Chapter 28

7 1 0
                                    

Ngayon na ang Birthday ni Avelino kaya naman nandito ako sa bahay at nagdadalawang isip kung sasama ba ako o hindi!



RING.....

Avelino is calling....

Agad ko naman itong sinagot

"Hello? Punta ka ha! Aantayin kita bye!"


Aangal pa sana ako pero binabaan na niya ako ng CP kaya wala akong nagawa kundi ang magbihis. Nakakainis naman eh!



"Babap! Andito si Ep!" Sigaw ni Mathew kaya napabalikwas ako.



"Pababa na!" Sigaw ko pabalik at nagmadaling magbihis. Nakakainis naman kase eh! Ayoko ngang sumama bakit ba ang kulit nila.





"Alam ko kaseng wala kang balak pumunta kaya naman sinundo na kita!" Maarteng sabi ni Ep at tumayo at umikot sa harap ko.



"Ganda ko ba?!" Sabi niya Kaya napapairap na naglakad nalang ako.



"Maganda ka sa paningin ng diyos!" Natatawang sabi ko at sumakay na sa kotse niya.




Tahimik lang naman kami habang nasa biyahe. Siya ang nagdrive!



Tangina makikita ko si Ted don, kasama niya pa Gf niya. Goodluck talaga sakin!




Hindi nagtagal ay nakarating na kami don, may mangilan ngilan na Schoolmate namin pero ung iba dito hindi ko na kilala.



Pinsan siguro ni Avelino.



Pagpasok namin sa loob ay agad naming nakita sila Anthony na nakaupo sa isang Table kasama yung mga bruhilda. Nappairap tuloy ako ng sunod sunod sa ere.





Paglapit namin don ay pansin ko agad ang tingin sakin nung tatlong babae, alam kong si Sandra yon at Nicole saka yung isa pang alipores.





"Happy Birthday!" Sabi ko at humalik sa pisnge ni Avelino.




"Kala ko hindi ka pupunta eh!" Sabi ni Avelino kaya naman ngumiti ako.



"Sows, ikaw ba matatanggihan ko?!" Nakangiting sabi ko.



"Omg, pati boyfriend ng Kaibigan nia lalandiin niya!" Rinig kong sabi ni Nicole, akmang paoatulan siya ni Ep pero hinawakan ko ang kamay niya at umiling.





"Asan naba sila Joana?!" Tanong ko sakanila, pansin kong dalawa palang kami ni Ep dito ngayon eh.




"Sabi ni Divine papunta na daw sila!" Sagot ni Avelino kaya tumango nalang ako.




"Gusto mo Drinks?!" Nagulat ako biglang paglapit ni Anthony kaya naman hindi ako nakapagreact agad.



"Tubig lang!" Sabi ko at ngumiti sakanya, agad naman siyang tumango at kumuha ng tubig.



"Uy Guys ha! Sa Lunes Punta kayo don sa Blessing ng bahay namin!" Sabi ni Anthony ng makabalik.




"Don't worry Anthony Dadating kami!" Sabi ni Sandra.



"Hindi naman kayo yung sinasabihan!" Nababanas na sabi ni Marc kaya napayuko sa isang tabi si Sandra.





"Basta ha!" Paniniguro ni Anthony kaya tumango kaming dalawa ni Ep.








Hindi nagtagal ay dumating na sila Lorine nagsimula naman na kaming kumain dahil magiinuman daw sabi nila.






Habang kumakain ay hindi ko mapigilang sulyapan si Ted na patuloy lang sa pagkain at pagngiti habang kausap si Nicole.



Swerte mo Nicole, napapailing na sabi ko sa sarili ko.




"Okay ka lang?!" Tanong ni Abe sakin kaya tumango ako agad.




"Wag mo na kaseng tignan!" Monica




"Hindi worth it!" Biglang sabi ko kaya napatingin silang lahat sakin. Hala, napalakas ung pagkakasabi ko.




"Alin ang hindi worth it Bap?!" Charles.




"Ha? Ano? Wala baliw. Nabibingi kana shet!" Pagpapalusot ko.






Napapailing nalang na nagpatuloy sa pagkain ang mga kaibigan ko! Ano ba Bap? Wag kang tumingin para hindi ka masaktan.





Pero makulit ang mata ko at napatingin pa din ako sa nagsusubuang si Ted at Nicole. Tangina sabi ko nga dapat hindi na ako tumingin eh! Kumikirot tuloy ang puso ko.





Nagpatuloy lang ako sa pagkain, parang nawalan tuloy ako ng gana.





"Hoy ubos na! Gutom kaba? Pati kutsara kinakain mo!" Nagulat ako sa biglang pagtapik ni Lorine sakin.



"Ha? Ubos na? Ah sige kuha mo pa ako!" Aabi ko at patuloy lang na tumulala sa ere.



"Bap? Okay kalang ba? Yung totoo magkano bigayan ng shabu dyan sa balintawak at masyado kang lutang? Ano nalugi?!" Natatawang sabi ni Hazel pero hindi ko siya pinansin.





"Okay kalang ba?!" Nagugulat pa akomg tumango ng marinig ko ang boses ni Ted.




"Sigurado kaba? Eh mukhang hindi eh!" At sa puntong yon ay natauhan na ako at tinignan siya.



"Ayos lang ako!" Sabi ko kaya naman at napangiti siya.



"Edi pwede na tayo ulit magkaibigan kase sabi mo nakamoved on kana?!" Nagulat ako sa biglang sabi niya. Tangina ang sakit! So ganon inaantay niya talaga akong makamoved on.





"Ah oo naman haha!" Pilit na tawa ko at uminom ng beer taena para akong uhaw na uhaw dahil nilagok ko lang ito ng deretsyo.



"Shit! Uhaw kaba? Malalasing ka niyan eh!" Biglang sabi niga kaya napatawa ako. Namiss ko yung ganitong side niya.




"Saluhan mo nalang ako!" Sabi ko agad naman siyang tumabi sakin.





Mabilis kong tinungga ang beer.


"Dahan dahan naman!" Biglang sabi niya pero hindi ko ito pinansin.



"Namiss kita!" Biglang sambit niya pero hindi ko siya tinignan.


"Inaantay kitang makamoved on eh!" Sabi niya kahit na nasasaktan ako sa sinasabe niya ay hindi padin ako tumitingin.





"Dimo ba ako namiss?!" Sabi niya ulit kaya tinungga ko ulit yung beer ko.



"Hindi!" Deretsyong sabi ko kahit alam ko sa sarili kong hindi yon ang totoong sagot sa tanong niya.



"Grabe ka naman sakin!" Sabi niya kaya natawa ako bigla dahil sobrang namiss ko yung ganyang reaction niya.





"Tapos tinatawanan mo pa ako?!" Sabi niya ulit kaya mas lalo akomg natawa.



"Ewan ko sayo solohin mo trip mo!" Sabi ko at tumayo.




"Uy San ka pupunta? Iiwan mo nanaman ako!" Sabi niya pero hindi kona siya pinansin.








Tamang Pag-ibig Sa Maling PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon