Chapter 13

21 2 0
                                    

Nandito kami ni kuya ngayon sa labas. Siya kase yung gumawa ng chords para don sa kantang ginawa ko.

"Babalik na si Mathew dito. Dito na siya magaaral ulit!" Sabi ni kuya.

"Talaga? Sana sa bahay siya tumira!"

"Don naman talaga, dahil sinabi ko sakanyang samahan ka!" Sabi ni kuya agad ko naman siyang niyakap.

Si Mathew Pinsan ko sya isa sya sa mga pinaka close ko!

"Kilala pa kaya ako non?!" Tanong ko kay kuya, nasa Amerika kase yong bruhildong yon eh.

"Oo naman gusto ka na niyang makita!" Natatawang sabi ni Kuya!.

"Kamusta na pala kayo ni Anthony?!" Tanong niya.

"Okay naman!" Sambit ko. Hindi ko alam kung okay ba talaga kami. Pero para sakin okay na nakapagusap naman na kami.

"Edi magcocomeback kayo?!" Tanong niya

Hinampas ko siya dahil sa inisip niyang yon! Baliw. Porket okay magcocomeback na agad? Ligaw muna aba. Ay weh? Wala traydor kang utak ka.

"Sa lol lng ako kumacomeback!" Sagot ko.

"Nako! Wala kang palag sakin! Weak kapa!" Sabi niya pero hindi kona siya pinansin dahil alam kong may dumating. Sa inggay nila imposibleng hindi ko sila makilala.

"BABAP!!!!!" Sigaw nila at niyakap ako! At dahil hindi ko sila kinaya ayon natumba kami at nagpagulong gulong.

"Aray!" Sigaw ko dahil ako yung nasa ilalim.

Ung ulo ko shet! Ang sakit Napahawak ako dito at yumuko! Ahhhh.

"Hala Bap sorry!" Sabi nila pero hindi ko pinanasin dahil sumasakit talaga ng ulo ko. Hindi pa kase masyadong magaling kanina lang kaya to!

"Ahhhhhhh!" Sigaw ko! Para akong masusuka sa sobrang sakit. Parang pinupokpok ako shet!

"Hey! Bap are you okay?!" Dinig kong sigaw ni Kuya.

Hindi ko kaya ang sakit na talaga. Niyayakap ko ang ulo ko at nagbabakasakaling pamamaraan kong yun ay mawala ang sakit.

"Shit!" Sigaw ni Kuya at mabilis akong binuhat! Tumatakbo sila ramdam ko.

"Omygod what happened?!" Nagaalalang tanong ni Mama. Nilapag ako ni kuya sa bench at tinatanong kung okay lang ako

"Ahhhhhhh! Hindi kona kayaaa! Ang sakit!" Sabi ko. Dumilat ako at naaninag ng mata ko si Ted na nakatingin sakin ng may pag-aalala.

Pumikit ako ulit! Didilat pa sana ako pero hindi na talaga kaya ng mata ko! Baka namamalikmata lang ako.

"Bap? Wag kang matutulog ha!" Sabi ni Papa.

"Hon dalhin na natin siya sa Hospital!" Umiiyak na sabi ni Mama, nakabaluktot padin ako! Sobrang sakit.

Nararamdaman komg napapagod na mata ko! Gusto ko ng matulog at magpahinga. Ang sakit!

--

Nagising ako dahil sa ilaw na nakatutok sa mukha ko! Dumilat ako at naaninag ng mata ko si Ted.

"Ayos na pakiramdam mo?!" Tanong niya.

"Okay naman na!" Sabi ko nakta kong kumuha siya ng makakain.

"Asan ako?!" Pagtatanong ko.

"Nandito sa kwarto mo! Nandon sila sa baba naliligo. Sabi ko kase sa Papa mo ako na lang magbabantay sayo para naman makabawi ako sa nagawa ko!" Sabi niya at sinubuan ako ng lugaw.

"Kumain ka ng marami pako lumakas kana at makiss mona ako!" Sabi niya.

"Manyak ka talaga!" Sabi ko at hinampas sya.

"Ay magaling kana nanghahampas kama eh!" Sabi niya at tumawa pa.

"Miss moko?!" Tanong niya.

Lagi naman kitang miss! Palagi kitang namimiss. Sana ako nalang ang girlfriend mo.

"Yaks! Mangarap ka uy!" Sabi ko at kinain ung lugar na sinubo niya.

"Maliligo ka?!" Tanong ko sakanya, agad naman sumilay ang nakakaloko niyang ngiti.

"Bakit? Gusto mo makita abs ko noh?! Don't worry ipapakita ko naman sayo to eh!" Sabi niya sabay kindat pa kaya mabilis ko siyang binatukan.

"Malala kana!" Sabi ko

Kunwaring naiinis hahaha pero deep inside! Gustong gusto ko na ganito kami. Kaso lang pag naiisip komg may Girlfriend sya nalulungkot ako.

"Kiss natin yang ulo mo para dina sumakit?!" Tanong niya sakin agad naman namula yung pisnge ko! Bakit ba paguspang halik namumula ako? Shet.

"Malandi ka!" Sabi ko nalang pero tumawa lang sya at hinalikan ang ulo ko.

"Sa susunod ayoko ng makikipag-away ka ha? Yung mga walang kwentang bagay ay hindi karapat-dapat ipaglaban!" Sabi niya sakin.

Ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagkain

"Gusto mo neto?!" Sabi ko at tinuro yung pagkain ko!

"Ayoko ikaw gusto ko!" Sabi niya kaya napatigil ako. "Gago ka!" Pagkukunwari ko.

"Joke lang!" Sabi niya. Nadisappoint ako pero sinagot ko pa din siya.

"Tantanan moko dyan sa mga joke mo nako!" Sambit ko at patuloy lang sa pagkain.

Kahit naguguluhan ako? Kahit gusto ko ng itigil to! Hindi ko magawa kapag kasama kona siya! Nasasaktan ako pero gusto kopa din ipagpatuloy kahit alam kong mali na.

"Ano nang balak mo?!" Tanong niya sakin kaya nagtatakang tumingin ako sakanya. "I mean anong balak mo sa inyo ni Anthony? Ngayong andyan na siya ayaw mo bang malaman ang dahilan niya? Kung bakit ka niya iniwan?!" Tanong niya.

"Gusto kong malaman syempre, pero natatakot ako na baka kapag sinabi niya ang dahilan niya at maintindihan ko siya baka bumalik yung feelings ko sakanya!" Mapaklang sabi ko! Ayoko ng mahulog saknya dahil ikaw na gusto ko.

"Oh bakit? Hindi mo na ba sya mahal? Malay mo gusto ka pa niya?!" Sabi niya sakin, sumisikip ang dibdib ko sa katotohanang pinipilit niya ako kay Anthony!

"Ewan ko!" Sabi ko ulit.

"Ako kase yung mahal mo bwahahaha!" Sabi niya at tumawa pa with hawak tyan pa.

"Pano kung Oo?!" Napatigil siya sa pagtawa dahil sa sinabi ko.

"Seryoso?!" Sabi niya kaya ako naman tong tumawa ng malakas.

"Joke unleh hahahahaha!" Sabi ko at nakitawa siya.

"Hahahaha saya noh? Hahaha ang panget mo magjoke buti nalang ako gwapo!" Sabi niya sabay tawa ulit. Aba gago talaga.

"Solohin mo trip mo gago!" Sabi ko at tinalikuran siya. Mababaliw ako dito! Sana kse wala nalang siyang Girlfriend eh huehue.

Tamang Pag-ibig Sa Maling PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon