“Teka nananaginip ba ako? Baket pakiramdam ko talagang may humahalik sa akin. Ang lambot pala ng labi ni Elivier parang marshmallow ang sarap kagatin. Nam! Nam! Nam! Sarap..hehehe”
“Ouch!” isang sigaw ang pumutol sa napakaganda kong panaginip. Bigla tuloy akong napamulat ng wala sa oras.
“Ay! Demonyong duwendeng naanakan ng kapre!” bulalas ko ng makita kong halos magkatamaan ang ilong namin ni Lee dahil sa sobrang pagkakalapit ng aming mga mukha. Dahil sa pagkakalapit naming iyon, agad kong napansin ang dumudugo nyang labi.
“Lee, labi mo dumudugo, anong putakte ang kumagat sayo?” maang kong tanung.
“Isang engot na putakte, and she should be punished for that” sabay ngisi habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa aking labi.
Parang umakyat lahat ang dugo ko sa ulo ng dumating sa akin ang reyalisasyon na ako yata ang tinutukoy nyang putakte. Paano’y ang salitang “engot” ay sadya lang atang inimbento para idescribe ang isang tulad ko. Mukang ang akala kong panaginip na halikan namin ni Elivier ay totoo pa lang halikan pero hindi kay labiduds kundi sa duwendeng ito.
“Teka hindi ata tama to, sya ang first kiss ko!!!!Hindi pwede!!!!!” Nang akmang sasampalin niya si Lee ay saka niya napansin ang suot nyang nighties gayundin ang kanilang posisyon habang nasa loob ng isang magarang kwarto.
Nakahiga si Lee at ako naman ay nakaupo sa kaniyang tiyan habang hawak niya ang kaliwa kong kamay na siya ko sanang ipangsasampal sa kaniya. Siguro kung may makakakita lang sa amin sa posisyong iyon iisipin nila na kami ay nagsusumo wrestling at ako ang aggresibong si Batista. Bigla tuloy akong napabalikwas upang kapwa kami makaalis sa ganoong posisyon.
“Baket ito ang suot ko? Baket mo ko hinalikan? Baket tayo nandito? Magtapat ka ki-kinu-nu-ha mo na ba ang pe- per- las ng silanganan ko.” Pabulol na tanung niya sa batang aktor.
“Young lady, we’re actually in my room. And there’s no need to worry about coz I’m not the one who dressed you up, my yaya managed it alone. Well, about the kiss stuff you’re the one who asked for it. Dahil sa generous ako pinagbigyan ko lang ang fan na tulad mo, but I must admit you’re definitely good as a first timer. Medyo may pagkapilya nga lang dahil ang hilig mo palang mangagat” tudyo ni Lee kay Mara.
Pinamulahan siya sa pinagtapat ng binata. Ngunit para pagtakpan ang pagkapahiya, dagli niyang isinuot ang basang uniporme habang nakasuson ang suot niyang nighties. Wala na siyang pakielam sa itsura niya ang mahalaga makatakas siya mula sa nakalilitong damdamin na hatid sa kanya ni Lee.
“You can’t just get rid of me that easily. Maghanda ka dahil mas madalas na ang pagtatagpo ng landas natin. Because Ms. Engot from now on, I declare that you are mine! Only MINE!.” J
Ewan. Pero ang huling sinabing iyon ni Lee ay parang sirang plaka na paulit-ulit at walang humpay na nagpe-playback sa kanyang isipan. Kahit naguguluhan, buo sa isipan nya na galit sya kay Lee dahil bastos, manyak, maangas at gwapo ito?!..
Hindi maaari pati ata ang sarili nya ay tinatraydor siya! Kaya naman mas lalong nagngitngit ang kalooban niya laban sa kanyang bagong kaaway na si Markus Lee.
“The real war is about to start!” kahit may pagaalinlangan ay ito ang naisaloob ni Mara bago niya iniwan ang binatang tila nagbabantang gumulo sa kanyang katawang lupa.

BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
RomanceSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...