Chapter 6

23 2 0
                                    

Nakaupo kami ngayon sa iisang table! Sila Mama ay don sa kabila kasama ang mga kaibigan nila at ganon din sila Ate at Kuya.

Nasa harap ngayon si Lola at mukhang mgasspeech sya.

"First Of all Gusto kong magpasalamat sa mga dumalo para sa birthday ng aking Apo!" Pangunguna niya.

"Happy Birthday Babap! Dalaga kana sana naman hindi ka na utak bata? haha!" Sambit niya napapairap nalang ako sa ere dahil sa mga pinagsasabe niya.

"Nah, I'm just kidding! Babap is a good girl! Pero syempre minsan hindi maiiwasang magloko. Sa kanilang tatlo si Babap ang may kakaibang ugali! Sabi konga sa Mama niya. Minana niya sayo yan dahil nung bata ka Maldita ka din!" Sabi niya at tumawa pa ng kaonti. Napatingin naman ako kay Ted na seryosong nakikinig.


"Mabait siya pero may demonyong nakatago sa katawan niya! Para sa mga hindi nakakakilala" nakangiting sabi ni Lola.

"Parang ikaw lang pala Mare!" Sigaw ng isa sa mga kaibigan niya at nagtawanan sila.

"Again Happy birthday Babap!" Sabi niya at lumapit sakin at hinalilan akp sa pisnge.

"Ban? Your turn anak!" Sabi ni Lola at binigay ang mic kay Mama.

"Hi baby girl! Happy birthday. Actually plinano talaga namin toh! Gusto kong lahat ng kaibigan mo at kami na din ay magiwan ng message sayo!" Masayang sabi ni Mama kaya napangiti ako.

"Hm baby! 16 kana sana sundin mo yung palaging sinasabe namin sayo! Mag-aral ka ng mabuti okay? Hindi porket may kaya tayo sa buhay ay magpapa easy easy ka nalang!" Paninimula niya.

"I am proud to be your Mother Bap! Im lucky to have three children in my life! Kung ano ka ngayon anak sana hindi ka magbabago. Stay what you are at sana mas lalo ka pang maging matapang! Gaya nga ng palagi kong sinasabi sayo, habang lumalaki ka mas bumibigat ang pagsubok na iyong kakaharapin at gusto kong handa ka sa mga pagsubok na iyon. Matuto kang tumayo sa sarili mong paa anak, dahil hindi habang buhay ay nasa tabi mo kami ng Papa at mga Kapatid mo. Be responsible and more independent anak okay? Kung may problema ka Anak andito lang kami okay? Iloveyou Babap and Happy birthday!" Sabi niya at lumapit sakin at humalik, nagpalkpakan naman kami.




Tumayo naman si Papa at kinuha ang Mic

"Hey buddy?!" Paninimula niya

"Happy birthday! You are now big girl!" Sabi niya at natatawa pa kaya nagtawanan din lahat ng bisita.

"Lagi mo lang tatandaan na nandito kami parati para sayo! Remember I am your super hero! As long as i lived i will protect you and our family! Even you have been bad Im always here to support you. Habang buhay ako anak I am willing to be your human diary! Happy birthday and Iloveyou anak!" Hindi ko na napigilan at napaiyak nako.


"Hi sister! Kaagaw ko sa kagandahan! Shet dalaga kana mas maganda ka na kay ate!" Sambit ni Ate.

"Happy birthday my baby horse! Kahit na masungit ka sakin minsan, kahit lagi mo akong sinisipa dati kapag ginigising mo ako! Kahit na mas naging ate kapa sakin noon! Always remember that Iloveyou. No one can replace you in my heart! Hanggang sa mamatay ako ikaw lang ang nagiisang maganda at pinaka responsableng kapatid na meron ako! Happy birthday and Iloveyou dear!" Sabi niya.



At nagtuloy tuloy ang mga message nila sakin, napatingin ako kay Ted na nakatingin pala sakin. Hindi ko alam pero may something sa tingin na yon! Indi na ako nakatagal at ako na ang nagiwas ng tingin. Nailang ako bigla!


"Tara guys don tayo sa rooftop!" Aya ko sakanila, nagtanguan naman sila.

"Ma! Iinom po kami ha?!" Paalam ko sakanya tumango lang si mama.

Tamang Pag-ibig Sa Maling PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon