Chapter 27

11 1 0
                                    

Nakaupo kami habang kumakain ng Ice cream.




"Namiss ko yung ganito tayo!" Biglang sabi niya kaya naman napangiti ako.




"Ako din!" Masayang sabi ko, totoo naman kahit naman iniwan niya ako noon hindi ko parin maiiwasan na mamiss siya.



Minahal ko siya ng higit pa sa salitang sobra! Crush ko kase siya Grade 7 palang, napansin niya lang ako nung Grade 8 na tapos nalaman ko na may gusto din pala siya sakin. December non nung naging kami wala ng Ligaw Ligaw hahahaha.






Pero tumagal kami ng 9months never kaming nagkaroon ng alitan, walang tampuhan o kahit maliit na away! Kaya nga ganon nalang akong nasaktan ng makipagbreak siya sakin at bigla siyang lumipad papuntang Canada.




Masarap maging Boyfriend si Anthony, Napaka understanding niya. Hindi mahirap mahalin si Anthony dahil Ideal Man siya. Parang si Ted lang kaso si Ted mainggay at makulit. Si Anthony kase tahimik lang!






Kahit hindi niya ako niligawan ay araw araw naman niyang pinaramdam sakin na nililigawan niya ako.


"Hoy! Nakikinig kaba? Sabi ko kung anong ginawa mo nung iniwan kita?!" Sabi niya kaya naman bumalik ako sa ulirat.




Tumingin ako sakanya ng matagal bago sumagot.



"Nilululong ko ung sarili ko sa LOL, araw araw akong pumupunta sa mga lugar kung saan meron tayong alaala! Halos kalahating taon akong ganon!" Paninimula ko sakanya.





"Palagi kong tinatanong kung bakit mo ako iniwan? May kulang ba sakin? Hindi mo na ba ako mahal? May mahal ka na bang iba? May nagawa ba akong mali kaya iniwan mo ako? Pero hindi ko masagot yon kase wala ka na! Umalis ka na at tuluyan mo na akong iniwan!" Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Eto nanaman ako! Umiiyak nanaman ako. Akala ko kapag sinabi ko na ang hinanakit ko hindi na ako iiyak pero mali pala ako.







"Nung gabing nakipag break ka sakin nasaktan ako ng sobra! Sabi ko sa sarili ko kung mahal mo talaga ako babawiin mo ung salitang binitawan mo at babalikan mo ako sa bahay kaya naman hindi kita hinabol! Pero hindi ko din kinaya kaya kinabukasan pumunta ako sa bahay nyo para magmakaawang balikan mo ako pero huli na ako dahil umalis ka na ng tuluyan! Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ng araw na yon! Hindi ko alam kung paano ako babangon. Ubos na ubos ako non para bang kinuha mo pati kaluluwa ko! Galit na galit ako sa mundo non. To the point na nakalimutan kong may mga kaibigan at pamilya ako na nagmamahal sakin at hindi ako iiwan!" Humahahgulgul na sabi ko sakanya.





"Galit na galit ako sayo! Dumating sa puntong pinalangin kong sana nagcrash ang eroplanong sinakyan mo! Sobrang nadepressed ako at kinailangan kong maging bantay sarado sa mga Nurse. Hanggang sa isang araw nagising nalang ako na! Ang baho kona. Ang dungis ko at ang panget ko na! Sabi ko sa sarili ko non hindi ako pwedeng habang buhay ganito. Kailangan kong umayos para pagbalik mo mahal mo pa din ako! Pero hindi ko alam na makakalimutan kita at mababaling sa iba ang feelings ko! Yung dapat na ikaw ang nasa tabi ko sa araw na gipit ako si Ted ang nandyan para sakin, yung alaga na dapat ikaw ang gumagawa siya ang gumawa! Sakanya ko natutunang magmahal ulit! Dahil sa tulong niya nakabangon ako ulit pero huli na ng malaman kong may Girlfriend siya! Pero okay lang dahil hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya! Thankful pa nga ako dahil tinulungan niya akong kalimutan ka!"





Pagtapos ng mga salitang binitawan ko ay gumaan ang pakiramdam ko! Para bang nabunutan ako ng tinik. 




"Sorry hindi ko alam!" Sabi niya at niyakap ako!



"Ano bayan tuwing magkikita nalang tayo palaging may dramang nagaganap haha!" Natatawang sabi ko kaya naman natawa din siya.






"Tara na!" Pagyaya ko sakanya! Tumango lang siya at inalalayan akong tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nagpunta patungo sa sasakyan niya.






---

Divine's POV

Unang kita ko palang sakanya nahumaling na ako! Palaging bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nasa tabi ko siya! Palagi akong kinikilig sa simpleng ngiti lang niya.



Ang boses niya ang siyang nagsisilbing kanta sa pandinig ko! Ang mga mata niyang kumikinang kapag nakatingin ako. Ang labi niyang mapupula na pinagnanasaan ko! At ang ilong niyang singtulis ng pagmamahal ko.





Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko pero natatakot akong layuan niya ako! Hindi ko alam kung bakit sa dinadami naming magkakaibigan mas pinili niya akong samahan.




Damn Mathew hindi na kita gusto.






Mahal na kita.





"Hoy!" Nagulat ako dahil sa pagsulpot ni Babap sa tabi ko andito kase ako sa bahay nila gumagawa kami ng Report ni Mathew. Pero kase sabi niya magpahinga daw muna kami kaya wala kaming ginagawa ngayon.




"Ano ba yan Bap nanggugulat ka naman!" Sabi ko sakanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.


"Sows ang sabhin mo naistorbo kita sa pagpapantasya mo sa pinsan ko! Ikaw ha! Ano? Crush mo pinsan ko noh? Ano? Uyy!" Sabi niya kaya agad kong tinakpan yung bunganga niya.




"Ano ba Bap inggay mo naman eh! Oo na pero please wag kang mainggay!" Pagmamakaawa ko sakanya.



"Oo! Pero binabalaan kita hindi ko gusto si Mathew para sayo!" Sabi niya at iniwan na ako. Agad naman kumunot ang Noo kp dahil sa sinabi niyang yon.






Anong problema mo Bap? Hindi kita pinakealaman sa lovelife mo so please wag mo naman pakiealaman ang akin.

Tamang Pag-ibig Sa Maling PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon