“You look like bisugo! harhar” asar ko kay Lee dahil sa disguise na suot nya para maikubli ang tunay niyang identity. Hindi ko lubos maisip na ang isang Markus Lee ay magsusuot ng afro na buhok at jeje cap na sinamahan pa ng napakalaking heart shape eyeglasses. Sa totoo lang kahit ganun ang itsura nya, hindi pa rin matatawaran ang taglay nyang kagawapuhan.
Napansin kong nalungkot siya sa sinabi ko kaya hindi ko tuloy napigilang pisilin ang dalawa nyang pisngi para pilitin syang ngumiti.
“Alam mo kahit ano pa itsura mo hindi kita ikahihiya na kasama kasi...uhm...kasi..kasi..” napahinto ako sa pagsasalita.
“Teka ano nga ba ang idudugtong ko sa sinabi kong ito?” tanung ko rin sa sarili.
“Ano? Sweetie, I’m waiting for that premise to be completed. Teka, baka naman kasi gusto mo ako o baka naman mahal mo na ako?”
Hindi ko namalayan na nakalapit na naman ang mukha nya sa akin. At isang pulgada na lang ay pwedeng matikman ko na naman ang marsmallow nyang labi.
“Hmp! Hindi kita gusto dahil isa lang ang taong maaari kong magustuhan at iyon ay si Elivier.” Hindi naman talaga ito ang gusto kong sabihin pero kahit ako nagtataka kung bakit ito pa ang nasabi ko.
Napansin kong nagdilim ang mukha nya at parang nagtagis ang mga bagang. Bakit kaya ganoon ang naging reaksyon nya. Akala ko babae lang ang mahirap ispelingen pero pati pala mga lalaking abnoy may mood swings ren. Gayunpaman di dapat masira ang araw na ito, kaya ako na ang aamo sa cute na duwendeng ito.
“Hey! What’s with that face? Smile na, sayang ang lugar kung hindi natin eenjoyin, di ba sweetie?!!” sambit ko sa kanya sabay hilig ng ulo ko sa kanan niyang braso kung saan ako nakaangkala.
Pinisil niya ang matangos kong ilong.
“Bakit sa kaunting pacute mo lang bumibigay kagad ako sayo! Apoy ka siguro?
“Baket naman?” maang kong tanong.
“Kasi a-LAB you!”
“Ah..,alam mo ba para ka talagang laway” ganting banat ko sa kanya
“Baket?”
“Style mo kasi panis! J Tama na nga cheesy lines punta na lang tayo dun sa booth na yun oh!” samibit ni Mara habang tinuturo ang isang haunted house na nasa may bukana ng perya.
========-000=======000========0000=======
Labis ang kaligayahan na nadarama ni Lee sapagkat ang babaeng nagpaibig sa kanya sa una palang nilang pagkikita ay kasama nya ngayon sa naiibang karanasan ng kanyang buhay. Aaminin niya na kaiba talaga si Mara sa lahat ng babaeng nakilala nya. Dahil bukod sa pagiging engot nito lubha niyang hinahangaan ang pagiging totoo ng babae. Sa katunayan kahit isa siyang artista ay nagawa pa rin siya nitong bantaan at saktan. Saludo rin siya sa fighting spirit nito na harapin ang bawat alanganing sitwasyon dulot ng kanyang katangahan. Kahit isang engot na maituturing si Mara, para kay Lee ito rin ang dahilan kung bakit lubos nya itong iniibig ngayon.
“She has cute gestures everytime she tries to compensate her foolishness.” Pagmomonolouge ng utak niya habang naaaliw sa ginagawang pagyakap sa kanya ni Mara sa tuwing ito ay magugulat sa loob ng haunted house.
“Mamaya I’m going to confess my love for her. Bahala na kung ireject nya ako basta hindi ko na kayang pigilan pa kung anung damdamin meron ako sa kanya.”
Buo na sa isipan niya ang gagawing pagtatapat kahit may doubt sya kung masusuklian ito ng dalaga. Maybe he had all the qualities of an ideal boyfriend baka nga overqualified pa sya, kaya lang kahit gaano pa sya ka-perfect kung hindi naman sya ang mahal ni Mara ay balewala rin. Alam niyang mahirap makipagkumpetensya sa taong since high school ay apple of the eye ni Mara. Kahit one percent lang ang tyansa na mayroon sya hindi nya ito palalagpasin para subukang ipaglaban ang kanyang damdamin para sa dalaga.
Paglabas nila sa haunted house hindi siya nakapagtapat dahil agad na nag-aya si Mara upang subukan pa ang ibang mga rides. Sumakay sila sa bumped car, sa nakakahilong octopus, ferris wheel at marami pang iba. Kahit muntik na syang magkandasuka walang paglagyan ang kaligayahan na kanyang nadarama dahil sa mga bagong karanasan kasama ang pinakamamahal.
Pati ang mga pagkaen na hindi nya karaniwang kinakaen ay nagawa niyang kainin sa pamimilit na rin ni Mara. Kumain sila ng cotton candy, tokneneng, isaw, betamax at ang pinakachallenging sa lahat ay ang pagkaen ng kiti ng balot. Hindi nya sana ito kakainin kundi lang nakipagdeal si Mara sa kanya na bawat balot na mauubos nya ay isang kiss sa cheeks ang kapalit. Kaya naman kahit halos bumaliktad na ang tiyan niya ay nagawa pa rin nyang makaubos ng tatlo na may katumbas na tatlo ring halik.
Nang maisipan nilang magpahinga sa isa sa mga bench roon, nakahanap na ng pagkakataon si Lee para makapagtapat. Pero hindi pa nya nasisimulan ang kanyang sasabihin ay naantala na ito dahil sa grupo ng mga kababaihan na lumapit sa kanila.
“Kuya, pahingi naman ng number mo, super pogi mo kasi kahit medyo may pagkabaduy ka!” may pagkataklesang pahayag ng isang seksing babae sa kanilang kulumpon.
“Oo nga! Para ka ngang may kamukhang artista eh!” sabad pa ng isa habang malanding nakaangkala sa kanyang braso.
Hindi sa pagmamayabang pero sanay na siya sa ganitong scenario kung saan hindi lang mga babae kundi maging mga berdugo ang syang nanliligaw sa kanya. Bagay na lubos nyang kinaiinisan.
“Uhm miss, bastusan ba ito? O sadyang napakalaki lang ng bakal sa ngipin mo, kaya di mo nakita nasa harap lang yung napakagandang girlfriend ng nilalandi mo!” nagulat ako sa palaban na reaksyon ni Mara.
“Ay! Nasaan ang maganda, wala naman ah!” pangaasar ng isa sa kanila na kala mong may askobar sa ngipin dahil sa makapal nitong brace.
Nang akma sasabunutan si Mara ay mabilis kong nagagap ang kamay ng babaeng askobar dahilan para mahulog ang afro kong buhok.
“Don’t you ever dare to touch my girlfriend or else I’m the one you’ll be fighting with.” Nasambit ko sa babaeng may askobar.
Huli na nang mapansin ko ang nagkikislapang ilaw ng camera. Napapalibutan na pala kami ng napakaraming tao at lahat sila ay nagkakagulo upang magpapicture at autograph. Kaya mabilis kong hinatak si Mara, kasabay nito ay ang mabilis naming pagtakbo.
Ang sarap sa pakiramdam. Para kaming mga bata na magkahawak kamay habang nakikipaghabulan sa kanila. Kahit saan pa ako makarating, kahit walang hanggan pa ang gagawin kong pagtakbo ay ok lang, basta lagi kong tangan ang kamay niya sa walang katapusan kong paglalakbay.
Pero nang masapit na namin ang kotse ay parang naputol ang maliligayang sandaling iyon. Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa akin kaya wala na akong ibang nagawa kundi hawakan na lamang ang manibela at buksan ang makina ng sasakyan.
“I guess, it’s not just the right time to let her know. There are still opportunities so I should have better luck next time” Pagpapakalma ko sa sarili upang hindi mabadtrip sa naudlot kong pagtatapat kay Mara.
BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
RomanceSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...