“Hay naku ang aga-aga may baliw na engot dito, ngumingiti mag-isa. Haist! Siguro nagde-daydream na naman, akala kasi nya lahat ng hunk sa campus magkakagusto sa kanya.” Pasaring ni Glamir, ang malditang kaklase ni Mara na hindi advisable yumuko dahil sa mahaba nitong baba.
“Hi, Glamir! Wow! Sarap naman nyang nilalafang mo. Ngayon lang ako nakakita ng manggang kumakain ng mangga!” nakangiting banat ni Mara sa kaklaseng tila sadyang isinilang para lang buwisitin sya araw-araw.
Kung tutuusin hindi naman talaga nya masisisi ang kaklase. Kasi naman mula kanina pa pagpasok niya sa paaralan ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti mag-isa.
Nangingiti siya tuwing maaalala niya ang mga nangyari kahapon sa perya kung saan sila ni Lee ay masayang sumakay ng rides, kumain ng streetfoods, nakipaghabulan sa mga paparazzi at nakipag-away sa mga baklang tinubuan ng bundok at hiyas. Ito ang tawag nya sa mga babaeng mukang bakla na nanlandi kay Lee. Teka bakit nga ba sya bitter sa mga ito at higit sa lahat bakit siya nagpanggap na girlfriend ni Lee. Hindi ren nya alam ang sagot sa mga tanung nya pero isa lang ang sigurado, dapat siyang magsori rito.
======0000======000======000=======
Katatapos lang ng unang subject namin kaya papunta ako ngayon sa locker room para magpalit ng P.E uniform. Mula sa locker room ay nakita kong lumabas ang lalaking kanina lang ay dahilan ng aking pagngiti, si Lee.
“Hi sweetie! Did you miss me already, because I do.”
Sa pagsambit niya ng mga salitang iyon ay naramdaman ko ang napakaraming butterfly na nagkislutan sa loob ng aking tiyan kasabay ang napakabilis na pagpintig ng puso ko. Bago sa akin ang ganoong pakiramdam kaya hindi ko magawang maipaliwanag maging sa aking sarili kung ano ang sanhi ng kakatwang sensasyong ito.
“Tama na nga ang asaran! Seriously, Lee I’m very sorry for yesterday regarding my conceited act as your girlfriend.” Sa kabila ng aking kabalisahan ay nagawa kong sabihin sa kanya.
Pero bago pa man sya makapagsalita ulit ay awtomatikong nahawakan ko ang isa niyang kamay na may sugat.
“Teka sariwa pa ito ah, baket ka ba nagkasugat sa kamay?” tanong ko na punong-puno ng pag-aalala.
“Wala ‘to nagasgas kahapon nung pumasok tayo sa haunted house. Teka bukas na ngapala yung acquaintance party sa campus, punta ka ah!” sabay kindat sa akin bago tuluyang umalis.
Si Mara ay naiwang nakatulala sa harapan ng locker room. Marami siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag tuwing kasama niya ang cute na duwendeng iyon. Mga damdamin na hanggang ngayon ay palaisipan sa kanya.
Subalit ang kanyang kabalisahan ay dagliang napalitan ng kaligayahan. Dahil sa pagbukas niya ng locker ay muling tumambad sa kanya ang isa na namang liham mula sa kanyang admirer.
Dear Superwoman,
These past few days I can’t help myself from thinking of you, that’s why I have so many sleepless nights.
Indeed, I can no longer hide my feelings so I decided to finally confess my love for you.
A little sooner and our ways will be going to meet. I’m always looking forward to that wonderful day to happen.
Your Batchoy,
V.E.
“Oh my gulay! Is this for real! Makikilala ko na ang secret admirer ko! Ayieee!!” masiglang hiyaw ng kanyang utak.
^______^
Masyadong okupado ng kaligayahan at pananabik ang isip ko kung kaya’t nabangga ako sa matangkad na lalaki na nakatayo sa harapan ko. Ang lalaking nagbigay ng ibayong saya sa aking puso ngunit sya ring dahilan ng pakadurog nito--- si Elivier.
“Mara, I’m so sorry” malamlam ang matang pahayag niya.
Para akong naputulan ng dila. Walang salita ang kaya kong bigkasin. Masyado pa rin kasing masakit ang ginawa nya at ang simpleng sorry ay hindi sapat para maparam ito.
Nagsisimula na namang manginig ang katawan ko dahil muling nanariwa ang sugat sa aking puso. Tila baga ang mga masaklap na pangyayaring iyon ay kanina lamang naganap. Ilan pa nga kayang sakit ang dapat kong maranasan para tuluyang maghilom at maging manhid ang impokritang puso ko kay Elivier.
Kaya’t bago pa ako bumulanghit ng iyak sa kanyang harapan ay walang tugon akong umalis patalikod sa kanya.
Pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko kaya’t muli akong napaharap at ngayon mas magkalapit na kami sa isa’t isa.
“Don’t just go, say somethingMara! I want to hear even a single word from you. Mas matatanggap ko pa kung sasabihin mo kung gaano mo ako kinasusuklaman kesa basta mo na lang akong iiwasan.”
“Bullshit! Ano pa ba ang gusto mong marinig?! Gusto mo bang marinig kung gaano mo ako nasaktan. Kung gaano kasakit para sa akin ang iwan sa ere ng taong minamahal ko sa loob ng pitong taon! Kung gaano kita kamahal!”
Bakas sa mukha ni Elivier ang matinding pagkagulat sa hindi niya sinasadyang pagtatapat. Ngunit siya man ay nagulat sa mga nasabi. Marahil dahil sa tindi ng emosyon ay hindi na niyang nagawang pigilan pa ang sarili na maisambulat ang kanyang totoong damdamin.
Nang maramdaman na walang anumang reaksyon mula kay Elivier ay nagmamadali na syang umalis. Kahit nahihilam na ang kanyang mata ay sinubukan pa rin nyang matunton ang daan palayo sa lugar na iyon---palayo sa lalaking minamahal at kinamumuhian.

BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
RomanceSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...