Chapter 2

33 3 0
                                    

"Araaaay!" Malakas na sigaw ko dahil pag bangon ko ang sakit ng ulo ko. Arrgh ano bang pinag gagawa ko sa buhay ko!

"Ayan! Ayan ang napapala ng mga feeling lasingera. Mga ano kayo akala nyo naman magagaling at nagsiinom ng tatlong lito ng Emperador!" Nagulat ako ng makita si Manang na naglilinis sa sala, teka bat nasa sala ako? Napalingon lingon ako sa paligid ko at nakita ko yung pito na nakahiga sa sahig.

Shet dito pala kami nakatulog, wala na akong matandaan. Arrrgh sakit ng ulo ko! Sinubukan kong tumayo pero shet ang sakit ng ulo ko.

"Ayan mga feelingera kase kayo ano kayo ngayon? Hala sige maupo ka dyan at kukunan kita ng maiinom! Gisingin mona ang mga yan para maka-kain na kayo. Ngayon uuwi ang kuya at ate mo!"

Tumango nalang ako habang hinihilot ang ulo ko! Ano ba kaseng nangyare samin. Grabe!

"Hoy gising!" Sabi ko at sinipa sila isa isa pero mahina lang.

"Aray putangina!" Daing nila ng magising sila, "Ang sakit ng ulo ko shet!" Sabi ni Ep.

"Tangina ano bang pinag-gagawa natin? Arrrgh!" Joana

"Hala magsibangon na kayo dyan at magsikain na kayo at ako'y maglilinis dyan! Sa susunod wag iinom kung hindi kaya jusko!" Nagagalit na sabi ni manang.

"Sorry po!" Pagpapaumanhin ko at nagpaunang pumunta sa kusina.

"Grabe yung kagabi!" Hazel

"Pero ang sayang shet!" Divine

"Ngayon nga pala uuwi sila Kuya Beben at Ate Babam noh?" Pangungumpirma ni Lorine.

Tumango naman ako sakanya bilang tugon, nasa amerika kase sila nila mama at papa ako lang ang naiwan dito dahil auokong pumunta don. Nandito ang buhay ko e!

"Edi maghahanda ka mamaya niyan?" Abe

"Ewan ko! Ayoko na nga sana eh kaso gusto nila mama! Uuwi din sila mama dito. Mauuna lang sila ate!" Sabi ko at nanlaki ang mga mata nila.

"Omyg uuwi na sila tita? YEHEY!!!" Sabay sabay na sigaw nila. Close kase nila ang parents ko! Well mabait naman sila Mama at Papa eh.

"Pero uuwi din sila sa Monday!" Sabi ko.

"Ay ang gara!" Lorine

"Wala tayong magagawa hahahaha!" Sabi ko at nagsimula ng kumain.

Habang kumakain kami ay nagkukuwentuhan kami sa kung ano anong bagay lang.

"STI Caloocan pala ako mag-aaral!" Sabi ko sakanila.

"CMIC Ako!" Ep

"STI Meycauayan ako!" Abe

"PLV kami nila hazela at divine!" Joana

"Diko pa alam san ako e!" Monica

"OLFU Ako!" Lorine

"Hoy! Walang kalimutan kapag nag Senior high ha!" Sabi ko sakanila at nagsitanguan naman sila.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkuwentuhan ng biglang may sumigaw.

"Where's my baby horseee!" Pamilyar ang boses nayon kaya napatayo agad ako.

"Andyan na sila ate omyg!" Sabi ko at biglang tumakbo palabas.

"ATEEEE KUYAAAAA!!!!!!" Halos matumba sila ng yakapin ko sila. Omyg namiss ko sila!! "I miss you ate kuya!" Naluluhang sabi ko.

"Oh our baby horse is crying! Hapoy birthday dear!" Sambit ni kuya at niyakap ako. Namiss ko sila

Ngayon nalang sila ulit nakauwi, last birthday ko hindi sila nakauwi :(

"We miss you so much bap!" Sambit ni ate at niyakap ako. "How are you? How about you girls?" Sambit ulit ni ate.

Isa isa din nilang niyakap si kuya ate at nagbatian

"Happy birthday baby bunsoo!" Sabi ni ate at niyakap ako ulit. "Thankyou ate!"

"So kamusta ang pag-aaral?! Ano girls baka naman nagbubulakbol na kayo?!" Sabi ni kuya.

"Omyg kuya ben always aral never bulakbol!" Sambit ni Divine kaya nagtawanan kami.

Napuno ng katatawanan ang buong bahay hanggang sa napunta sa paghahanda sa bidthday ko!

"So ate maghahanda pa kayo para kay Babap?!" Ep

"Oo yon ang gusto nila mama dahil nga hindi kami nakauwi last birthday ni Babap!" Sambit ni ate.

"Ano oras uwi nila tita?!" Divine

"Mamayang lunch susunduin na namin sila" maikling sagot ni ate.

"Osya magpapahinga lang ako dyan muna kayo" sambit ni Kuya saamin at tumango lang kami.

"Uwi muna kami Bap! Kita tayo sa school mamaya!" Sambit nila sakin ng ihatid ko sila sa gate.

"Oo sige inggat kayo ha!" Sambit ko at humalik sakanila.

Tamang Pag-ibig Sa Maling PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon