Chapter 34

10 0 0
                                    

Pagpasok kp sa Room ay agad akong umupo sa upuan ko.

"San ka galing?" Tanong ni Ep bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Dyan lang, kasama ko si Ted." 'Sagot ko kay Ep, tumingin siya sa tabi ko alam kong si Lorine ang tinignan niya. Bale kase ang katabi ko ay si Ep at si Lorine pinag gigitnaan nila ako kaya naman ang awkward talaga.


"Gusto mo bang magpalit tayo ng upuan?" Nagaalalang tanong ni Ep, ngumiti lang ako ng pilit sakanya.

"Hindi na. Okay na ito," sambit ako at humarap na sa pisara.

Maya-maya pa ay dumating na ang Teacher at nagsimula ng magturo.

Medyo nababanas naman ako dahil yung topic namin ay parang pinapatama sakin.

"Do you think loving someone that much is stupidy?" Biglang tanong ni Ma'am, natawa naman ako dahil sa tanong kaya napatingin si Ma'am sakin.

"Yes Miss Stewart? Stand up!" Biglang sabi niya, tangina bakit ba kase ako tumawa? Bwisit naman oh!

"Yes Ma'am?" Tanong ko ulit, napataas naman ang kilay neto. Shook medyo strikta tong gurang na ito eh!

"Have you ever been inlove?" Deretsyong tanong niya na siyang nagpakaba sakin. Para akong natuyuan ng tubig sa lalamunan.

"Y-yes Ma'am?" Patanong ding sagot ko, naglakad siya papunta sa likod ko at nagstay don.

"How does it feel?" Tanong niya ulit. Taena naman sinasabon ako neto ah! Aba naman.

"Masaya!" Sagot ko bigla parang nakalimutan ko ang English ng masaya dahil sa kaba.

"Okay lets get straight to the point! Matatawag mo bang tanga ang isang tao kapag minahal niya ng sobra ang gusto niya?" Deretsyong tanong ni Ma'am ah-huh baka na nonose bleed nadin siga kaka English.



"For loving him? Ofcourse not. Loving him that much doesn't mean your stupid, But chasing him for nothing? That is stupidy. We should know our limit. Mahal natin sila pero hindi din ibig sabihin non ay hahabulin natin sila, may mga taong deserve na ipaglaban at may mga taong hindi deserve ang ipaglaban! Pain and love are twin, hindi na natin mababago yon. When your inlove, your candidate in pain. Nagmahal lang tayo, pero wag natin lagpasan ang limitasyon natin dahil don magsisimula ang pagiging tanga natin" Mabilis na sagot ko, kitang kita ko sa mata ng mga kaibigan at kaklase ko ang paghanga nila sa sinagot ko.



"Napaka gandang sagot, okay last na! Kapag ito nasagot mo ng maayos? Exempted kana sa Periodical test," Sagot niya kaya naman nanlaki ang mata ko. Malaking puntos din iyon!


"For you what is love?" Tanong niya kaya napangiti ako.


"For me? Love is kontra!" Nakangiting sagot ko, kumunot naman ang noo ni Ma'am dahil sa sagot ko.



"Okay? Explain your answer!" Sambit ni Ma'am, umayos muna ako ng tayo bago ito sinagot.

"Love is kontra. Bakit? Kase don niyo malalaman ang tibay ng isa't-isa. When someone against in your relationship mas lalo kayong namomotivate na ituloy ito why? Kase gusto niyong patunayan na kahit gaano karami ang humadlang sainyo kung mahal niyo ang isa't-isa hindi kayo susuko at sabay niyong lalabanan ang kontra bida. Kapag kinokontra kase tayo ng tao ay mas lalo tayong nagsusumikap, that's why for me love is kontra!" Sagot ko at nagbow pa.



Agad naman silang nagpalakpakan, nakangiti akong umupo at hinarap si Ep na kanina pa ngiting-ngiti.

"Ganes mo don!" Sambit niya kaya mas lalo akong napangiti.

"Oh well wala akong magagawa dahil nasagot ni Babap ang tanong ko. Kaya naman exempted ka sa Periodical, Class you may now take your break!" Sambit ni Ma'am at lumabas na ng Classroom.





"Puta walang tatalo sa alaska konde Babap!" Natatawang kanta ni Monica.

"Im so proud of you gurl!" Maarteng sabi ni Hazel.

"Tama na nga yan inuuto niyo si Babap mas magaling ako dyan!" Abe

Sabay sabay kaming tumingin kay Abe at binatukan ito.


"Gago solohin mo tama mo, tara na nga!" Sambit ni Joana kaya naman sabay sabay kaming lumabas.


"Oy teka!" Sabi ni Joana.

"Lorine? Sabay kana samin!" Nakangiting sabi ni Joana kay Lorine, ngumiti lang si Lorine sakanya at umiling

"Sige na mauna na kayo!" Nakangiti niyang sabi, kami naman ay lumabas na at dumeretsyo sa Canteen.


Lorine's POV

Kaka-alis lng ng mga kaibigan ko, aaminin kong nagsisisi ako dahil sa nangyare, nasasaktan ako ng sobra dahil sa pananakit na ginawa ko kay Babap.


Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa pangungulila sa mga kaibigan ko, kahit alam kong andyan lng sila sa tabi ko hindi ko maiwasang mangulila dahil nag-iba ang pakikitungo nila. Pero si Joana ay ganon padin naman naiintindihan niya naman daw ako pero kailangan din daw niyang intindihin si Babap dahil nasaktan yung tao.



Ang laki kong gago para saktan yung taong walang ginawa kundi mahalin at maging mabait sakin. Napaka wala kong kwentang kaibigan.

Napahawak ako sa Tyan ko. "Baby, wag kang magagalit kay Mommy kapag lumabas kana ha? Wag mo akong kamumuhian dahil sa mga mali kong nagawa sa mga tita mo na kaibigan ko!" Sabi ko at tumayo.



Hindi pa man ako nakakalabas ay dumating na si Anthony, pananagutan niya daw ako. Kaya simula ng malaman niyang buntis ako ay palagi na siyang nasa tabi ko.

Ayoko man ay siya na ang nagpupumilit.

"Halika na?" Pagyaya niya kaya naman tumango ako.

"Nakita ko sila Babap, hindi padin kayo okay?" Tanong niya kaya napatingin ako sakanya.

"Pinatawad na niya ako, pero sabi niya hindi na daw kami magkaibigan!" Malungkot na sagot ko, napabuntong hininga naman si Anthony.

"Sorry, dahil sa kagaguhan ko ay nagkagulo-gulo kayo!"pagpapaumanhin niya.


"Ayos lang ginusto ko din naman ito."

Pagpasok namin sa Canteen ay dumeretsyo kami sa Table nila ng Barkada niya, hindi naman nila ako tinuring na iba matapos nilang malaman ang totoo, naiintindihan naman nila kami!




"Hi Lorine kamusta? Hoy ikaw wag mong pababayaan yang baby ha? Ninong kami niyan!" Sambit ni Ted kaya napangiti ako.


"Oo ba!" Sagot ko at umupo na, hindi pa naman ganon kalaki ang tiyan ko pero aaminin kong medyo nahihirapan na ako, dahil nagiging emosyonal ako at madalas akong sumuka.

Ang hirap pala magbuntis, pero alam kong madali lang to kung andito ang mga kaibigan kong nagpapasaya sakin.

Napasulyap naman ako sakanila na masayang kumakain at nagtatawanan pa.

Kaya ba talaga nila kahit wala na ako sa piling nila? Napayuko ako sa isipin kong iyon. Namimiss ko na sila,

"Hey, its okay! Everything will be okay! Sa ngayon? Magpalakas ka dahil hindi nila magugustuhan kapag pinabayaan mo ang sarili mo at ang magiging baby natin, you know them kahit ganyan sila sayo ay may concern padin yan lalo na si Babap." Sambit ni Anthony kaya napangiti ako.




Mababait naman kase sila ako lang itong nang-abuso.

"Kumain kana ha!" Sambit niya ulit at tumango naman ako.

Sana bago ako manganak ay maging okay na tayo. Gusto kong nasa tabi ko kayo sa araw ng panganganak ko, kaya God please? Ibalik mo na po ang mga kaibigan ko sakin.

Tamang Pag-ibig Sa Maling PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon