinakamamahal at dulot ng kyuryosidad ay sinimulan nyang basahin ang bawat letrang nakalimbag sa sulat.

            Matapos mabasa ang sulat, mariin na napapikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagtulo ng likidong umagos mula rito.

            Pasimple niyang pinahid ang luha na dumaloy sa kanyang mga pisngi nang biglang nag-inat si Mara at unti-unting nagmulat ng mga mata.

            “Gising ka na pala Elivier! May masakit ba sayo? Sandali lang tatawag ako ng doktor!” nagaalalang sambit ni Mara.

            Ngunit mabilis na nahawakan ni Elivier ang braso ng dalaga dahilan para muli itong mapaupo.

            “Just stay.” mahinahon na pagpigil niya sa dalaga.

            Namayani ang sandaling katahimikan sa kanilang dalawa bago ito muling basagin ni Elivier.

            “Mara, do you love me?”

            Dahil sa gulat ay hindi agad nakakibo si Mara. Napansin naman ni Elvier ang pagaalinlangan sa reaksyon ni Mara kaya pinili nyang magiwas ng tingin sa dalaga.

            Is there someone else? malumanay na tanong ni Elivier habang nakatitig sa puting kisame ng kwartong iyon.

            Nangilid ang luha ni Mara sa biglaang pagtatanong sa kanya ni Elivier. Hindi niya alam ang dapat isagot. Hindi niya alam kung ang katotohanan ba ay sapat para itama ang lahat, kung ang katumbas naman nito ay ang pananakit niya sa damdamin ni Elivier. Dahil ang totoo minahal lang niya si Elivier sa ideyang ito ang kanyang man of her dreams pero huli na ng mapagtanto nya na si Lee ang tunay na isinisigaw ng kanyang puso.

            Unti-unting nagsimulang yumugyog ang kanyang mga balikat. Nag-unahan ang pagpatak ng luha sa kanyang dalawang mata. Ang kaninang impit na paghikbi ay napalitan ng malakas na paghagulgol. Nagawa niyang isubsob ang mukha sa dalawang palad upang kahit paano ay maitago niya kay Elivier ang matinding hapis na kanyang nararamdaman.

            Kung matuturuan nga lang ang puso ay sisiguraduhin niyang kay Elivier lang ito titibok. Pero hindi pwede, dahil para sa kanya ang pag-ibig ay di tulad ng math equations na napagaaralan ang solutions. Dahil ang mga kasagutan sa equation ng pagibig ay hindi makikita sa anumang aklat bagkus ito ay kusang mahahanap sa kaibuturan ng puso ng taong nakararanas nito.

            “I’m sorry”

            Sa pagitan ng mga hikbi ay nagawang maibulalas ni Mara.

            Hinawi ni Elivier ang mga kamay na tumatabing sa mukha ni Mara. At buong puso niyang kinabig si Mara pasandal sa kanyang dibdib.

            “You don’t have to be sorry. Kapag nagmahal ka wala kang dapat ihingi ng tawad. Dahil lahat tayo may karapatan mahalin at magmahal. Yun nga lang may mga taong pwedeng masaktan dahil sa karapatan na iyon. But as long as you know how to value that right it will lead you to your true love. In my case, you may not be my true love but you’ll always be my hero.......my superwoman” kahit masakit ang lalamunan dahil sa pagpigil ng iyak ay naipahayag pa rin ni Elivier ang saloobin.

            Samantala, ang kulay abong kamiseta na suot ni Elivier ay basang-basa na sa luha ni Mara. Ramdam niya na ang bawat katagang binibitawan ni Elivier ay para pagaanin ang bigat ng kanyang kalooban. Alam niyang hindi karapat-dapat para sa binata ang masaktan tulad ng nararanasan nito ngayon, ngunit wala syang magawa dahil kung ipagpapatuloy nya ang pagpapanggap mas lalo lang nya itong masasaktan sa huli.

“From now on, I’ll set you free.”

Maingat na inihanarap ni Elivier si Mara mula sa pagkakasandal nito sa kanyang dibdib nang mapansin niyang lalong lumakas ang pagiyak ng dalaga dahil sa kanyang sinabi.

“Wag ka ng umiyak. Huwag mong sayangin ang oras mo para sa isang nakaraan at sa isang bagay na tapos na. O! Ano pa ba ang hinihintay mo? You better go, yun eh kung gusto mong hanapin ang kinabukasan mo at simulan ang isang bagay kasama ang taong tunay na minamahal mo. It’s already 4:20 pm, siguro kung sisimulan mo nang umalis ngayon baka maabutan mo pa sya.”

         

   Naalala ni Mara na sa araw na ito nga pala nakatakdang lumipad si Lee patungo sa Amerika. Ngayong nagparaya na si Elivier hindi niya sasayangin ang sakripisyo at pagkakataong ibinigay nito sa kanya para ipaglaban ang kanyang tunay na minamahal. Kaya kahit ang mabilis na pagtakbo ng oras ay pipilitin niyang kalabanin para mapigilan si Lee sa kanyang pagalis.

            “Napakabuti mo, that’s why you deserve someone better. Sana nga dumating ang araw na mahanap mo ang babaeng nakatadhana sa iyo, kapag nangyari iyon ako ang unang-unang magiging masaya para sayo, Batchoy ko.”

             Matagal at punong-puno ng pagmamahal ang halik na iginawad ni Mara sa noo ni Elivier bago niya tinalunton ang pintuan palabas. Sa pagpihit ng seradura ng pinto ay isang matamis na ngiti ang muling pinakawalan ni Mara saka tuluyang umalis.

            Nagawa ring gumanti ng ngiti ni Elivier sa lumisang si Mara kahit ang totoo walang pagsidlan ang sakit sa kanyang puso. Sa kabila ng lahat, tinuturing pa rin niya na isang magandang bangungot ang mga nangyari sa kanila ng dating kasintahan. Isang magandang bangungot na kung sya lang ang masusunod ay hindi na nya nanaisin gumising pa.

Ang True Love Kong EngotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon