Kinabukasan, pinilit kong maging masaya sa kabila ng mga nangyari kahapon. Pumasok ako ng iskul na dala-dala ang pag-asa na masisilayan ko si Elivier “the man of my dreams.”
Para naman akong biglang naenergize ng makasalubong ko si Elivier kahit hindi man lang nya ako nagawang tapunan ng tingin. Sabagay wala namang bago ron, sa loob kasi ng pitong taon na pagiging magkaklase nmen ni minsan hindi man lang nya ako kinausap o tiningnan man lang.
Pero ang gwapo talaga nya! Matangkad siya na bumagay naman sa kanyang moreno at misteryosong dating. Pero hindi lang yummilicious looks nya ang nagustuhan ko sa kanya pati ang pagiging talented niya ay hinangaan ko rin. Captain ball siya ng basket ball team, president ng swimming club, member din sya ng theatre guild at isa sya sa representatives sa mga Quiz Bees. Pero sa kabila ng mga achievements nya nananatili pa rin syang down to earth.
Marami ang nagsasabi na suntok sa buwan na maging boyfriend sya dahil mailap nga ito at parang may sariling mundo. Pero para sa akin, handa akong tumira sa wirdong mundo nya basta makasama lang sya. Ayieeeeeeeee..........
Nagulat pa ako ng mapansin kong nasa harap na pala ako ng locker ko. Sadya lang talagang natutuliro at humihinto ang mundo ko kapag nakikita si Elivier.
Nang buksan ko ang locker ay tumambad sa akin ang isang origaming bulaklak kasama ang isang liham. In fairness, yun pa rin ang amoy ng pabango sa mga liham na natatanggap ko simula pa noon; walang pagbabago.
Dear Superwoman,
I wish you were happy my princess. ‘Coz every smile of yours gives meaning to my life.
Also, I want you to have enough courage to stand up whenever someone makes you feel worthless.
Please do remember that I am always here watching you from afar and perhaps fate will bring us to each other’s arms.
Your batchoy,
V.E.
Napangiti si Mara sa kanyang nabasa dahil simula nung 1st year high school hanggang ngayong 3rd year college ay may secret admirer sya. Yun nga lang medyo nakuku-curious sya kung bakit superwoman ang term of endearment nito sa kanya.
Hindi naman siya sobrang ganda pero masasabi nyang may alindog rin naman syang taglay. Hugis puso ang maliit niyang muka, at mahahaba ang kanyang pilikmata na wari mo’y nanghahalina. Balingkinitan ang katawan niya na lalong napapansin dahil sa tuwid at mahaba nyang buhok. Sabi nga nila siya raw ay larawan ng makabagong Maria Clara yun nga lang may pagka-idiot raw. Hmp!
Bukod sa pagiging engot niya, simple lamang siya at walang masyadong kolorete sa katawan kayat hindi nya alam kung bakit mayroon pa ring humahanga sa kanya. Pero gayunpaman kahit na may secret admirer sya isang tao pa rin ang tinitibok ng kanyang puso.
“Mara!” excited na tawag sa kanya ng kaibigang si Lornet .
Ito ang isa sa pitong matatalik niyang kaibigan. Ang iba pa ay sina Rachen, Valeng, Kristal, Ysel, Kathy, Lauren, Marina, at Verna pawang mga kasamahan niya sa tropang CG’s (Samahan ng mga NBSB sa kanilang campus). Lahat ay may makukulay pero unspoken na love life tulad nya.
“Alam mo ba dito na pala magaaral ang teen hearthrob na si Markus Lee. Excited na akong makasama ang favorite actor ko” untag ng kanyang kaibigan.
“Markus Lee? At sino naman ang hinayupak na yun? Naku po sinasabi ko naman sayo na wag kang masyadong humanga sa mga artista na yan at kapareho lang din naman natin yang umuutot ng mabaho. Ang kaibahan lang, kahit mabaho ang utot nila may mga taong tulad mo na handang makipagpatayan para malanghap lang lahat ng ito.”
“Mara! Ah..ah..kasi..si..si.si...” sabay nguso ni Lornet sa kanyang gawing likuran.
“Naku, Lornet tigilan mo nga ako sa ka-mongoloidan mo! Kala mo ikaw lang magaling sa ganyan!” at sabay ngiwi ng mukha na akmang ginagaya ang paboritong linya ni Budoy.
“Hindi ko alam bukod sa pagtatanga-tangahan natural talent mo din pala ang effortless portrayal kay Budoy, you’re really something huh!” sabat ng mestisong lalaki na nakaengkwentro niya noon.
“Aba’t ikaw na naman duwende ka! Talagang sinusu....” bago pa man niya matapos ang kaniyang sinasabi ay pinagkaguluhan na sila ng mga estudyante na na-starstruck yata sa kagawapuhan ni Lee, ang sikat na teen actor.
Nahihirapan na syang huminga. Ang pinakaayaw pa naman nya sa lahat ay yung tipong nasisiksik ng maraming tao kaya’t pakiramdam nya magsisimula na syang mag-hyperventilate.
Pero nagtaka siya ng bigla na lamang syang lumutang sa ere. Laking gulat niya na nasa bisig na pala sya ni Lee. Hindi nya mawari pero natagpuan na lamang nya ang sarili na nakayapos rin sa batok nito. Nakita niyang nahawan ang mga tao marahil pati sila ay nagulat sa ginawang pagbuhat sa kanya ni Lee. Inis pa rin sya sa tinuran ng binata, pero sa pagkakataong iyon nais rin nyang magpasalamat rito pagkat naiwasan niya ang isang buwis buhayna tagpo.
Hindi siya sigurado dahil medyo nahihilo pa siya pero parang nakita nya si Elivier na nakahalubilo sa mga taong naroon. Sa sulok ng kanyang mata ay nakita niyang nalukot ang mukha nito.
“Nagseselos kaya siya? Hay! Lord! Mamamatay na po ba ako kasi parang hindi ko maiwasang mag-hallucinate. Pero kung mangyayari man po yun, favour lang po! Pahingi ng isang kiss kay Elivier.” Iyon lang ang huli nyang nasabi sa isip at tuluyan na syang nawalan ng ulirat.

BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
RomanceSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...