Chapter 2

1.2K 2 1
                                    

Ngarag at tuliro nang pumasok si Mara sa eskwelahan. Hindi kasi siya nakatulog sa kaiisip sa kaengotang nagawa nya kahapon sa klase, pakonswelo na nga lang sa kanya at hindi niya ito magiging subject sa araw na iyon.



“Miss, bawal po pumasok sa campus ang nakatsinelas” pambungad na bati sa kanya ng guard matapos siyang harangin sa pagpasok ng gate.



Ay! Anak ng tokwa! Ngayon pa umatake ang kaengotan ko kung kailan meron kaming long quiz. Tsk. Baket ba kasi nakalimutan kong magsapatos di tuloy bagay sa puti kong uniporme .Naku po! San Rafael, San Lorenzo, San Ruiz, San Mig light, San Marino tuna at lahat na ng Santo diyan, tulungan nyo po sana akong makapasok, plz! >.<  Mahabang usal niya sa sarili.



“Kuyang ubod ng pogi, papasukin muna ang cute na tulad ko, maawa ka meron kaming long quiz ngayon at nakasalalay dito ang aking mga pangarap at kinabukasan” madrama niyang pahayag habang palihim na kinukurot ang singit upang maiyak.



“Sige na nga nakakaawa ka naman. Teka iwan mo na yang ID mo at kunin mo na lang sa guidance office mamayang uwian.”



“Kelangan pa ba iyon? Ok keribels na ako dyan basta mapasok lang ako ngayon para makakuha ng long quiz. Salamat kuya. Mwa. Mwa. Tsup. Tsup” sa sobrang kaligayahan ay nasambit ko sa kanya na dahilan naman upang magtinginan ang iba pang estudyante sa aming gawi.



Haist. Kamalas nga naman talaga oh!...Napagkamalan pa akong hunter at kilabot ng mga security guard. Bukod sa pagiging engot ang pagiging malas pa ang isa pa sa katangiang higit na lamang ko sa iba. Pero sabi nga ni Whitney Houston loving yourself is the greatest love of all, pero sa kaso ko na nuknukan ng malas at engot parang mahirap itong gawin.            





===========00======00======00==============




Kahit inis pa rin ako sa sarili dahil sa katangahan ko medyo masaya pa rin ako at nairaos ko ng maayos ang examination. Pakiramdam ko makakakuha ako ng perfect score wag nga lang gagana ang alinman sa kamalasan o kaengotan ko.



Naglalakad na ako papuntang guidance office para kunin doon ang confiscated ID ko nang bigla akong matapilok. Para pa rin akong lutang, siguro dahil kulang ako sa tulog. Halos dalawang oras lang kasi ang tulog ko kaya naman ang mga pinakamamahal kong neurons ay maligalig at aligaga sa pagtatrabaho. Bute na lang at napakiusapan ko sila na ituon ang buo nilang lakas sa ginawang pagsusulit kanina, kaso ang resulta brainless ngayon ang lola nyo. J



Sa pagpasok ko sa guidance office ay buong galang kong binati ang mga tao sa loob ng kwartong iyon. OMG! Nandoon si Elivier! Pero napansin ko ren ang mestiso at poging lalaki na pinagkakaguluhan ng mga tao roon, kaya lang walang puwang sa akin ang humanga sa iba dahil ang aking puso ay okupado na ni Elivier. 

Ang True Love Kong EngotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon