Tatlong beses pinindot ni Mara ang door bell ng malaking bahay sa address na binigay ni Lee. Ngunit ang kulay pula nitong gate ay nananatiling nakapinid.
Dahil dito nagkaron pa sya ng pagkakataon na mas mapagmasdan ang kabuuan ng napakalaking bahay na iyon.
Hindi maiikakaila ang marangyang pamumuhay na mayroon ang binata. Ang two storey house nitong bahay ay gawa sa fiber glass at di matatawaran ang disenyo ng struktura nito. May swimming pool, maliit na parke at isang malaki ngunit elegante na kubo na nagsisilbing resthouse sa loob niyon.
Kaya naman hindi maiwasan ni Mara na mag-imagine na sya ang nakatira doon. Suot ang naglalakihang mga diyamante sa katawan ay buong yabang niyang ipinamamaypay at ipinamumunas ang napakaraming pera na kanyang hawak. Samantalang si lee ay parang tuta na nakaluhod at nagmamakaawa sa kanya habang kinikiskis ang makinis nitong pisngi sa kanyang binti.
Maang na nakatingin si Aling Mila sa tulo laway at parang nakahithit na si Mara.
Sa tagal pala ng pag-iimagine nya ay hindi niya napansin na kanina pa siya pinagmamasadan ni Aling Mila, ang malapit na kasambahay ni Lee.
Mula pagkabata ay si Aling Mila na ang nag-alaga kay Lee. Nang maglabing apat na taong gulang si Lee ay nagtungo ang kanyang mga magulang at nakababatang kapatid na babae sa Amerika at doon na nirahan. Mas pinili niya ang manatili sa Pilipinas sa piling ni Aling Mila dahil dito niya natagpuan ang buhay at trabaho na gusto niya. Kaya ngayon namumuhay siyang mag-isa sa napakalaking bahay na iyon kasama ang tinuturing niyang ikalawang ina.
“Iha ikaw ba si Mara? Nandun ngapala si senyorito sa may sala kanina ka pa nya hinihintay. Teka umamin ka nga iha katol o acetone ang tinitira mo? seryosong tanong ng nasa singkwenta anyos na si Aling Mila.
“Naku masyado pong mahal ang mga ‘yon, hallitocis drugs po ang gamit ko .Kinukulob ko lang po ng dalawang palad ang hangin na nanggagaling sa bunganga ko tsaka ko po inaamoy. Mas matindi po ang tama nun. Heaven!” matapos imuwestra ang pag-amoy sa hininga ay saka pinapungay ang mata at inilatag ang dalawang kamay na tila nagpapakita ng sobrang kasarapang nadarama.
Napahagikgik ang matandang katulong sa kanyang sinabi.
“Nakakatuwa ka talaga iha kaya pala si senyorito Lee ay ganoon na lang ang pag-----”
“Nay Mila stop it, mabuti pa po at magpahinga na kayo dahil mayroon nang gagawa sa trabaho nyo ngayon” pagputol ni Lee sa sinasabi ni Aling Mila.
Mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Lee. Nakasuot ito ng boxer shorts at fitted black sando. Kaya lahat ng dapat bumakat sa kanya ay naaninag na ni Mara kabilang ang angry birds nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang mamula at mapangiti.
“Pinagpapantasyahan mo ba ako? But I must have to say that your not my type. Anyways nandito ka ngayon para pagsilbihan ako at di para pagnasaan ako unless ibang serbisyo ang gusto mong ibigay.”
Mapanudyong bulong ni Lee habang idinudukwang ang mukha nito palapit sa mga labi ni Mara
“Grabeh! Pakielam ko kung hindi nya ko type as if naman type ko rin sya! Kahit masarap ang labi nya never ko syang magugustuhan.” komento ni Mara sa sarili sabay lunok matapos matitigan ang mapulang labi ni Lee.
Dahil sa pagkainis at pagkalito na nadarama ay agad niyang naitulak si Lee, kasunod ang isang malutong na sampal.
Nagulat si Lee sa kanyang ginawa ngunit nakakapagtaka na sa halip na magalit ay nagyuko lamang ito ng ulo.
“Pagakatapos mo linisin ang buong bahay, labhan mo naman ang mga damit ko saka ka maghanda ng pananghalian.”
Kaswal na pahayag ni Lee bagamat malamlam ang mata at tiim bagang na nakatingin kay Mara

BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
RomanceSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...