Chapter 15

535 0 0
                                    

“Ate Mara gumising ka na! Baka mahuli ka raw sa job interview mo sabi ni Daddy.” Pangigising ni Eleya sa nakatatandang kapatid habang malakas na kumakatok sa pintuan ng kwarto nito.



Isang mahabang pagiinat ang ginawa ni Mara bago nakapikit na bumangon mula sa kanyang kama. Matapos maghikab ay isang matamis na ngiti at halik ang ibinungad niya sa nakadikit na larawan sa dinding ng kanyang kwarto.



“Goodmorning Lee! Habang tumatagal lalo kang pumopogi sa paningin ko. Ano ka ba, wag mo nga akong tingnan ng ganyan baka matunaw ako nyan!” parang buwang na pagkausap ni Mara sa poster ni Lee.



Dalawang taon na rin ang nakakalipas ng magtungo si Lee sa Amerika matapos na mabigo si Mara na pigilan ito sa kanyang pagalis.



Doon ay sinikap ni Lee na humanap ng bagong career. Hindi naman ito nabigo dahil maraming American indie films na rin ang kanyang pinagbidahan, kaya maituturing na nakagawa na nga siya ng sariling pangalan sa mundo ng Hollywood indie films.



Gayunpaman, sa loob ng dalawang taon ng pagkakalayo nila ay walang ibang minahal si Mara maliban sa binata. Umaasa pa rin sya na sa napapabalitang pagbalik ni Lee sa pilipinas ay magkakaroon uli ng pagkakataon ang kanilang naudlot na pag-iibigan. Salamat na lang sa kanyang matalik na kaibigan at dating kasintahan na si Elivier dahil lagi nitong pinalalakas ang kanyang loob na wag sumuko sa pagmamahal nya kay Lee.



Si Elivier nga ang nagsisilbing hingahan nya ng sama ng loob tuwing nangugulila sya kay Lee. Pero walang malisya ang relasyon na meroon sila ng binata lalo pa nga at may kasintahan ito ngayon. Ang maton nyang kaibigan na si Lauren ang maswerteng iniibig ni Elivier. Kung paanong napalambot ni Elivier ang pusong adan ng kaibigan, ito ay bahagi ng isang bagong kwento na sya mismo ay naging saksi sa nakakakilig na love story ng dalawa.



Naniniwala si Mara na darating rin ang araw tulad ng kaligayahang natagpuan ng kanyang mga kaibibgan ay mararanasan rin nya ito sa piling ni Markus lee, ang duwendeng tila nagtayo na ng punso sa loob ng kanyang puso.



Pero ngayon dapat na muna nyang pagtuunan ng pansin ang pagsasaayos ng kanyang buhay para sakali mang magkita silang muli ni Lee ay maipagmamalaki sya nito.



Kaya naman pagkaraan ng ilang saglit ng pagmumuni-muni ay agad na syang lumabas ng kwarto para maligo at mag-almusal.



Pagkatapos ay nagsimula na rin syang magayos ng sarili para maghanda sa pupuntahang job interview sa isang sikat na kumpanya ng clothing lines.




=====000=====000=====000======




Ang True Love Kong EngotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon