“Girl! Instant celebrity ka na ah, usap-usapan kaya sa buong campus ang Cinderella love story mo!” maarteng pahayag ni Rachen.
“Kung ako sayo kakalimutan ko na si labiduds Elivier mo tutal naman nandyan na si Lee, kahit maliit na tao yun malaki naman siguro ang ano nya...syempre ang puso..hihihi” sabat naman ni Kathy.
Sabay-sabay naman silang napasigaw ng muntik nang sumubsob si Lauren, ang late bloomer ng grupo.
“Ano ba yan natalisod tuloy ako sa mahabang buhok mo Mara, abot kasi hanggang dito. Hehe..piz!” nakapeace sign pa nyang litanya.
Nakakatuwa talaga ang mga kaibigan kong ito. Puro kalokohan. Kahit ganun na parang tropa kaming humihithit ng katol, lahat naman kami ay cream of the crop at magagaling sa academics. Kaso nga lang sumablay ng kaunti dahil sa kaengotan ko.
Biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ko si Lee na pumasok rin sa canteen at papunta sa table kung saan kami kumakain. Hindi ko alam kung baket at kelan pa ako nagambala sa presensya nya basta isa lang ang sigurado ko dapat ko siyang kamuhian.
Dahil abala ako sa pagtingin kay Lee hindi ko napansin na kanina pa pala ako sinisiko ni Verna. Paglingon ko sa aking harapan para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tama ba ang nakikita ko si Elivier ay nakaupo sa tabi ko habang kumakaen. Pati kasu-kasuan ko nakakaramdam ng kiliti dahil sa tindi ng kilig na nararamdaman ko.
“Hi, i think you’re too busy staring at somebody, that’s why you don’t notice me anymore.” Kasabay ang pagpapakawala ni Elivier ng isang napakalambing na ngiti.
“Tama ba ang narinig ko, ANYMORE raw? Does it mean na nagtatampo sya kasi may iba na akong apple of the eye?.” >.<
Nasamid ako sa kanyang sinabi. Kasi naman di ko na nagawang lunukin pa ang laway ko na naistranded sa kahabaan ng esophagus ko matapos na marinig iyon mula sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang bigla na lang akong matutumba. Siguro dahil aatakihin na naman ako ng hyperventilation bunga ng matinding emosyon dahil sa killer smile ni Elivier.
Hinihintay ko na ang malakas na tunog mula sa pagbaldog ko sa sahig pero bigla akong napatda nang naramdaman ko ang pagsalo sa akin ni Elivier. Subalit kung may higit akong ikinagulat yun ay ang ginawa nyang paghalik sa akin. Mas banayad di tulad ng mapusok na halik ni Lee.
“Tae! baket ba laging nasisingit sa isipan ko ang ungas na duwendeng iyon. Naku!!! Erase.Erase. I should rather enjoy my reverie kiss with the man of my dreams instead of thinking that intruder.”
“Sorry, I was just trying to give you a mouth to mouth resuscitation, what had happened is nothing.” Ito ang nasabi ni Elivier matapos magkalas ng kanina nilang magkahinang na mga labi. Saka ito dali-daling umalis.
Parang pinupunit ang puso ko, totoo pala yung torture na pinagdadaanan ng isang broken hearted sa kanta ni Michael V.
Hindi lang basta pagpukpok ng martilyo at pagbuhos ng asido ang nararamdamang paghihirap ng puso ko nung mga oras na iyon, para itong sinaksakan ng sangkatutak na impaired anesthesia; manhid na ay dama ko pa rin ang sakit.
Ang daming nakatingin sa akin, kanya- kanyang bulungan sa isa’t isa. Marahil pinagtatawanan na nila ang pinakaengot na nagawa ko sa tanang buhay ko----yun ay ang sabihang “what had happened is nothing” matapos makipaghalikan in public sa taong mahal ko. Duh! kung talagang wala lang ang ganoong mga bagay eh di sana lahat ng disgrasyada sa mundo ay nagbubunyi.........!
