Chapter 15

14 1 0
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw! "Goodmorning world!" Masayang bati 'ko!


Dumeretsyo ako sa CR at naghilamos saka toothbrush, Bakit pala pakiramdam ko ang saya ko? Umiling ako habang nakangiti. Shet Bap malala kana talaga.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko agad sila Mama na nagbebreakfast.

"Goodmorning iha kamusta ang pakiramdam mo?" Lola

"Ayos naman po!" Sagot ko at tumabi kay Ate at sinimulang kumuha ng pagkain. Susubo na sana ako ng kanin ng mapansin kong halos lahat sila ay nakatingin sakin.

Umayos ako ng upo at hinarap sila! Teka may mali ba sa mukha? May dumi ba o ano? Bakit sila nakatingin? Puta kung malala pala ako mas malala 'to!


"What?!" Naiilang na tanong ko sakanila.


"You look blooming today! Bakit?!" Tanong ni Kuya sakin at chineck pa mukha ko.


"Hey! Stop! Ano ba? Anong blooming pinagsasabe mo?!" Sabi ko at hinampas yung kamay niyang akmang hahawak sa mukha ko.


"Nah. Seryoso anak ang aliwalas ng mukha mo ngayon? Nagpapaganda kaba?!" Biglang sabi ni Papa kaya agad nanlaki ang mata ko. Grabe na'to ha.


"Pwede ba? Hindi ako nagpapaganda hindi pa nga ako nagaayos o naglalagay ng kahit na anong kolorete dyan sa mukha ko! Kung trip nyo ko please lang wag ako. Solohin nyo trip nyo!" Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain. Ngingisi-ngisi naman silang kumain.




Tumingin ako sa paligid teka? Asan ang mga kaibigan ko? "Asan sila Joana Ma?!" Tanong ko kaya agad siyang napatingin sakin.


"Andon sila sa dagat naliligo, susulitin na daw nila kase mamayang hapon uuwi na tayo! Ikaw? Ayaw mo bang maligo? Hindi kapa naliligo sa dagat simula kahapon ah?!" Pagtatanong niya. Oo nga bakit pala hindi ko naisipang maligo kagabi?



"Pupunta ako don pagtapos then maliligo po ako!" Sabi ko at kumain na ulit.


Ang gara hindi manlang ako ginising? Grabe. Mga kaibigan koba talaga sila? Grabe parang mawawarak ang puso ko sa katotohanang hindi nila gustong isama ako sa pagligo nila. Ayaw ba nila akong kasama? Oh well hindi na tinatanong yan. Siguradong banas na sila sa ugali mong panot Babap.




"So wala ka talagang balak na sumama sa Amerika?!" Tanong ni Lola kaya napatingin ako sakanya.


"Dito ang buhay ko! Pupunta lang ako don siguro for vacation lang!" Deretsyong sabi ko.


"Why? Nandon ang pamilya mo so dapat andon kadin! Sila ang buhay mo right? O baka may ayaw ka lang iwanan dito?!" Biglang sabi niya kaya nagtiim ang bagang ko. Eto nanaman siya sa kakaganyan niya.





"Ma!" Suway ni Papa sakanya.

"Stop it Von! Hindi nyo dapat kinukunsinti ang batang ito? Wala ka pang napapatunayan kahit isa sa Pamilyang ito kaya ayos-ayusin mo ang buhay mo! Wag mong ipahiya ang pamilya natin!" Kalmadong sabi niya. Yeah right wala pa sa ngayon pero dadating ang panahon mas angat pa ako sayo! Sainyong lahat.




"Stop it Ma! Binababa mo ang confident ng bata!" Sigaw ni Mama. Gusto kong sumagot pero magiging pagakto yon ng kabastusan, kagit ganyan si Lola ginagalang ko padin siya.



"No. You should be thankful dahil ako ang Lola mo! Someday maiintindihan mo din kung bakit ganito ako sa inyong lahat!" Sabi niya at tumayo na. "I'm done!" Sabi niya at tuluyan ng umalis.


Sana nga Lola maintindihan kita dahil paghindi? I assure you na mapapahiya ka kapag napatunayan kona sarili ko sayo.



"Hey are you alright?!" Kuya

"Ofcourse! Sanay na ako dyan kay Lola!" Sabi ko at inubos na ang pagkain ko. Alam kong gusto pa akong kausapin ni Mama at Papa pero hinayaan nalang nila ako.

"Magpapalit lang po ako para makaligo nako!"  Sabi ko at bumalik sa kwarto.


Pagbalik ko sa kwarto ay agad kong kinuha ang black bikini ko. Agad akong nagpalit sa banyo.

Pagtapos ko ay naglagay lang ako nang kaunting liptint at tinali ko ng paikot ang buhok ko! Nagsuot din ako ng Robe.

Paglabas ko ay nakita ko agad si Anthony na naglalakad, papunta din at siya don dahil maliligo din siya. Agad siyang lumapit sakin at ngumiti.


"Goodmorning!" Bati niya sakin kaya ngumiti din ako. "Goodmorning din!" Sabi ko.


"You look beautiful!" Pagpuri niya kaya nginitian ko siya.

"As always!" Sabi ko at tumawa. Tumawa din siya at napapailing na naglakad!

"Ganyan kapa din hahahahaha nakakamiss noh?!" Biglang sabi niya kaya napatingin ako sakanya. Ngayon masasabi ko talagang wala na! Nakamoved on nako sakanya.

"Ikaw kase eh iniwan moko!" Pagbibiro ko pero biglang nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Sorry!" Sabi niya kaya naman huminto ako at hinawakan siya sa kamay.


"Stop saying sorry. Tapos nayon! Siguro ang karapatan ko nalang dito ay malaman kung bakit? Pero kung hindi kapa handang sabhin? Hihintayin ko naman. At gusto kong malaman mo na kahit iniwan mo ako hindi ko kailan man pinagsisihan na minahal kita! Yeah right nasaktan ako pero its part of a life, ganon ang buhay eh kaya tatanggapin nalang!" Nakangiting sabi ko sakanya. Nakita kong may tumulong kuha sa mga mata niya kaya agad siyang napatalikod. Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko na makitang umiiyak siya sa harap.




"Ang tanga ko! Sana pagdumating yung araw na malaman mo. Please tanggapin mopa din kami! Patawarin mo padin kami. Habang buhay akong magsosorry sayo Babap always remember that!" Sabi niya at ginawaran ako ng halik sa labi at mabilis na iniwan ako.



Ha? Hindi ko maintindihan? Kame? Sinong  sila ang sinasabi niya? What the fuck. Mabilis akong kinabahan at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nagsimula ng  gumala ang isip ko dahil sa palaisipang sinabi ni Anthony sakin. Mas lalo akong naguluhan





Ang tanga ko! Sana kapag dumating yung araw na malaman mo na, please tanggapin mo pa din kami. Patawarin mopa din kami


Ang tanga ko! Sana kapag dumating yung araw na malaman mo na, please tanggapin mo pa din kami. Patawarin mopa din kami


Ang tanga ko! Sana kapag dumating yung araw na malaman mo na, please tanggapin mo pa din kami. Patawarin mopa din kami

Tamang Pag-ibig Sa Maling PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon