Nangingitim at naglalakihang eyebags ang pruweba sa kabalisahang pinagdadaanan ni Mara. Isang linggo na kasi siyang hindi nakakatulog ng tama dahil sa pag-iisip sa duwendeng nagmaligno sa kanyang puso.
Matapos kasi niyang iwan si Lee noong araw na pinagsaluhan nila ang isang makatanggal ngusong halikan, ay hindi na ito muling nagpakita pa sa kanya. Ayon sa mga kaibigan ng binata, isang lingo na raw itong di pumapasok at hindi nila alam ang dahilan.
Dapat ay masaya siya dahil wala na ang lalaking nagdudulot sa kanya ng labis na kalituhan; pero bakit tila hinahanap-hanap nya ang presensya ni Lee. At ngayon nga ay miserable siya dahil sa kaiisip rito.
“Sabi nila blooming daw ang isang tao kapag inlab, kung inlab nga ako kay Lee, eh bakit isang paligo na lang ang kulang at muka na akong taong grasa? Siguro nga hindi talaga love ang nararamdaman ko para kay Lee. Maybe it’s just an infatuation” pagpapaniwala ni Mara sa sarili.
Pero napahinto siya mula sa malalim na pagiisip ng magsalita ang kanilang philosophy professor.
“Class, if you’re going to compare love to a thing, what would it be and why?”
Nakuha ng katunungang iyon ang atensyon ni Mara kung kaya’t nagawa niyang muling ituon ang pansin sa klase.
Kasama pati paa na nagtaas ng kamay si Valeng, ang kaibigan niyang may pusong lalaki.
“Love is like a cigarette. Once you’ve tried the taste of it, you’ll get addicted without considering the harm it brings. Tulad sa pag-ibig, kapag naranasan na natin kung gaano kasarap ang magmahal, hindi natin mapipigilan na iparamdam ito sa taong iniibig natin kahit pa alam natin na masasaktan lang tayo sa huli.”
“Very well said Ms. San Jose, I think it’s the unconditional love you are pertaining to. Anyway, is there anyone else?
Si Verna naman ang sumagot.
“Metamorphically speaking, love is a gamble. We’ll never know when to win or when to loose in every decisions we make. But what matters most is that the risk of choosing teaches us the courage to stand for the choice we desired.
“Youre right Ms. Valenzuela.! Kaya naman everytime we get confused regarding love, wag tayong matakot pakinggan kung ano yung sinasabi ng puso natin, wag tayong paapekto sa iisipin at sasabihin ng iba and most of all wag nating paghinayangan kung ano yung pedeng mawala satin. Kasi sa isang sugal hindi ka pwedeng manalo kung hindi mo man lang susubukang pumusta. Does it make sense class?” tanong ng kanilang professor habang nakatungkod ang dalawang kamay sa teacher’s table.
Matapos mapakinggan ang words of wisdom ng kanilang professor ay agad napatayo si Mara bitbit ang kanyang bagpack.
“Where are you going Ms. Veneranda?” gulat na tanong ng kanilang professor na sya ring reaksyon ng mga kaklase.
“Para po pumusta” simpleng sagot niya, pagkatapos ay agaw eksena na siyang lumabas ng classroom.
Salamat na lang sa kanyang mga kaklase at professor dahil ngayon buo na sa kanyang isipan ang pagharap sa pilit niyang tinatakasang damdamin. Handa na syang harapin si Lee. Handa na syang pumusta sa pagibig niya para rito.
Papunta na sya ng gate palabas ng kanilang paaralan para puntahan si Lee sa kanilang bahay nang biglang may tumawag sa kanya.
“Mara sandali! Buti naabutan kita, alam mo bang kanina pa kita hinahanap” sabay abot ng isang sobre.
BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
RomanceSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...