Unti-unti ko nang nararamdaman ang mainit na pangingilid ng mga luha sa aking mata. Nakatakda na ang pagbalong nito nang may kung sinong humawak sa aking mga kamay. Tuliro akong nagpatangay sa taong mahigpit ang pagkakahawak sa akin. Di ko na magawang makita ang dinaraanan ko dahil sa patuloy na pag-agos ng mga luha, pero di ko ito alintana dahil higit pa sa mga sakit ng tapilok ang sakit na nararanasan ng puso ko.
Sa loob ng kotse, natagpuan ko ang sarili ko na walang hiyang umaatungal dahil sa saklap na dulot sa akin ng unang pag-ibig. Nang may yumakap sa akin ay saka ko lang naalala ang taong nagligtas sa akin kanina. Ang taong matiyaga akong inakay mula sa aking pagkarapa habang hila-hila ang aking mga kamay. Pero tila yata pamilyar sa akin ang kanyang amoy, ang kanyang bisig at................. ang kanyang yapos.
“That shit doesn’t deserve you. You know what?! It badly hurts me everytime you cry because of him....So sweetie could you please stop hurting me” Malambing na usal ni Lee habang bumubulong sa aking tainga.
May saya akong naramdaman ng mapagtanto kong si Lee pala ang taong umalalay sa akin at siyang kasama ko ngayon. Pakiramdam ko ligtas ako sa kanyang mga bisig pero lubha lang talagang matindi ang sakit kaya hindi ko agad siya napagbigyan sa kanyang pakiusap. Kaya’t patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Bumitaw si Lee sa aming pagkakayakap. Pagkatapos ng ilang minuto ng patititigan unti- unti niyang binababa ang kanyang muka patungo sa aking labi. Nang halos ramdam na namin ang hininga ng bawat isa, biglang may napakalakas na tunog ang kumawala mula sa naghuhumiyaw kong wetpax.
BoooOOOOOOOOOOOOOooooT!!!!!!
Bakas ko sa mukha nya ang pagkagulat. Maya-maya pa, ang malakas ngunit mahabang tunog na iyon ay dahan-dahang napalitan ng malulutong na halakhakan.
“Dyahe!!!! Sa sobrang pagatungal ko ata ay napakaraming oxygen ang na-accumulate ko kaya ngayon matinding pwersa ng utot ang napakawalan ko. Nakakahiya!!!!!” sa likod ng pagtawa ko ay nagkukubling hiyaw ng aking isipan.
“Ui ganda ng ringtone ko noh, high tech yan may amoy pa na kasama.” Tulad ng dati ay pagpapalusot ko.
Mayuming tawa lang ang nabanaag ko sa kanyang mukha.
“Bute na lang nasa closed space tayo !, Alam mo ba na makikipagpatayan pa ako sa iba para malanghap lang lahat ng iyan” nakangiting ganti ni Lee sa sinabi ko.
Hindi ko mapaniwalaan ang sinabi ni Lee sa akin. Sino ang magaakala na ang isang sikat na artista ay sasabihan ako ng ganoong kabalahura pero makalaglag panty na punchline. Masaya ako dahil nandyan si Lee, ang mortal kong kaaway, kaya naman pansamantala ko munang ipapatupad ang ceasefire sa gyera naming dalawa.
“Where do you want to unwind, sweetie?” pagbasag niya sa katahimikan.
“Sa perya”
“Ok! Perya, here we come!”
Hindi ko akalain na tototohanin niya ang sinabi ko, kaya medyo nagulat pa ako ng simulan niyang paandarin ang kotse at tuluyan itong pagkaripasin ng takbo.
(next time n po yung ibang chapters..hehe)
BINABASA MO ANG
Ang True Love Kong Engot
RomanceSa bilyun-bilyong tao na nilikha ng Diyos sa mundo, paano kung isa ka sa mga pinagkaitan ng matitino at mahuhusay na brain cells? Pipiliin mo pa rin ba ang maging engot kung dalawa namang heartthrobs ang sa tuwina ay nagliligtas sayo mula sa katang...